Shan POV
pinilit kong tumingala para tignan kung tulog na siya
Hayss salamat natulog din!
Dahan dahan kong iginalaw ang braso ko na naiipit ng kanyang mga braso dahil sa yakap niya
Haist! Di ko maigalaw!
Huminga ako ng malalim at saka ubod ng lakas na kumawala sakanya na nagawa ko naman
Napatihaya siya kaya agad akong tumayo
"Aww! Ang sakit ng katawan ko!"
Inunat unat ko ang magkabila kong braso na kanina pa ipit na ipit
Ang init na din ng pakiramdam ko dahil sa pagyakap niya sakin
Wag kayong mag isip ng iba -____-
Feeling ko ang init ko na din kasi nga mainit siya at yakap niya ko kaya feeling ko pati ako nag init
Ayan. Mas lalong naging Berde =___=
Napatingin ako sakanya ng bahagya siyang gumalaw habang umuungol
Para siyang nilalamig
Nilapitan ko siya at mas lalong tumaas ang lagnat niya
Teka ano bang ginagawa kapag may sakit??
kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Ryu
"Shan! Nasaan ka?" - iyon kaagad ang sinagot niya saakin
"May itatanong ako"
"Uhh ano ba un?"
"Ano bang dapat gawin sa may sakit?"
Biglang tumahimik sa kabilang linya
"Ryu!"
"Ay peste!"
"Ung tanong ko"
"Ahh, hilamusan mo ng maligamgam na tubig tas palitan mo ng damit. Pagkatapos balutan mo ng kumot ng pagpawisan"
"Un lang?"
"Hmm. Teka bakit m-"
di ko na hinintay na matapos siya sa pagsalita at agad na ibinaba ang tawag
Mapagkakatiwalaan ba mga sinabi nun?
Agad akong pumunta sa banyo at kumuha ng maliit na palanggana na may laman ng maligamgam na tubig mula sa shower at saka maliit na bimpo
Inilapag ko iyon sa side table at saka pumunta sa wardrobe
Organize lahat ng mga damit niya
Akalain mo un marunong umayos ng mga gamit ang isang halimaw
Agad kong dinampot ang nakita kong plain white tshirt
Hindi na ako kumuha ng damit pang ibaba
Asa naman na pati un palitan ko pa psh -___-
binasa ko ang bimpo sa tubig bago piniga at inumpisahang punasan ang mukha ng halimaw
Ang haba pala ng pilik mata niya
Tas ang taas pa ng ilong
May lahi ata to
At kung titignan siya sa malapitan.. gwapo siya
Ohh sige kahit sa malayo naman gwapo naman talaga siya
![](https://img.wattpad.com/cover/115691831-288-k924749.jpg)
YOU ARE READING
I Am His Assassin
RandomShe is an assassin. He is a mafia boss. What if their paths will cross accidentally without knowing their real identity behind their masks? Is there a possibilty that love will bloom between them? Or it will be a war?