Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 01: First Kiss

162K 3.1K 1.1K
                                    

TCWDM: This is Teen Fiction/Young adult. Please use #KYWatty for tweets na gusto n'yong mabasa ko. Wuv you!

***

"Ano'ng ibig mong sabihin? Wala akong sinabi kay Paul."

Halatang iritado si Jacob sa tono niya. Napapalakad siya sa bakuran tapos napapasabunot sa buhok, na madalas ay hinahawi niya lang. Kausap niya si Maureen sa cell phone. First love niya (sabi ni Kuya). Ex-girlfriend since twenty-four days ago.

Pinaglapat ko nang mabuti ang mga labi ko para hindi ako makagawa ng ingay. Nangangalay na 'ko sa pag-squat sa sanga ng punong mangga pero okay lang basta nakikita ko siya. May ibibigay ako sa kanya kaya nakasunod ako mula kanina, kaso umeksena na naman si Maureen. I ended up here—eavesdropping.

"Bakit hindi ako ang paniwalaan mo?" aniya. "Bakit ko naman sasabihin 'yon eh alam nating pareho na hindi totoo? Ang labo, Mau."

Sumimangot ako. Nakaiinis makitang frustrated si Jacob sa iisang babae. Eight months niyang niligawan si Maureen pero ang relasyon nila, six months lang. Tapos, break na nga sila pero tuwing magkakaproblema si girl sa bagong boyfriend, laging damay si Jacob. Bakit? Eh 'di ba, 'pag break na, wala na dapat pakialaman?

Si Jacob naman, hindi pa i-block si Maureen. Siya na nga niloko, siya pa problemado.

"Hoy, Hakob—"

Dumating si Kuya Jepoy pero nasenyasan agad ni Jacob na tumahimik.

"Si Mau?" pabulong na tanong ni Kuya. Tumatabi at idinidikit 'yong tainga niya sa cell phone pero itinutulak ni Jacob.

"Ilabas n'yo na lang ako sa away n'yo. Kay Paul ka magpaliwanag. Basta ako, wala akong sinabing ganyan kahit kanino. At kung totoong makikita ko si Paul, hindi tsismis ang mapapala n'yan sa 'kin. Baka nabugbog ko 'yan.

"May ina-assemble akong project ngayon. Ibababa ko na."

Ibinulsa ni Jacob ang cell phone niya pagkatapos.

"Ano na naman 'yon? Bakit ka na naman tinawagan ni Maureen?" tanong ni Kuya.

Hinilot-hilot ko ang paa ko habang nakahawak ang isang kamay sa sanga.

"Ewan ko ro'n. Sabi raw ni Paul, may sinabi ako tungkol sa 'min," sagot ni Jacob.

Hindi nakatutulong ang paghihilot-hilot ko. Bumibigat pa rin ang binti ko sa pangangalay. Tapos, umeksena pa 'to si Kuya. Pa'no 'pag nahuli ako rito sa taas ng puno? Aasarin na naman akong buntot ni Jacob at isusumbong kina Mama at Papa.

"Weh? Baka ang tinutukoy ay 'yong tsismis sa school tungkol sa virginity." Natawa nang mahina si Kuya. "Matagal naman na 'yon, ah. Bago pa naging kayo ni Mau, may gano'ng tsismis na."

"Ewan ko. Ang gulo nila."

Inakbayan ni Kuya si Jacob. Papalakas naman ang pukpok ko sa paa ko.

" 'Yang si Mau, masyadong papansin sa 'yo. Break na kayo, 'di ba? Bakit ikaw ang iniistorbo? Ang labo."

Namulsa lang si Jacob.

"Saka bakit kasi hindi mo iniiwasan ang tawag?" dagdag ni Kuya. " 'Asan ang pride mo, brader? Inistorbo ka pa tungkol kay Paul na ipinalit niya sa 'yo? 'Yong jinowa niya habang kayo pa? Nananadya ba 'yan? Nagpapakaestupido ka ba? Kailangan mo ba nang masinsinang kutos?"

May point talaga si Kuya. Dapat i-block na ni Jacob 'yong papansin. Pero pumalatak lang si Jacob.

"May feelings ka pa kay Mau?"

Sumimangot ako sa tanong. Dapat, wala na.

Inalis ni Jacob ang balikat niya sa akbay ni Kuya. "Bakit ka nandito? Sinundan mo 'ko?"

Kiss You (Candy Stories #1) (Published by Anvil Bliss)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon