Kabanata 4

1K 52 0
                                    

Kabanata 4
Desisyon

Agad nagtayuan ang mga balahibo ni Ady sa batok nang marinig ang malamig at baritonong boses sa likod niya.

Kilalang-kilala niya ito, hindi siya maaaring magkamali. Sino pa nga ba kung hindi ang pinaka mamahal niya? Of course, it's Samuel Martin. Pero pinigilan niyang lumingon at nanatili ang mga tingin niya sa kabilang direksyon.

Why is he even here? Namukhaan ba siya nito from last night? What would he do? Nafall na ba siya sa kaniya finally?

Please, don't look back Ady! Malalaman niyang hindi mo siya matitiis!

"I am asking you. What are you doing here?" naiiritang sambit ng lalaki bago na tuluyang nilapitan ang babae at saka naupo sa katabi nitong kinakalawang na rin na swing set.

Walang ideya si Ady kung anong ibig sabihin ng lalaki. O, kung bakit siya kinakausap nito ngayon.

After five years of being schoolmates, ngayon lamang siya naisipang kausapin nito? Kung kailang last year na? Ano, kung kailan nilunok niya ang pride niya at nilapitan ito kagabi?

"Ugh, I'm sorry?" Ady meant for it to be like, a sorry for not understanding what the guy said, pero mas nagmukha lang yatang nagso-sorry siya sa lalaki. Palpak, Ady!

"Adelaide." he snapped that made the hair at Ady's nape to rise.

He knows her name! Pinagsalikop niya ang magkabilang kamay at saka iyon pinanggigilan. Kumukulo ang kaniyang tiyan. Hindi niya alam kung paano magrereact. Her throat was too dry to even speak up. There's this lump in her throat na nagbablock sa kaniyang attempt to answer him.

In the end, Ady let her pride win the battle, at inangatan lamang niya ng isang kilay ang lalaki.

"Samuel, right?" kunwari ay hindi alam ni Ady ang pangalan ng lalaki at saka ay kumunot-kunot pa ang noo na tila inaalala kung saan nakilala ang lalaki, "I don't actually know you, and hindi ko alam kung anong ibig mong sabihin?" dagdag pa ng babae bago tumayo na sa pagkakaupo sa swing at saka nagpagpag ng palda.

"So, you already forgot about me?"

Samuel furrowed his brows, tila hindi makapaniwala sa ginagawa ng babae sa kaniya bago na rin tumayo at saka sinabing, "Kaya pala hindi mo ako pinapansin sa campus. You don't know who I am. Right, you don't know that I was that man who tried to hail a cab for last night?" tapos ay mapakalang napangiti ang lalaki.

Tila ba isa iyong suntok sa bituka ni Ady. Nanginig ang mga tuhod niya sa impormasyong narinig. Bigla ay gusto niyang isigaw sa lalaki ang lahat ng mga salitang kinimkim niya, ang kaniyang buong nararamdam para sa lalaki. Pero nanatili siyang hindi nagsasalita. Ang lakas ng tibok ng puso niya, at tanging iyon lamang ang tumutunog sa kaniyang mga tainga. Pakiramdam niya pati ang tainga niya ay tumitibok na.

"Bakit ba?" ayun na lamang ang naitanong ni Ady nang hindi siya makapagdecide kung ano ang sasabihin sa lalaki. Her voice broke at her attempt to speak up though.

"Club. Do you have any plans?" direktang tanong kaagad ng lalaki at saka agad na lumapit sa kaniya.

Umiling kaagad si Ady at saka tipid na ngumiti, "Ayaw kong magparticipate."

"I'm the SSC President. I can go back there and bring you with me in the office, you know that." biteback naman ng lalaki at siryosong tinignan ang babae na wala nang nagawa kundi ang mapanguso na lamang.

Dapat pala ay hindi siya dito pumunta. Kung hindi sana, ay malaya na siyang nakakapagliwaliw at hindi na kailangan pang bumalik doon.

Although, naging maganda rin naman ang nangyari kahit papaano dahil nakausap niya si Samuel sa ikaunang pagkakataon, at nalaman niyang hindi naman pala siya nito iniiwasan, in fact naaalala siya nito, at hinihintay lamang siyang lumapit at magpakilala.

Forgetting SamuelWhere stories live. Discover now