Ika-dalawampu't Dalawang Bahagi: Dear Facebook Version 2.0

73 3 0
                                    

Hulyo 08, 2017: 12:30-03:05 pm

Isa ka bang Facebook user?

Wait, parang naitanong ko na pala ito dati sa unang version ng Dear Facebook, kaya change question na lang tayo.

Gaano ka nang katagal na Facebook user?

Gaano karami na ba ang friends mo, maging ang iyong mga followers?

Lahat ba sila, kilala mo sa personal? Hindi ko na itatanong kung lahat ba sila ay kaibigan mo sa personal, kasi alam ko ang sagot sa bagay na iyan.

Kumusta naman ang journey mo bilang isang Facebook user? Alam kong marami ka nang pinagdaanan simula nang mag-umpisa kang pumasok sa mundo ng Facebook, at isang pagpapatunay riyan ang "On This Day" o ang memories na nagpapaalala sa iyo ng kung ano-ano pinaggagagawa mo noon; ang mga masasaya o kahit pa ang pinakamalungkot na araw ng iyong buhay.

Nakatutuwang masyado nang malayo ang narating at pinagsamahan ninyo ni Facebook at alam kong marami pa kayong mga alaalang pagsasaluhan.

Alam kong na-miss ninyo siya (charot!)Malayo na raw kasi masyado ang kaniyang narating kaya muntikan na siyang hindi makabalik. Ngayon nga, makalipas ang dalawa't kalahating taon ay naisipan niyang magbalik upang mangulit. Handa na ba kayong muli na makadaupang palad ang nag-iisang adik sa Facebook? Halina't tunghayan ang bagong mukha ng Dear Facebook at ang bagong kakulitang baon ng nag-iisang Addict Facebook User.

Dear Facebook,

Hey Facebook, ang tagal na rin noong huli tayong magkausap, maraming salamat nga pala sa pagtupad sa ilan sa mga kahilingan ko. Ang taray mo na, dati love at dislike reactions lang ang hinihingi ko sa iyo tapos, dinagdagan mo pa. Masyado ka namang natuwa sa iba pang mga reactions, sana ay nilubos mo na rin, 'di mo pa sinamahan ng What? o Hah? reaction para sa mga malalabong post na tanging 'yong nag-status lamang ang nakaiintindi. Oo, alam ko minsan ang bad ko. Sorry na kasi.

Siya nga pala Facebook, sa kabila ng mga pagbabago mo, bakit hindi mo pa rin binabago ang pambansang tanong mo sa mga users mo, "What's on your mind?" 2017 na, pero iyan pa rin ang tanong mo sa sanka-Facebook-an...palit-palit din ng tanong 'pag may time. Sabi ko naman sa iyo, ikonsidera mo na ang matagal ko nang suhestiyon sa iyo, "What's on your heart?", "Who's on your heart?" o "Who's on your mind?" siguradong papatok sa takilya ang mga tanungan mo. Saka p'wede ba, 'yong "write something" mo hanggang ngayon ay hindi mo pa pinapalitan. Sabi ko naman sa iyo, palitan mo na 'yon ng "type something". Ewan ko ba sa iyo, ba't ayaw mo akong pakinggan, para naman 'yon sa higit mong ikabubuti. Oo na, pasensiya na kasi kinukulit na naman kita. Ikaw kasi, ang tagal ko nang ni-request sa iyo 'yon hanggang ngayon wala pa rin. Mahina ba ang signal ng WiFi sa kapitbahay ninyo kaya kahit dalawa't kalahating taon na ang nakalilipas ay hindi mo pa rin natatanggap ang request ko? Sing bagal ka pa rin palang p-um-ick up ni crush na kahit puro "love reactions" na ang ikini-click ko sa bawat post niya ay hindi pa rin niya makuha na love ko siya. Sana, pati sa comment o reply ay may reactions na rin para masaya at hindi lang post at messenger umuulan ng reactions, pati sa comment na rin. 'Di ba, ang bright ng idea ko. Bilib ka na naman ba sa akin? Alam ko naman na na-miss mo na ang kakulitan ko. Naku, huwag ka nang magkaila pa, sa atin lang namang dalawa. Ahahahah! Pero seryoso, na-miss kita Facebook. Ang tagal na rin kasi nang una't huli tayong nagkulitan, at dahil na-miss kita kaya ako nagbalik muli.

Facebook, kumusta naman kayo ng developer mo? Malamang going strong ang relationship ninyo-taray, pumo-forever sila. Nakatutuwa na sa kabila ng mga taong lumipas ay nanatili pa rin kayo sa isa't isa, 'di tulad ng iba...chos! Sorry na agad. Pero seryoso, sa tagal na ng pinagsamahan ninyo, marami na rin ang nabago, mga pagbabago para sa higit na ikagaganda ng samahan...'yon nga lang minsan ay naging daan din ito upang magkasira ang ilan. Pero alam ko naman na hindi mo ginustong mangyari ang bagay na iyon lalo na at ang pangunahing hangarin mo ay ang pag-ugnayin ang mga tao. Kaya nga nagpapasalamat ako sa iyo kasi sa pamamagitan mo ay nagiging updated ako sa kaniya. Oo na, alam ko nang naiinis ka na naman sa pagsingit ko sa bagay na iyan. Seryoso mo masyado.

Aklat ng BaliwWhere stories live. Discover now