Ikapitong Bahagi: Fanatic

143 5 0
                                    

Ika-17 ng Mayo, 2014 (1:40- 2:40 pm)

           

Medyo matagal na rin nang huli akong magsulat, apat na buwan na rin pala ang nakalipas. Naligaw kasi ako, maraming pinagka-abalahan. At mukhang hindi ko matutupad ang pangako ko na matatapos ko 'to bago mangalahati ang taon, but I'll try to finish this one before the year ends.


This part ay wala sa plano, but I included it, dahil ito ang naghuhumiyaw na katotohanan. Idagdag pa na may nabasa ko sa newsfeed ko na something related dito, dahilan upang mag-come-up ako sa idea na 'to, though some part of it ay nasulat ko na one year ago, kaso 'di ko lang natapos, bigla kasi akong tinamad at nawalan nang ganang ituloy noong sinusulat ko ito.


Let's start discussing this part.



FANATIC


Fanatic! 'Yan na yata ang best word to describe Filipino youth of this generation, sobra kung umidolo. They are all willing to do everything, just to see their idol. Kahit makipagbasagan pa yata ng mukha, o makipagrambulan sa kanto makita lamang ang kanilang iniidolo.  At kapag may lumait, humanda ka na magtago ka na hanggat makakapagtago ka, dahil siguradong kuyog ang aabutin mo. At kapag minamalas ka pa, baka mategibumbum ka kapatid, sayang ang life.

Speaking of life, kanina while I am scanning my FB account may nabasa akong nagpataas ng balahibo ko, yeah alam mo 'yon. Base on a post, there is a twelve year old girl who commited suicide because of her idol, she's one of the Exostan and her bias was Kris, whom being talk of the world, because of the news that he's going to leave his group—the EXO. Imagine a twelve year old girl, oh me gesh, she just waste her precious life. Isa talaga siyang DIE HARD FAN. May mali talaga, may mali. Wala sa lugar ang pag-idolo nila.

Actually, 'di ako updated sa mga ganiyan—wala na kasi kong hilig manuod ng tv, lalo na ang balita medyo nadidismaya kasi ako sa mga napapanuod at nakikita ko. Yeah nakakadismaya lang talaga at nakakawalang gana, kaya hindi ko na inaabala ang sarili ko.

 Hay! Buhay nga naman, I'm just wondering kung bakit ba sobra-sobra o lumagpas na sa limit ang pagiging panatiko ng mga kabataan, even 'yong mga nasa early adulthood. Alam mo 'yon, iyong tipong, they are treating their idol as if they were Gods or Goddesses na bumaba sa lupa, kung sambahin wagas. As if naman, eh pare-parehong tao lang naman tayo, nagkataon lang na artista at sikat sila, lumalabas sa tv. Iyon lang naman ang difference nila mula sa atin.

'Di ko naman sinasabing masama o hindi maganda ang pag-idolo sa kanila, ang saganang akin lamang, we must set our limitations—iyong tama lang, sakto. Hindi 'yong sobra, na tipong you're willing to sacrife everything for them, minsan kasi OA na ang dating, hindi na maganda. Bakit? 'Yong iba masyadong ginagaya, even 'yong fashion statement wala nang originality, binabago ang sarili masabi lang na kagaya sila ng iniidolo nila. Bukod d'yan heto pa ang isa, madalas 'di maiiwasan ang verval at pisikal na pagsasakitan kahit hindi mo kilala inaaway mo, kasi may hindi lang magandang nasabi sa idolo mo.

Wala namang masama sa paghanga, but make sure na alam mo ang lugar and limitation mo as a fan. Treat your idol in a good way, support them in the best way that you can without hurting anyone, but most especially without making yourself looks like a fool. Treat them special, but neither like a god or goddess, nor a king or a queen. Tao lang din sila gaya natin, as ordinary as we are and they don't have wings.

Walang masamang humanga, pero siguraduhing nasa lugar lamang.


Alam ko, nagtaas ang kilay niyo, tila tinatanong niyo ako ng "bakit ikaw ba, hindi panatiko?"


Oo, may mga iniidolo ako, pero hindi ko masasabing isa akong panatiko.

Masaya at kontento na kasi akong napapanuod sila dati sa tv, 'di rin ako updated sa kanila, ni wala ring hilig magkolekta ng mga bagay na may kaugnayan sa kanila. I am a silent fan, hindi ako isang diehard fan. At wala akong paki-alam sa iba pang kaganapan sa buhay nila, dahil 'di naman mababago noon ang katotohanang iniidolo ko sila. 'Di ako uma-idolize ng tao base sa nakikita kong panlabas na katangian, kundi sa character. Hindi sa kung sino ang sikat o napapanahon, kundi sa kung sino ang may talento. Minsan kasi, may mga taong nahahatak ng popolaridad at itsura, kaya hinahangaan tuloy nila kung sino ba ang most hot, ang pinag-uusapan ang napapanahon.


I think I've talk too much. But I don't mean anything on this, it is just a fact that I wanted you to know. Actually marami pang mali sa pagiging Fanatics, ilan pa nga lang 'tong nabanggit ko. 


I don't have prayer for today, alam niyo na may araw pa. But I really wanna thank God for everthing he had given on me.

Aklat ng BaliwTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon