13

4.1K 86 1
                                    


"Ms. Joey, ito na po yung hinihingi nyong documents." Pumasok ang assistant nya at inabot sa kanya ang mga papeles na hiningi nya.

Joey: Thank you Ester.

Ester: May kailangan ka pa Ms. Joey?

Joey: Wala na Est. Salamat ulit.

Umalis ang kanyang assistant at pinagpatuloy nya ang kanyang trabaho.

Maya maya, nakaramdam sya ng gutom. Pag tingin nya sa orasan, dun lang nya napagtanto na ala una na pala at hindi pa sya nagla-lunch.

Naalala nya ang kanyang nobyo.

Nagtaka sya kung bakit hindi pa sya nito dinadaanan. Dati halos dun ito naglalagi sa office nya. Kung hindi naman ay dinadaanan sya nito pag lunch at pag susunduin na sya para umuwi.

Kumain na kaya sya?

Napag desisyunan nyang puntahan ito sa kanyang office.

Sinalubong sya agad ng assistant nito na si Luke na mukang nagulat nang makita sya.

"Luke, busy ba sya?" Tanong nya nang nalapitan nya na ito.

"Ano..kasi...ma'am may meeting kasi sya ngayun." Utal utal na sagot naman nito.

"Sino ka-meeting nya ngayun?" Tanong nya dito.

"Si ano...si Ma'am Jessica po." Sagot naman nito sa kanya.

Sumama agad ang mood nya nang marinig ang pangalan na yun.

"Ah. Sige balik nalang ako mamaya." Paalis na sya nang marinig nyang magbukas ang pinto ng office ng kanyang nobyo.

Rinig nya pa ang tawanan ng nobyo at ni Jessica.

Lalo syang nainis kaya nag kunwari nalang sya na di sila nakita at patuloy na naglakad nalang pabalik sa kanyang sariling office.

Sobrang inis pa rin sya pagbalik nya ng office nya.

Hindi nya maintindihan kung bakit ganon nalang ang inis nya pag nakikita nya si Jessica. Pati ang marinig ang pangalan nito, umiinit ang ulo nya.

Alam naman nyang intensyon pa rin nito na bawiin ang kanyang nobyo. Nahalata nya ito nang huli nya itong makita sa party. At nainis din sya sa kanyang nobyo dahil parang masaya pa ito kanina.

Namalayan nalang nya ang mga luhang pumatak sa kanyang mga pisngi.

Ganito sya kapag sobrang sama ng loob nya. Iniiyak nya lang.

Kumalam na naman ang kanyang tyan kaya pinunasan nya ang kanyang mga luha, at napagdesisyunan nyang lumabas at kumain nalang mag isa.

Art

"Where the hell is she??!!" Sigaw nya sa assistant ng nobya.

"Ano....sir....kasi..." Utal na sagot ni Ester sa kanya na halatang natataranta na sa kanya.

"Saan???!!!" Sigaw nya ulit dito.

"What's happening?" Narinig nya ang tinig ng nobya and he felt relief to see her.

"Kanina pa kita hinahanap." The next thing he knew naglalakad na papasok ang kanyang nobya sa kanyang office at hindi manlang sya nito tinapunan ng tingin.

"I went out for luch. Nagutom na kasi ako." Sagot sa kanya nito na may halong pagdaramdam. Naupo ito at humarap sa laptop.

"Sorry babe. I did not notice the time." Sabi nya dito habang naglalakad papalapit sa upuan ng nobya.

Napansin nyang mapupula ang mga mata nito pati na rin ang ilong. Alam nyang galing ito sa pag-iyak, kaya naman hinila nya ang dalaga patayo para makuha nya ang attention nito.

Now or Never.Where stories live. Discover now