36

3.1K 68 1
                                    

NO.

Walang nagawa si Joey kundi ang pumadyak nalang at magdabog pabalik sa kanilang kwarto.

"I told you before na hindi ka na papasok sa office."

Lalong nainis si Joey dahil sinundan pa sya ng kanyang nobyo sa kanilang kwarto para pagalitan at pagbawalan nanaman.

Two weeks have passed at magaling na rin ang kanyang sugat.

Naalala nya ang masinsinan nilang pag-uusap sa hospital nang matapos syang mabaril...

"I can't lose you, babe." Seryosong turan ng kanyang nobyo.

Kakatapos lang nito ikwento ang mga nangyari. Kung paano nila sya nahanap at kung ano ang nagyari kay Jessica.

She felt sad and guilty at the same time. But she chose to let it go and just pray for Jessica's soul.

"Hindi ako mawawala, babe. Promise." She assured him na magiging maingat na sya mula ngayun lalo pa at magkaka baby na sila.

"You have to rest. Sa bahay ka na muna. I don't want you to be stressed again."

Wala na syang nagawa kundi ang tumango nalang. Ayaw nya nang makipag argumento dahil inaantok na sya. Epekto na din ng gamot na binigay sa kanya ng doktor. At dahil na din siguro sa hormones.



"MUNA. Ang sabi mo dito MUNA ako sa bahay. It's been two weeks at sobrang nababagot na ako dito." Pagmamaktol nya sa nobyo.

Dalawang linggo na kasi syang nasa bahay lang. Minsan lumalabas sila para kumain pero mas madalas nasa bahay lang sila.

"Babe, sabi nga ng doctor diba bawal ka ma stress. And you don't need to work because I can provide for you and for our baby." Matigas pa rin ito at desididong ikulong sya sa bahay nila.

"Alam ko naman yun. Boss kita eh." Sarcastic na sagot nya sa nobyo.

Napansin ni Art na tila nainsulto ang nobya sa sinabi nito kanina. Agad itong lumapit sa nobya.

"Babe, I'm sorry." Lumambot na ang anyo nito, di gaya kanina. Natahimik na din kasi sya kaya baka naisip nito na sumama na ang kanyang loob.

Umupo ito sa tabi nya at hinawakan ang kamay kanyang kamay.

"I'm sorry. I promise, bukas we'll go somewhere." Paglalambing ng kanyang nobyo.

Inismiran lang nya nito at inirapan.

"Babe, sorry na. May surprise ako sayo." Patuloy pa rin ito sa paglalambing.

"Ano?" Mataray pa rin na tanong nya.

"Surprise nga eh diba. Bawal sabibin." Pacute na sagot naman nito.

Inirapan nanaman nya ito at ngayun ay nakanguso pa.


Art

He finds her cute pag ganito ang mood ng nobya nya. Madalas na kasi itong nagsusungit nang mga nakaraang araw

Must be the hormones.

Demanding na din ito lalo na sa pagkain dahil kung anu anong nirerequest nito kahit dis oras ng gabi, nang gigising pa talaga.

"I promise, magugusguhan mo ang surprise ko tomorrow." Hinaplos nya ang pisngi nito at dahaan dahang bumaling na sa kanya ang tingin ng dalaga.

"Dapat lang noh. Bored na bored na talaga ako dito eh." May konting pagtataray pa rin sa boses nito pero mas nangibabaw na ang excitement para sa surprise na nabanggit nya.

"May gusto ka bang puntahan or kainin today?" Gusto nya munang aliwin ang nobya para hindi na muna sya sungitan nito.

"You have work diba?" Tipid na tanong naman nito.

"Work at home muna ako ngayun, Babe.." Gusto nya munang samahan ang nobya sa bahay at alagaan.

Tumayo ang kanyang nobya at hinawakan ang kanyang kamay...

"Babe, gusto ko ng Pistacio cake, please." Malambing na hiling nito.

"Alright...." Tumayo ito at hinalikan ang nobya sa labi.

"Let's buy you a Pistacio cake, then."

Nakita nya naman ang pagkinang ng mga mata ng nobya.

"Yehey! Let's go na, babe!" Nagpatianod nalang sya sa paghila sa kanya ng nobya palabas ng kanilang kwarto.

He noticed how fast her mood changes these past few days. Alam nya naman na dahil ito sa hormones kaya wala na syang nagawa kundi sundin at ibigay lahat ng gusto nito.

Maliban nalang ang pagpasok nito sa opisina.

He was traumatized because of what happened. Kung pwede nga lang na hindi na sya umalis sa tabi nito eh, ngunit hindi nya naman pwedeng pabayaan ang kanilang kumpanya.

He wanted to secure her safety kaya naman may kinuha syang mga body guard para dito. At least kahit nasa office man sya ay may nagbabantay pa rin sa kanyang nobya.

Now or Never.Where stories live. Discover now