01

42 6 8
                                    

Eric

The first time I saw you? You were walking gracefully towards our main door.

I was so shy to go out. I had no guts to even say 'hi'

Wala akong alam kung anong pangalan mo. Hindi rin ako nagtanong kung sino ka. Basta't ang natatandaan ko, nagpupunta kayo sa bahay isang beses sa isang buwan.

You're always cold. Hindi nagbabago ang expression mo. I'd always take a peek from my window para masilip lang kung nasa labas kayo.

I thought I was just attracted. Kaya ipinagpaliban ko na lamang ang nadarama at hinayaan ang ilang araw, linggo, na lumipas at piniling huwag kang isipin.

Pero anong nangyayari? I always end up getting nervous everytime I see you.

Ang lakas mo pagdating sakin.

The cycle goes on. Ngunit ang kinatatakutan ko lang ay nang pumasok kayo sa bahay. Mabuti na lang at nasa second floor ako.

But you know what made me terrified? Bigla ka na lang nagpaalam na umakyat. I don't know what to do, so I locked myself up inside my room. My heart is beating so fast, I can't even control my breathing.

I heard some noises at the other side of the window. Napansin kong nandoon ka. Mabuti na lang at may kurtina.

Nakaupo ka sa sala set namin sa terrace. You were alone, but then I remembered. Iniwan ko yung gitara ko sa terrace dahil I always play every evening.

You saw the guitar. Nagulat na lang ako nang bigla mo itong kunin at isinama sa pag-upo mo. You placed it beautifully between your arms, sitting perfectly on your stomach.

You started to pluck the strings. A familiar song to me. Mabilis ang tibok ng puso ko habang tinititigan ang iyong likod.

"Ilang beses nang nag-away..." Your baritone voice filled my ear. Nakakakilabot na nakakatuwa.

"Hanggang sa magkasakitan, di na alam ang pinag-mulan..."

"Pati maliliit na bagay, ay pinag-uusapan, bigla na lang pinag-aawayan..."

"Ngunit kahit na ganito... Madalas na di tayo magkasundo... Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko..." Literal akong naiyak dahil sa boses mo. Minsan na nga lang kita makita, narinig pa kitang kumanta.

Nagmistula akong stalker sayo. Nagtagal iyon ng ilan pang buwan na mas dumalas pa ang dalaw niyo sa amin. Napag-isipan kong magpakita na sa inyo.

Deep breaths.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Ginising kasi ako ng nanay ko at sinabing dumating iyong barkada niya, na mga ninang ko.

Sa totoo lang hindi ako ready dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. My head hurts, my throat is sore, and I have hoarse voice. I also have stuffed nose, I have trouble breathing properly.

"Oh, Jenine! Kamusta na?" Ninang Delia exclaimed. I smiled a little before reaching for her hand para magmano.

"Naku. Pumayat ka na Jenine, nilalagnat ka pa ata?" Ninang Roselle said, habang nagmamano ako.

"Nakatulog nga kanina, eh. Limang araw na ganyan..." Ani Mommy.

Nang inilobot ko ang aking paningin, naabutan kitang nakatingin. You're wearing simple white shirt, and khaki short. Mas gwapo ka pala kung walang harang, nasa malapitan.

I averted my gaze. Ngunit ang nasa isip ko lang ay ang bigat ng iyong titig sa akin.

Dumiretso ako sa hagdan, para umakyat. I decided to take a bath.

Hanggang TinginWhere stories live. Discover now