Wrong Move

1.6K 37 4
                                    

Habang nasa sasakyan kami ay walang nagsasalita hanggang sa makarating kami sa isang lawa.

Bumaba ang lalaking ito sa kotse nya at pinagmamasdan ko ang gagawin niya pagkalabas aba syempre malay ko ba kung patayin ako nito. Pero noong makita kong umupo lang siya at inilublob ang paa sa lawa ay lumabas narin ako sa kotse niya at tumabi sa kanya at ginaya ang ginawa niya.

Walang nagsasalita sa aming dalawa ayoko namang maging awkward kaya ako na ang nag initiate na maunang magsalita.

"diba ikaw yung nakabunggo ko sa coffee shop?" Medyo pang tanga yung tanong ko dahil kitang kita sa suot nya ang kapeng natapon ko kanina.

"buti naalala mo pa ko tignan mo nga oh hindi padin ako nakakapagpalit ng damit"

"sorry nga pala tska thank you sa ginawa mo kanina ako nga pala si dawn"

"hmm bakit ka nag so sorry?"

"dahil sa nangyari kanina sa coffee shop"

"ah wala yun kasalanan ko din eh kasi hindi ako nakatingin, ako nga pala si richard"

"pwede ba kita tanungin?"

"nagtatanong ka na nga eh" aba pilosopo ang isang ito.

"seryoso kasi Richard"

"Sige"

"bakit ka nga pala sumingit kanina?"

"kasi paalis sana ako kaso bigla ko kayo narinig na nag sisigawan di ko naman sinasadya na makinig na kasi baka kung ano ang mangyari. tapos nakita ko na tinulak ka edi sinapo kita."

"thank you ah alam mo ba ikaw lang ang kauna unahang taong nagtanggol sakin." Hindi ko napigilan ang luha kong kumawala sa aking mga mata.

"bakit hindi ka ba pinagtatanggol ng daddy mo?"

"hindi naman alam ng daddy ko eh! kasi pag kaharap siya akala mo kung sinong santo tapos pag nakatalikod na ayun demonyo..!!"

"pero bakit siya ganon sayo?"

"kasi nga step mom ko lang sya tapos palagi nya pa pinapamukha sakin na bastardo lang ako na wala akong kwenta. alam mo gustong gusto ko na umalis sa kanila."

"bakit hindi ka na nga lang umalis?"

"kasi sabi ni dada na pag nagka asawa na kami tsaka lang kami pwede umalis sa kanila."

"edi mag pakasal ka."

"sana ganun lang yun kadali." Tinawanan ko ito pagkatapos ay naalala ko ang sinabi nya kanina. "paano nga pala yung sinabi mo sa step mom ko na fiance kita?""

"yun ba? edi sabihin mo na naghiwalay na tayo."

"richard hindi yun ganon kadali, uhm kung sabihin kong binasted kita..!!!"

"ako nababasted? eh ang dami ngang gustong maging asawa ko eh"

"sorry pero no choice ka kasi wrong move ka eh." Tinawanan ko ito dahil nakakatawa ang mukha nya nung sumimangot sya, nakakapagod ang araw na ito pero ngayon ay nakaramdam ako ng kalayaan at nagpapasalamat ako sa lalaking ito dahil nagkaroom ako ng panandaliang kalayaan dahil sa kanya. Ihinilig ko ang ulo ko sa balikat nya at ipinikit ang mga mata. Lulubusin ko na ang araw na ito dahil panigurado pagbalik ko sa bahay ay mababaliw nanaman ako kakaintindi sa buhay ko.

Richard's POV

Ilang oras na kami sa ganitong posisyon at namalayan ko nalang na tulog na pala si dawn kaya binuhat ko ito at ipinasok sa loob ng kotse at natulog nalang dahil hindi ko naman alam kung saan nakatira si dawn. Isa pa gabi na at medyo malayo layo kami sa maynila kaya bukas na kami ng umaga babalik doon.

Kinaumagahan ay nagri ring ang cellphone ni dawn na siyang gumising sa aming dalawa. Sinagot niya ito at mukhang dahil doon ay nagising siya ng tuluyan.

"hello dad?"

"nasan ka? saan ka natulog at ano ang sinasabi ng tita mo? I need your explanation young lady. umuwi ka na ngayon na mismo!"

Panigurado ako na pinapagalitan ito kaya nag desisyon na akong paandarin ang kotse at nagsimula ng mag drive pabalik ng manila habang nag dri drive ay tumunog din ang cellphone ko at sinagot ko ang tawag.

"hello dad"

"why didn't you came back? you said you're just going to the men's room and where did you sleep? come home right now!!!"

My Unexpected Hero *CHARDAWN* (Completed) (Book 1)Where stories live. Discover now