Chapter 36

906 54 1
                                    


Selestine's POV.

"Saan ka ba nakatira, Joe?" tanong ni Tita Sandra kay Joe. Ang mytical creature na kamukha ni Kurt.

"Nakatira kami sa ibabaw ng ulap. Nang magkagulo dito sa Magic World ay biglang nagdilim ang langit at siyempre pati ang ulap kaya nagkagulo at nagambala rin kaming mga mytical creature at dahil doon ay maraming naligaw, nalaglag at nawala sa amin kasama na ko. Pagkatapos ay naglakad-lakad ako at nagbabakasakaling may makita akong katulad o kauri ko. Kaya napadpad ako dito. Nabigla pa ko kanina ng tawagin niyo kong Kurt, pero binalewala ko nalang kasi baka may kamukha lang ako sa mundong ito at saka umalis. ‘Yun na nga, nahuli n'yo na nga ako."

Dama namin ang lungkot sa boses ni Joe habang kinukuwento ang nangyari sa mga kagaya nilang mytical creatures. Grabe! Hindi lang pala ang mundo ng Magic World ang nagkagulo kundi pati na rin ang mundo ng mga mytical creature. Nadamay pa tuloy sila sa nangyari, pero nalulungkot at naiinis ako dahil wala akong alaala sa lahat. Pagkatapos ay nakontrol pa ko ng kalaban at dahil doon, kinalaban at halos mapatay ko pa ang mga kaibigan ko.

Napakawalang kuwenta ko. Dahil na rin siguro sa 'kin kaya nawawala si Kurt ngayon. Lalong bumabalik ang inis sa aking sarili habang iniisip kung paano ko sinaktan ang mga kaibigan ko pati na si Kurt noong maganap ang giyera. Imbis na makatulong sa kanila, dumagdag pa ko sa kanilang problema at sa mga kalaban na dapat nilang harapin.

"Seles, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Brynna.

Tumango nalang ako sa kanya kahit ang totoo ay hindi naman talaga. Ayaw ko kasi na mag-alala pa siya, pero mukhang mas lalo siyang nag-alala dahil sa ginawa ko. Napabuntong hininga tuloy ako. Hindi talaga ako marunong umarte.

"Kanina ka pa kasi namin tinatawag, pero parang ang layo ng iniisip mo. Huwag mo ng isipin ang nangyaring giyera noon. Naiintindihan ka naman namin eh,” wika ni Alliexy.

"Pero, nalulungkot pa rin ako dahil minsan ko na nga lang makita ang tunay kong ina ay wala pa ko sa tamang pag-iisip. Pagkatapos, tinuring ko pa siyang kalaban." Katwiran ko sa kanila.

Bigla silang natulala habang nakatingin sa likod ko. Sino ba ang dumating? Nakatalikod kasi ako sa pintuan. Lumingon ako sa likuran at doon ko nakita sina Sir Clyde kasama ang dalawang babae at lalake pati si Mama Kate? Si Mama, nandito?

"Seles, okay ka na-"

Hindi ko na pinatapos pa ang pananalita ni Mama at agad akong tumakbo sa direksyon niya at niyakap siya. Namiss ko talaga siya ng sobra.

"Mama, akala ko hindi ko na kayo makikitang muli ni kuya," emosyonal na pahayag ko pa sa kanya.

Niyakap din naman niya ako pabalik. "Pero, nandito na ko anak at hindi ko na kailangan pang bumalik at iwan pa kayong muli ni Iahn. Isa pa, gusto ko rin na makasama ang isa pang anak at asawa ko."

Oo nga pala! Ang tunay na anak ni mama ay si Ken! Waah! Nakakahiya kay Kendrix! Baka isipin ni Ken, inaagawan ko siya ng nanay. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mama at nahihiyang humingi ng tawad sa kanya at kay Ken.

"Okay lang 'yon, pero hindi mo ba yayakapin ang tunay mong mga magulang?" nakangiting tanong niya sa 'kin.

Naguluhan ako sa sinabi niya at napatingin sa direksyon ng apat na taong kasama nila na ngayon ko lang nakita. Sino kaya sila? Sigurado akong kakampi sila dahil kasama nga nila sina Ms Mikhaela.

"Hi, Seles. I'm Disley and this is my partner, Galileo." Sabay ngiti sa akin ng babaeng- huh!

Ba't ganon?! Halos hindi ko makita ang mata at buhok niya. Para kasi itong hangin. Colorless talaga. 'Tapos tinuro naman niya 'yong lalakeng may dala-dalang malaking guting. Teka. . .

"Disley and Galileo? You mean you are the Queen and King?!" Hindi makapaniwalang tanong ko ngunit ngumiti lamang sila sa akin bilang tugon.

Sunod na nagsalita ay ang isang babae na katulad ang kulay ng buhok ko. Kulay gold din. So, ibigsabihin. . .

"Tama nga ang nasa isip mo, Seles. Mind magic nga ang kapangyarihan ko. Hindi lang 'yon, ako rin si Sammara Loraine. Ang ‘yong ina at siya naman si Marco James Vargas, ang ‘yong ama." Isang matamis na ngiti ang pinukol niya sa akin.

Natigilan ako bigla sa sinabi niya at sandaling inulit-ulit ang mga katagang binanggit niya. Totoo ba ang narinig ko? Siya ang totoo kong ina at ang lalakeng katabi niya ay ang tatay ko?

Yumuko ako at nahihiyang tumugon sa kanya. "Patawad, pero mukhang wala akong karapatan upang maging anak n’yo o tawagin man lang kayong ina at ama dahil bukod sa binalak kong sirain ang Magic World, pinagtangkaan ko rin kayong patayin. Kaya naman. . ."

Nagulat ang apat dahil sa narinig maging si Mama Kate, pero mas nagulat ako sa ginawa ni Sammara. Lumapit siya sa akin, dinikit ang noo niya sa aking noo at pinikit ang kanyang mga mata habang nakapatong naman ang dalawa niyang kamay sa balikat ko.

Nakangiti siyang nagwika. "Don't worry, I didn't blame you to what you've done. The truth is. . . I'm so happy because now, I finally meet you after so many years. I finally see the true nature of yourself. I'm so glad that finally, I can be with you."

Nang marinig ko ang mga katagang 'yon mula sa kanya ay hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha. Tuluyan na itong bumagsak sa aking magkabilang pisngi. Finally, naramdaman ko rin ang pagmamahal mula sa totoo kong magulang. Nakaramdam na agad ako ng pagmamahal kahit sa simpleng pananalita lamang niya.

Hinila ko siya papunta sa akin at niyakap ko siya ng mahigpit. Sa una, nagulat siya sa ginawa ko. Pero, nang siya ay makabawi ay niyakap niya rin ako pabalik. Lumapit din sa amin si James at niyakap din kami. Lalo akong napaluha. Sa wakas, naramdaman ko rin ang yakap ng isang ama.

Mga ilang sandali pa ang lumipas ay kumawala na kami sa aming yakapan.

"Pero, hindi dapat tayo makapante because one of the Knight Raid's member is missing and that is Kurt. We need to do something before something bad happen to him."

Tumango ang lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Mama Kate.

"Seles, kung gusto mo ay maaari mo kaming tawaging ama at ina,” nakangiting usal ni Samarra.

Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"And the question is how? How can we find him if we don't know nothing about his dissapearance?" Ms Mikhaela

"That's right. That's the question that we need to answer first," saad naman ni Sir Clyde.

"I think we need to go first where the second war happened," suggestion ko.

Dahil doon ay napalingon ang lahat sa gawi ko. Eh? May sinabi ba kong masama? Ano bang problema nila?

"That's it! Kung kasama nga si Kurt sa naganap na giyera, malamang ay doon din siya nawala. Good, Seles! Now, let's go where the second war happened." Ngumiti sa akin si Sir Andrew pagkatapos magsalita.

Nagtinginan muna kami sa isa't isa at sabay-sabay na nagtungo kung saan posibleng nawala si Kurt.

✓DOORWAY TO MAGIC WORLDWhere stories live. Discover now