Chapter 15

1.5K 85 6
                                    

Alliexynne's POV

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Alliexynne's POV.

"Guys, magsisimula na ‘yong second mission na 'tin ngayong gabi kaya lang si Seles. . ." Nasilayan ko sa kulay purple na mata ni Kendrix ang pag-aalala para sa aming kasamahan. Kaya pati ako ay nakaramdam na rin ng lungkot sa kanyang pinahayag.

Bumuntong hininga ako ng malalim. “Siguro tayo na lang muna ang gumawa ng mission na ito. Hayaan na lang muna na ‘tin siya."

"Siguro nga. Hayaan muna na 'tin siyang mapag-isa." Isang malungkot na ngiti ang iginawad sa amin ni Brynna. "Sana naman pagkatapos na 'tin sa mission na ito ay mapatawad na tayo ni Seles,” dugtong pa ni Brynna.

Nahagip ng mata ko ang direksyon ni Kurt. Tulala lang siya sa isang tabi na tila malalim ang iniisip.

"Don't worry. Mapapatawad din tayo ni Seles. I swear." Ngumiti ng malawak sa amin si Horin na nagpangiti sa aming lahat.

Bumuntong hininga si Kurt at saka tumayo mula sa kanyang inuupuan. "Tara na. Simulan na na 'tin ang mission.”

Tumayo na kaming lahat at pinikit ang aming mga mata katulad ng dati. Nandito na nga pala kami sa klase ni Sir Andrew. Dito namin napapatunayan na isa talaga kaming Knight Raid dahil sa mga pinapagawa sa amin ni Sir Andrew.

"Alliexy? Aalis na tayo."

Napalingon ako sa direksyon ni Horin dahil sa kanyang winika. Nahihiya akong tumango sa kanya. "Ah. . . oo, sorry."

Bumuntong hininga ulit ako ng malalim. Bigla ko kasing naalala yung scene katulad dati. Noong bigla nalang dumating si Seles. Bigla kong naisip na baka makahabol pa siya.

Pinikit ko na ang aking mga mata at nagteleport kasama sila. Pangalawang kakayahan kasi ng isang hair magic user ang makapagteleport sa isang lugar.

Katulad ng dati, pagbukas ng aming mata, ginamit ko ang aking flute para humaba ang aking buhok at saka iyon ipinulupot sa paa namin ng mga kasama ko. When they open their eyes, nasa himpapawid na sila katulad dati at sa baba namin ang aming mga kaaway.

Tama kayo ng pagkakabasa. Marami nga ang papatayin namin ngayon. Pito silang lahat at ang dahilan kung bakit namin sila papatayin ay dahil malaki ang ginawa nilang pinsala sa Magic World. Hindi ako sigurado, pero may isa sa kanila ang may kakayahang kumontrol ng isang tao, bagay, o hayop. Mayroon sa kanilang manipulator magic user. Tsk.

Sigurado akong mahihirapan kami sa kanila dahil ngayon pa lang nararamdaman ko na mula sa kinatatayuan ko kung gaano kalakas ang aura na mayroon sila. Isa pa, pito silang lahat at sa ngayon lima lang kami. Nakasuot sila ng isang jocket na may hood. Kaya hindi rin namin matukoy kung babae ba sila o lalake. May suot din silang eye patch at mask na black.

✓DOORWAY TO MAGIC WORLDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant