Chapter Two

37 1 0
                                    

"Aray grabe naman bakla kung makakutos naman ang sakit si Iron man ka ata eh.."

sighal ko kay Martin nambabatok naman kase bigla parang ewan. Nandito kami ngayon sa restaurant kumakain ng spaghetti nagyaya kase si Abril na gumala.

"Excuse me Iron women bakla isa akong dalaga ... sabi ni Martin

"Kelan pa naging babae si Iron man? tanong ni Abril

" Ngayon lang lalabas na daw sa sinehan ako bida hahaha. Nagtawanan kaming tatlo sa sinabi ni bakla

"Anyhow siopao bakit ka kasi nakatulala? tanong ni Martin sa akin.

"Naiisip ko lang si Dylan pano pag hindi na siya gumising..

"Gigising yun bruha di ba ok na naman vitals nya and beside hindi ka pa nya nakikilala' positibong tugon ni Abril sa tanong ko

"Loka anong kinalaman sa paggising ni Dylan kay Yuri ehh pagtapos noon ay mawawala naman sa landas niya ito dahil may fiancee ito".
Mahabang litanya ni Martha habang nilalantakan ang Pizza

"Believe me when I say it Martin. And besides hindi nyo alam ang balita before maaksidente si Dylan nakipaghiwalay sa kanya yung fiancee niya! Paliwanag ni Abril sa amin..

"Yung modelo ng sikat na international brand ng gowns and dresses? Si Ivory Victoria Luna." Tanong ko dito

"Oo loka nabasa ko lang pinagpalit nya sa career abroad best nung araw na dapat ihahanda nila yung wedding. " sagot ni Abril

"Di ba mayaman ang mga Luna bakit kelangan pa niyang mag work?. Sabat ni Martin

"Patingin nga ng picture ni girlalu" sabi niya sa sarili habang pinipindot ang phone nya.

Busy ako sa iniinom kong Ice tea nag bigla akong nagulat sa pag sigaw ni Martin muntik akong mabilaukan sa tili neto

"Ehh si Yuri tohh bakla !! Tili nito

"Boses mo naman bakla!! Patingin nga ng pictures ! Utos niya .

Noong tiningnan ko ang mga larawan nagulat ako sobrang magkahawig kami ni Victoria as in parang kambal kami ang pinagkaiba lang ay ang kulay ng mata namin honey brown ang kulay ng mata ko at ang kanya ay dark magkaiba din ang buhok namin yung akin ay curly ang dulo habang yung kanya ay super straight na bob cut..

"Bakla mag ingat ka baka paggising niya sabuyan ka ng asido nakakaloka baka pagkamalan ka na si Victoria at ipasalvage "natatawang pahayag ni Martin habang  sumusubo ng spaghetti.

"Nakakaloka naman bakit nga ba natin hindi napansin na magkamukha sila ni Victoria" sambit ni naman ni Abril

Ngunit parang may kakaiba akong nararamdaman parang hindi ko mawari na namimiss ko sya. Ewan epekto siguro ng wala masyadong tulog

Matapos ang aming gala ay pa uwi na ako ng bigla na lang may nakasalubong akong matanda na tatawid sana ng daan ngunit natatakot

"Lola halika ka po itatawid kita sa kabilang daan" nakangiti kong sambit sa maganda

"Naku pagkagandang dalaga. Sige maraming salamat ,

Tumawid na kami ng daan at niyaya muna niya akong umupo para samahan siya

"Eneng napakagandang bata mo. Ngunit maraming mga lihim ang pagkatao mo. Kung inaakala mong kilala mo na ang sarili mo nagkakamali ka. Ang iyong minamahal ay siya ring kaligayan at kabiguan mo. Huwag mong hayaan na mawala ang positibo mong pananaw" mahabang paliwanag ng matanda sa akin

"Po? Hindi ko po kayo maintindihan. Tanong ko sa kanya

"Hindi sa ngayon Ija sa tamang panahon. Ibibigay ko sa iyo itong pendant pasasalamat ko."

My Lifeline ❤ [Ongoing]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz