Chapter Four

11 2 0
                                    

Nandito kami ngayon sa bagong tinitirahan ko binigyan kase ako ni mama Eliza ng bagong condo. Yes mama Eliza daw ang itawag ko sa kanya naninibago pa ako, ngunit napakabait niya sa akin  pati na rin si Diana super supportive sila.

Si Dylan na discharge na last week at palagi kaming nagkikita nitong nakaraang araw at ang inaabangan kong araw ng kasal ay bukas na. Hindi ko muna pinaalam sa Inay ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya tanging ang tinuturing kong  kapatid lang ang may alam si Ate Yumi at nandito siya kasama ko dahil may inaasikaso siya dito sa maynila. Hiniling ko na walang nakakaalam ng kasal at tanging malapit lang ang imbitado gaganapin ito sa isang private na island na pagmamay ari ni Dylan yes siya ang may ari ng isla na iyon.

Biglang naagaw ang atensyon ko ng batuhin ako ni Martin ng  throw pillow.

"Ay grabe kung ano ano na lang ang binabato ninyo sa akin" pagtatampo ko sa kanila

"At least nagamit ko ng matino ang throw pillow mo".  sabi nila sa akin

"Bakla grabe talaga ang mayayaman binibigay ang condo kala mo candy lang. At  di ba hindi naman kayo dito titira sa own house ninyo". sambit ni Abril habang nilibot ang bago kong condo

"So this is final? talagang pumayag ka na maging substitute?" nakakunot noong tanong si Ate Yumi

So pano pag nalaman ni Dylan na hindi  ikaw si Victoria baka ipasalvage ka noon". sambit ni Abril habang naka upo sa may living room

"May choice pa ba ako mahal ko si Dylan at isa pa malaki ang utang na loob ko sa kanila" paliwanag ko dito

"Yuri basta pag  sobrang masakit na at hindi mo na kaya itigil mo na ang kahibangan mo". mahigpit na bilin ni ate Yumi

"Alam ninyo from the start masakit na naman. Yung time na Victoria ang sinabi niya embes na Nurse ikaw ba yung nag alaga sa akin? At yung time na niyakap niya ako at nagtapat ng 'i love you Victoria and Will you be my wife'? Best parang sinaksak ako at sinampal ng katotohanan na si Victoria talaga ang laman ng puso at isipan niya!". Umiiyak na ako sa sobrang sakit ng dibdib ko

"Ganito ba magmahal kelangan masaktan alam mo sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ni Victoria para akong bihubuhusan ng malamig na tubig. Kung paano niya banggitin ito na puno ng pagmamahal Best feeling ko mang aagaw ako na ang sama sama kong tao."

Paliwanag ko sa kanila habang patuloy ang paghikbi ko at patuloy ang pag agos ng luha ko.

"Alam mo bestfriend ikaw ang nakilala kong sobrang magmahal, napaka pure ng pagmamahal mo ang malas ni Dylan at nakilala ka bilang ibang tao ". malungkot na pahayag ni Martin sa kaibigan

" Malay mo ehh magbago ang ihip ng hangin at ikaw talaga ang nakalaan sa para sa kanya. Wag ka ng magmukmok jan ang mahalaga ay marunong kang mag mahal hindi katulad ni Victoria na yun." Positibong pananaw ni Abril.

Pagtapos ng anim na buwan at makabalik na si Victoria sa piling ni Dylan ano na kaya mangyayari sa akin. Sana ako na lang ang mahal niya sana ako na lang si Victoria. Masama bang hilingin na sana hindi na lang bumalik ang ala ala niya

" Umayos ka nga kasal mo na bukas tapos mukhang lamay ang pupuntahan mo". mabilis na sabi ni martin na nakaka mewang pa.

"Nagmahal ka lang bunso at matapang ka isipin mo na lang na sasagip ka ng buhay, tulad ng ginagawa mo bilang nurse. Hindi sa gusto ko ang desisyon mo ngunit hinahayaan kita dahil buhay mo yan. Hindi ko na sinabi kay inang dahil baka magkasakit at tumatas ang high blood niya." Mahabang paliwanag ni Ate Yumi

"Salamat sa pag unawa ate. Salamat at nandito kayong lahat para samahan ako". Habang pilit na ngumingiti

Bigla kaming nagulat ng may kumakatok sa pintuan. Kaya pinuntahan ni Abril ang pinto at tininingnan kung sino ang nasa labas

"May inaabangan ka bang bisita bunso?"tanong ni Yumi

"Wala naman andito na naman yung susuutin na gown para bukas at kompleto na naman lahat

Nawindang ako habang pinupunasan ang luha ko ng panyo. Dahil biglang sumigaw itong si Abril galing sa may pinto

"Bakla si Dylan nasa labas nakangiti na parang ewan gusto ka daw makita" sambit ni Abril habang nasa may pinto

"Hep hep bawal magkita bago ikasal sabihin mo sa kanya yan dahil may pamahiin na hindi daw ito matutuloy" mahigpit na sabi ni Ate Yumi

"Narinig mo yon groom bawal kaya chupi". Sabi ni Abril

"Ano ba yan parang si mama din" childish na maktol nito

"Dylan magkita na lang tayo bukas ok. mahal na mahal kita ingat sa pag uwi". puno ng pagmamahal na sabi ko sa kanya

"Mahal din kita. Tawagan na lang kita bye ingat ka rin soon to be Mrs. Monte Carlo" sweet netong sabi

Binigyan ako ni Abril ng isang bouquet na puno ng pulang tulips. Napakaganda nito at may sulat na nakalakip.

Dear future wife

My Everything I love you. Alam ko na ikaw ang pinaka magandang bride sa lahat. Wag kang mag puyat, kumain ka rin wag kang mag diet papagalitan kita. Mahal na Mahal kita .

Your future husband

Nakaalis na si Dylan ng biglang tumili itong si Martin.

"OMG I think nilalanggam ka na sa sobrang ka sweetan ninyo ng Hubby mo. Uyy mag bublush na yan" tukso sa akin ni Martin

"Tumahimik ka nakaka inggit namanbkayo kelan kaya ako magkakaroon ng groom na kasing sweet niya" tanong ni Abril

"Ang sweet naman pano ba yan bawal mag diet kaya tara kumain tayo sa favourite spot natin" suhesyon ni martin

"Nagugutom na ako bukas na lang tayo maghanap ng magiging future natin sa reception." suhesyon ni Yumi na kumikinang pa ang mata

"Bet ko yan mga bakla" sabay na tugon ng dalawa

Basta kalokohan ay nasa kanila na talaga
Nagtawanan kami kahit papaano ay napagaan ang loob ko.

Actually kung tutuusin hindi naman talaga ako nagpapanggap oo sa pangalan lang ngunit sa nararamdaman hindi dahil totoo na mahal ko siya


Nauna ng bumaba ang mag kasama ko kaya ako na lang ang naiwan. Lalabas na sana ako ng may nakita akong isang puting rosas sa may paanan ng pintuan may nakalakip din itong sulat

To Miss Yuri

Sana masaya ka ngayon mag ingat ka lagi best wishes sa inyo.
I love you anak

From your biological mother
.........


Wag kalimutan mag vote

My Lifeline ❤ [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon