CHAPTER 1

38 5 16
                                    


Sa isang napakalayong lugar na hindi pa natutunton ng kahit na sino sapagkat ito ay nasa taliwas na panig ng mundo, Mayroong isang bathala na nagngangalang EMRO, ang kapatid ni EMRE. Namumuhay sya ng masaya, sagana at tahimik kaya naman huwag na natin syang gambalain dahil wala rin syang kinalaman sa kwentong 'to.

HAHA

(Gawa-gawa ko lang yan. Haha.)

Anyway.. .

----

#StarBAKITcoffee

#Pangmayamangkape

#Iamrich

#Richkid

#Prettyme

#1like=1prayer

'San damakmak na hash tag at makukulay na emoticons ang nilagay ni Rich na caption sa selfie nya bago nya ito ipost sa kanyang instagram.

Nasa isang sikat na kapehan sila ng kanyang mommy nung umagang yun.

Kababalik lang nila ng Pilipinas galing sa California. Totyal.

Pansamantala silang napadpad doon habang inaantay ang magsusundo sa kanila.

"Waiter."(Silent r)Tawag ni Rich sa isang crew. Yung paraan ng pananalita nya ay parang iniipit yung dila at kaunti lang yung pagbuka ng bibig habang magkadikit ang ibaba at itaas na mga ngipin. Ganyan magsalita ang mga nag-iinarteng conyo. Kuno.

"Yes Ma'am?"

"Peebot namen ng tissue." Conyong pilipit parin.

Iniabot ng lalaki ang tissue.

Pabalik palang ito ng counter ay muli na naman nya itong tinawag at inutusan ng kung ano-ano.

"Ma'am self service po tayo dito." Puna ng crew na tila naiirita na sa inasal ni Rich.

"Huwhaaaat?!" Pasinghal na sabi ng dalaga na may halong pag-ikot ng mga eye-balls. Irap sa irap talaga.

"Self service po kami dito." Ulit ng crew.

"Duh! So, what is your point?" Nagmaldita na ang conyo. "Na hindi ka pwedeng utusan?" Naagaw na ang atensyon ng ibang naroon. "You're so Tamad nemen! Anong silbi ng pagiging crew mo dito?!"

"Ahm-- hin-, Sinasab—"

"I need to talk to your manager! Where is your manager?!" Grabe, Maldita hardcore agad.

"P-pero Ma'am—" Si crew na natigilan.

"Where is your manager?!!" Galit na si Rich kaya natameme nalang si crew.

Halos lahat naman ng naroon ay nakatingin na sa kanila. Ang ilan ay nagvivideo para may maipost sa social media na pwedeng pasikatin.

"Rich, Anak, What's the matter?" Mabuti at dumating ang Mommy ni Rich galing sa comfort room. "Bakit sumisigaw ka dyan?" Mahinahon nitong tanong.

"Wala lang Mommy. Ganito kasi ang role ng mga rich kid sa palabas. Kaylangan maldita."

"Kakanood mo kasi ng mga teledrama e. Tama na yan." Saka sya bumaling sa crew. "Pasensya ka na sa anak ko Hijo."

Pero bago nya pa matapos ang sinasabi nya ay nagwalk out na ang crew kaya naman hindi nya tuloy ito nakilala.

Matapos ang tagpong iyon ay lumabas na ang mag-ina sa StarBAKITcoffee dahil eksakto na dumating na ang sundo nila.

Nanghinayang naman ang ilang kumukuha ng video dahil wala silang bagong eksena na mapapaviral sa social media. "Sayang naman." Sabi pa ng isang extra. Tsk, ang mga tao talaga. Kinayaman ba nila yun?

Banned AmourWhere stories live. Discover now