CHAPTER 3

31 6 17
                                    


"At san ka galing kagabi?"

Pagpasok ni Rich ay naabutan nyang nakaabang ang Mommy nya sa sofa. naka de-kuatro eto.

Napabuntong hininga muna ang dalaga na kasing lalim ng pacific ocean. "Mom, not now. Pagod ako sa work."

"Manahimik ka! Wala kang trabaho. Bratt na asa ka lang sa magulang. Saan ka nga galing kagabi?!"

"Nakitulog ako sa kai—"

"At marunong ka ng sumagot ngayon?! Yan ba ang natutunan mo sa schoo—sa bar?!

"Tsk."

"Pumasok ka sa kwarto mo, hindi ka pwedeng lumabas ngayon!"

Tumalikod ang dalaga at nagtungo na sa room nya.

"Kinakausap pa kita, Tinatalikuran mo na ko agad. Kelan ka pa natutong mambastos sa magulang?!"

"Hala sya. Sabi nyo pumaso—"

"At marunong ka ng mangatwiran?! Bakit kaya mo na ba sarili mo?! Sige lumayas ka!"

Sa inis ni Rich ay kinuha nya ang mga gamit nya sa kwarto. Inimpake at maglalayas nga.

"San kana naman pupunta? Kakauwi mo lang aalis kana naman?! Ano bang nangyayari sa'yo Rich?!"

"Eeeeeeeh!!! Ano ba Mom?!"

"Joke lang anak. Kumain kana dyan at pagkatapos matulog ka na ulit. Aalis muna ko at matagal akong mawawala. Bahala ka muna dito. Love you. Muah muah chup chup." Sabay takbo palabas.

-----

Nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo'y naligaw(Kanta pala to haha).

Ulit game.

Nagdaan pa ang mga araw ay naging mas close pa sa isa't-isa sina Richee at Rich.

Madalas na silang magdate. Manood ng sine. Kumain sa labas. Mamasyal sa mga pasyalan(malamang) at gawin ang lahat ng klase ng kasweetan habang sinasabayan ng love song na soundtrack. XD

Lumipas pa ang mga araw.

Linggo.

at

Buwan.

"Ang sarap mo sa kama Rich." Masayang sabi ni Richee.

"Huh? Ano? Bastos mo aa!!"

"Ay! Este kasama—ang sarap mo kasama."

"Ah, okay. Forgiven hehe."

"May joke ako." Simula ni Richee pagkaupo nila sa isang bench. Nasa park kasi sila nung hapong iyon.

"Ge nga."

"Ano apelido ni Mama Marry?" Pinipigil pa ni Richee ang pagtawa.

"Huh? Ahmmm." Kunwari nag-isip pa si Rich. "Sige siret na. Ano nga ba apelido ni Mama Marry?"

"Edi Christmas! Marry Christmas! Wahahaha." Tawa pa ng tawa si Richee.

Napailing nalang ang dalaga. Tapos kiniliti ang sarili para matawa.

"Isa pa hehe. Alam mo ba na si Rizal ay may lahing Koreano?"

Napaangat ang kilay ng dalaga. "San mo naman nasagap yan?"

"Kanina ko lang nalaman habang naglalakad tayo."

"Paano?" Tanong ng dalaga.

"E kasi nabasa ko. Rizal Park. Koreano ang mga Park 'di ba? Bwahahaha."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Banned AmourWhere stories live. Discover now