twenty one

559 24 2
                                    

Dumating ang araw ng camping nila Charmaine, pero tulad ng dati cold pa din ito sa kaniyang ate at kuya maging sa kaniyang Ina. Ngayon ang alis nila, halos lahat nang dadalhin niya ay nakahanda na.

"Alis na po ako." Cold niyang pagpapaalam..

"Hindi ka na ba kakain?" Tanong pa ng Mama niya..

"Hindi na po. Sige po, alis na po ako." Wika pa niya sabay alis..

Pauleen

Mula ng lumabas si Menggay namin sa hospital ay naging cold na ito. Hindi na siya ang dati naming masayahin na si Menggay...

"Ma lalim ng iniisip mo ha?" Wika ni Pia..

"Ha? Hindi naman." Sagot niya sa anak..

"Well sabi mo eh. Nga pala Ma si bunso po?" Paghahanap niya sa kapatid. "Hindi po ba ngayon ang camping nila?" Wika pa nito..

"Umalis na kanina pa." Malungkot niyang tugon..

"Ma huwag ka na po masyadong mag-isip. Malay ninyo po kapag umuwi si bunso galing camping baka bumalik na siya sa dati. Beside baka nabigla po iyon sa pagbalik ni Papa gaya namin. May kasalanan din naman po tayo dahil naglihim tayo sa kaniya." Wika ni Paulo na kababa lang at nadinig ang usapan nila.

"Siya nga naman po Ma,7 days din siya doon malay mo po pag-uwi niya okay na lahat." Paliwanag pa ni Pia...

"Sana nga." Wika niya sa malungkot na tinig...

Jake

"Everything is ready. Louise handa kana ba?" Tanong ko sa kaniya...

"Oo. But make sure na mawawala na sa landas ko ang Charmaine na iyan." Nakangiti nitong sabi..

Sa totoo lang pinsan ko si Louise pero hindi iyon alam ng lahat. Wala din akong gusto kay Maine gusto ko lang tulungan si Louise na makaganti sa babaeng iyon...

"Cousin promise bago matapos ang camping natin tapos na din ang problema mo." Pahayag ko pa.

Alden

Excited na ako sa camping namin magkaka-group kasi kami nila Maine. Pagdating ko sa school kung saan naghihintay ang bus na aming sasakyan nakita ko na magkausap sina Kate, China at Maine..

"Ano kaya pinag-uusap nila." Bulong ko.

Napansin ko din na kausap ni Louise si Jake.

"Siguro sila na, well that's good." Tugon ko pa uli sa aking isipan.

Nabalik lang ako nang kalabitin ako nila Sam...

"Bro lalim nang iniisip huh." Biglang sulpot ni Sam..

"Nagtataka lang kasi ako kausap ni Maine ang mga dating kaibigan ni Louise." Sagot ko sabay pasimple na ituro sila Maine..

"Malay mo nagbago na nga sila. Kita mo naman until now hindi tayo pinapansin ni Maine dahil sa panghuhusga natin kina Kate at China." Sabat ni Jerald..

Kung sabagay tama siya. Naalala ko pa ang mga sinabi niya sa amin noong nasa canteen kami...

Flashback

"Kung ayaw ninyo tanggapin ang sorry nila at hindi ninyo sila matanggap na maging kaibigan pwes huwag ninyo akong kakausapin. Ang gugulo ninyo, hindi kayo marunong tumanggap ng sorry ng iba."

GoodbyeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora