thirty one

549 27 6
                                    

Sheena

I am shock nang sabihin ni Tito Victor na hindi asthma ang sakit ni Charm kung hindi sa puso and she need an operation a soon as possible. Dahil kung hindi iyon gagawin may possibility na mawala si Charm sa amin. Napaiyak na lang ako sa mga nalaman ko. Sinabi pa ni Tita Pauleen na asikasuhin ko na ang aking transferred paper sa school para sa Canada na mag-aral together with my best friend. Kaya agad akong nagtungo sa school kung saan kami napasok ni Charm. Pagdating ko doon nakita ko sila Alden at mukhang kumpleto ang mga hayop na iyon na dahilan nang paghihirap ni Charm ngayon. Ginawa ko dinaanan ko na lang sila na para bang walang nakita o hindi sila kilala dahil hanggang ngayon galit ako sa kanila. Para matapos ko na din ang aking inaasikasong papel.

Ang hindi alam ni Sheena napansin siya ni Valeen kaya pinaalam niya ito sa iba.

"Guys si Sheena palapit sa atin." Wika ni Valeen sabay tingin sa papalapit na si Sheena..

"Tara lapitan na lang natin at makibalita." Tugon ng kambal niya.

Kaya agad naman silang lumapit...

"Sheena kamusta na si Maine?" Tanong ni Sanya na halata ang pag-aalala.

Pero hindi ito na imik sa amin matalim ang tingin niya na mahahalatang galit pa..

"Sheena sorry sana mapatawad mo kami." Sincere na wika pa ni Barbie..

But still no answer from her..

"Kausapin mo naman kami." Pakiusap naman ni Patricia dito..

"Kausapin? Wow just wow!?" Bulayaw niya sa mga ito na halata ang galit..

"Makikibalita lang kami." Sabat ni Sam..

"At bakit sa akin kayo hihingi ng balita? Mukha ba akong announcer sa mga t.v o radyo?" Pamimilosopo niya pa..

"Sheena alam namin galit ka, pero kaya kami lumapit sa iyo dahil kahit paano magkaibigan pa din tayo at girlfriend ko pa din ang best friend mo." Mahabang paliwanag ni Alden na ikapantig ng tenga ni Sheena..

"Ang kapal din naman ng mukha ninyo na sabihing kaibigan namin kayo. Sana naisip ninyo iyan bago ninyo pinagpustahan ang best friend ko. Sa pagkakaalala ko ang kaibigan minamahal at hindi sinasaktan lalong hindi pinaglalaruan. Ano tingin ninyo kay Charmaine bagay na pwede pagpustahan?" Wika nito sa tonong galit na galit. Sabay baling kay Alden.. "At ikaw naman? Ano sabi mong girlfriend mo pa ang best friend ko? For your information Mr sa pagkakaalam ko ang girlfriend minamahal hindi pinagpupustahan at hindi sinasaktan. Sa ilang buwan na magkarelasyon kayo puro sakit nang kalooban ang binigay mo, ang masaklap pa ang malaman na pinaglaruan ninyo lang siya. And I thank to Louise and his cousin dahil kung hindi nila sinabi ang totoo baka hanggang ngayon nagmumukha paring tanga ang kaibigan ko sa inyo." Wika pa nito kay Alden na halatang nahihiya. "Kung wala na kayong sasabihin aalis na ako. Dahil marami pa akong aasikasuhin." Pagkatapos iyon sabihin ay umalis na si Sheena sa harapan nila..

GoodbyeWhere stories live. Discover now