"Writer's Note"

2.4K 14 0
                                    

Hi readers!

Isang istorya na naman ng pag-iibigan ang mababasa niyo pero dahil ang titulo nito ay "First and Lust", asahan niyo ang makulit, madrama at mature na istorya ng iba't-ibang kabataan. Paalala lamang na hindi ito pagpapatuloy ng istorya ni Slater at Anjeanette bagkus, isang panibagong istorya ng pagkakaroon ng "first time" at ang pagdedesisyon kung sino nga ba ang ating magiging "last time" (pasensiya na para sa mga umasa pero alam niyo na naman ang ending ng First and Lust 1). Sa kabutihang palad, mag-eenjoy pa rin ang mga malilikot ang isip at...ahem, kamay diyan sa pagbabasa ng istorya na ito (kamay dahil mapapaswipe talaga kayo kung smartphone ang gamit niyo, haha).

Ito ang synopsis ng istorya:

Si Dylan ay isang 2nd year college student na mas piniling maging simple ang buhay mula pa nung high school. Simple at hindi stand-out ang itsura, hindi ganoong kataas ang grades at hangga't maaari ay hindi sumasama sa mga extracurricular activities. Masaya na siya na napapasa niya ang mga subjects ngayong college, nakakapaglaro ng video games kasama ang mga barkada at i-explore ang internet katulad ng kung sinong kabataan sa panahon ngayon. Hanggang...katulad din ng ibang istorya, mababago ito ni Micah, isang babaeng transferee. At paano ito nabago ni Micah? Simulan na lamang natin ng malaman ni Dylan na hindi ito takot maghubad sa harap niya.

At doon natin paiikutin at palilikutin ang mga isipan niyo. Muli, hindi ito pagpapatuloy ng istorya nila Slater at Anjeanette ngunit may mababasa kayong mga pamilyar na karakter mula sa First and Lust 1 at sa iba pang mga istorya ko dito sa Wattpad (Cameo kumbaga sa pelikula). Comment na lang kayo kung kilala niyo sila. At sa mga avid readers ko, maraming salamat sa walang sawang pagsubaybay.

Ating simulan na ang istorya!

First and Lust 2Where stories live. Discover now