Introduction

1.4K 11 2
                                    

Ramdam niya ang init ng hininga ni Micah.

Ramdam niya ang init ng balat ng dalaga.

Ramdam niya ang kalabog ng dibdib niya.

Unti-unting gumagapang ang kamay niya papaloob, sa ilalim ng manipis na sando, paikot sa mga manipis na bewang ni Micah. Lalong lumapit si Micah sa kanya; nakakabaliw talaga ang pabango nitong naging lason na ng isipan niya.

Makinis...malambot...parang seda sa dulas ang likuran ng dalaga hanggang matagpuan ng mga daliri niya ang strap ng bra nito. Ipinatong ni Micah ang mga kamay nito sa balikat niya.

"Kulay violet nga pala, in case iniisip mo."

Hindi na yata nahinga pa si Dylan, tuyo din ang kanyang lalamunan. Napakalapit ng boses ni Micah at para bang bulong na nang-aakit ang dating nito sa kanya. Nakatitig lamang si Dylan sa kahoy na pader ng apartment, pinipilit blangkuhin ang isip kahit ilang pulgada lamang ang lapit nila ni Micah.

Pinilit hanapin ng mga daliri ni Dylan ang gitna ng strap na naging matagumpay naman siya; double strap ito sa pagkakatanda niya sa mga halimbawang pinakita sa kanya ni Micah. Ang problema ay, hindi niya ito matanggal gamit ang isang kamay.

"Dalawa na kase ang gamitin mo..."

Parang yelong dumaan sa kanyang batok ang bulong ni Micah. Kinilabutan si Dylan at ang init na nararamdaman niya ay dahan-dahang bumababa sa katawan niya. Ginamit na rin niya ang kaliwa niyang kamay.

"Baka matigas na 'yan", bulong na naman ni Micah.

"A-alin?"

"Ang mga daliri mo."

Parang nga, ang nasa isip ni Dylan dahil isang minuto na yata ng lumipas sa pagtanggal lamang ng strap nito. Pero malambot na pareho ang kanyang tuhod sa saglit nilang pagkakatayo. At makatapos ang dalawa pang minuto, natanggal niya din ang bra nito. Kusa na din itong nahulog sa laki ng mga suso ni Micah, buti na lang at nasambot niya agad ito.

Napatingin siya kay Micah; ang mga brown na mata ito ay nakatitig din sa kanya, tila nagiintay.

"Baka may gusto ka pang tanggalin?"

At ang lamig na bumababa sa katawan ni Dylan ay naging init. Doon na talaga tumigas ang mga daliri niya. 

First and Lust 2Where stories live. Discover now