CHAPTER65

30.4K 522 3
                                    


Nabibingi ako sa tawa ni kino habang ako gulat na gulat sa mga nababasa ko habang siya ay kinukwento yun. Sh!t naman bakit ba kasi sabi niya noon siya si Prince Charming, wala na talaga akong matandaan kong anong nangyari sa kabataan ko pero itong diary ko na sulat ay pang bata talaga na sulat ko noon ay di nagsisinumaling.

"Bakit hindi ka na nagpakita sakin? " takang sabi ko nang binasa ko ang diary ko kaya napatingin ako kaya kino.

"Bakit nga ba? " sabi ko sa kanya tumigil naman siya sa pag tawa niya at tinignan ako. Nandito na kami sa teres baka kasi magising si cohan sa tawa nitong si kino. Naalala niya daw ang kalukuhan niya noon sakin. Ang alam niya daw noon iba yung batang nameet niya at yung naka one night niya at ako. Kasi ang pagkakilala niya sakin nung bata pa ako Drixity nung nakaone night niya Yna tapos yung summa si xiana. Hahaha natawa nga ako eh! Tadhana talaga.

"Namatay si daddy nun" napatingin ako sa kanya

"Huh? " ngumiti naman siya nang pilit at tumingin sa langit.

"Isang piloto ang daddy ko, actually pupuntahan sana kita nang makita ko sa news na nag crash ang airplane na minamaniho ni daddy, agad kaming lumipad ni mommy para tumulong sa paghahanap for about 2 months sa paghananap namin nakita namin si daddy, buhay siya pero nanghihina dahil sa mga sugat niya, namumuhay siya sa gubat for 2 months kaya agad namin siyang dinala hospital, 1 months kaming nasa hospital nun nang binawian nang buhay si daddy" sabay yuko niya kaya niyakap ko nalang siya.

"Lahat nawala sa isipan ko, nag mistula akong silent person dahil kahit pumapasok ako wala akong kinakausap nasa bahay lang ako pag uuwi na galing school at nagmumukmuk sa kwarto at umiiyak dahil sa pagkawala ni daddy, matagal tagal akong naka move on kaya naparehab ako ni mommy, dinala nila ako sa isang lugar at doon ko natutunan ang mag move on, mahigit 2 years ako doon at doon na rin nagpatuloy sa pag aral hanggang sa bumalik akong maayos na, sabi nung doctor sakin bago ako umalis na mas mabuti daw na kalimutan ko na ang lahat na nangyari para daw di ko maisip ang mga nangungunang nangyari kaya ayun nakalimutan ko nga pero hindi si daddy, after studying and had a certificates of being a magna agad akong nagtrabaho sa kompanyang iniwan ni daddy samin, naging babaero ako in good way hindi yung kinakant0t ko sila, just pleasure, sorry baby" napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"And then i meet you in my hotel room and we made love and you disappear after a years lumapit kana naman saki----

"Ahhhh tama na" sabi ko nalang sa kanya.

"Di ko nga alam na ikaw pala yun. Alam mo ba iniisip ko ngayun ang manyak mo, you take advantage on me kasi alam mong wala akong alam dun sa kiss kaya ganun ka sakin noon" natawa naman siya.

"Sorry but not sorry" nagtawanan nalang kaming dalawa.

"Kino ang bait ni destiny no? Hahaha" natatawa kong sabi.

"Haha bait nga dami namang trail" umiiling niyang sabi.

"Yaan muna" sabi ko nalang at niyakap siya nang husto.

"Ang ganda nang kabataan natin gusto kong bumalik nang di ka nanlalaban sakin" tinignan ko siya nang masama nang bigla sumeryoso ang mukha niya.

"Xiana or Yna" napatingin naman ako sa kanya.

"Let's get married "

"Kasal? " bigla akong kinabahan at di ko alam.

"Ayaw mo ba? " napayuko naman ako.

"Di naman sa ganun sympre magpapakasal ako sayo pero sobrang aga naman yata diba? Saka kakabati lang namin nang pamilya ko, i wanted to spend more time with them first" napangiti naman siya.

"It's okay, alam ko namang namiss mo sila" niyakap niya ako at naramdaman kong huminga siya nang malalim

"I can wait you" niyakap ko nalang siya nang mahigpit nang biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kami at napahiwalay.

"Baby can i have a time with you?" nakangiting sabi ni mama kaya napangiti ako at tumango. Tinignan ko muna si kino.

"Bantayan mo muna si baby ha" ngumiti siya sakin at tumango saka ako hinalikan sa noo

"I will" agad akong tumakbo papunta kay mama kaya agad akong hinawakan ni mama sa braso at naglakad kami patungo sa kwarto nila at pag dating namin doon nandon si papa naghihintay samin.. Umupo ako sa kama at may ibinigay siya sakin album, tinanggap ko naman ito. Nasa gitna nila ako habang naka akbyan si papa samin at si mama naka-yakap sa bewang ko.

"Open it" tumango naman akong nakangiti hanggang sa makita ako ang screening nang ultrasound.

"This is you" masayang sabi ni mama kaya napatingin ako sa kanya at umiiyak na pala siya kaya pinunasan ko ito.

"Ayokong umiyak kayo mama" natawa naman sila at hinalikan nila ako sa pesnge. Tinignan ko ulit ito at bumungad sakin yung pictures na bagong silang kaya napangiti ako.

"Your daddy is happy when he saw you for the first time" nakita kong yakap ako ni mama at yakap ni papa si mama nung bagong silang ako. Nasa delivery room pa sila.

"Of course masaya ako dahil ang ganda nang prinsesa namin" napangiti naman ako at tinignan si daddy at hinalikan niya ako sa noo.

Binuklat ko ulit at nakita ko na karga ako ni kuya.

"Your brother is actually jealous of you look at his face" natatawang sabi ni papa dahil nakasimangot si kuya na nakatingin sakin.

"Ang cute ni kuya" natatawa kong sabi. Ang dami kong solo pictures nung baby pa ako parang si cohan lang.. May photoshoot din ako kasi at ang ganda. Kasama din si papa nakatopless lang habang nasa dibdib niya ako at si mama na naka bra at short lang at family pictures namin. Di ko nalang napansin na umiiyak na pala ako habang nakatingin sa mga pictures namin hanggang sa lumaki ako at last pictures ko ay yung kaming tatlo na di na kasama si kuya pero yung ulo niya sumilip sa likod na nakatingin samin. Ito yung litrato na meron ako hanggang sa lumaki ako.

"Nagsisi ako anak kung bakit ka namin pinaalaga sa ibang tao" napatingin ako kay mama at papa at inilagay sa kama ang album saka sila niyakap.

"Pinatawad ko na kayo kaya patawarin niyo na po ang sarili niyo. Mahal na mahal ko po kayo kaya sana po maging masaya na tayo" nakangiti kong sabi sa kanila

The Hunk Boss (18+)Where stories live. Discover now