Kabanta 1

82 4 3
                                    

Kabanata 1: Pag alis

"Ma, hindi ko kayang tumira dito sa pinas magisa" pagpupumilit ko kay mama.

"Sino bang nagsabi sayo na ikaw lang magisa dito?" Natatawang sagot ni mama sa akin.

"So ibig sabihin dika na aalis ?" Nakangisi kong tanong kay mama habang nakayakap sa kanya.

"Baliw ka talagang bata ka, siyempre aalis,pero bukas na bukas darating na yung pinsan mo at siya ang kasama mo dito hangga't wala ako." Mahabang pagkasabi sa akin ni mama .

"Sinong pinsan ma? E wala nga akong kilala kahit isa sa kanila eh" Takang tanong ko kay mama, eh sa totoo naman eh, wala akong kilala ni isa sa mga pinsan ko.

"Makikilala mo rin siya bukas anak, oh siya kailangan ko na talagang umalis at baka mahuli pa ako sa biyahe." Pagpapaalam ni mama.

Ngayon ang alis ni mama papuntang Canada dahil kailangan daw siya sa office at hindi ko lang alam kung hanggang kailan siya dun.
Hindi na nagpahatid sa Airport si mama baka daw magiyakan pa kami dun.

Pero sino kaya yung pinsan kong makakasama dito? Magkakasundo kaya kami?

Dahil sa pagiisip ko hindi ko na namalayan ang takbo ng oras.

"Gabi na pala" bulong ko sa aking sarili.

Pagkatapos kong kumain ay nilinis ko na muna ang mga kalat sa bahay bago matulog. Para naman hindi nakakahiya sa pinsan ko na pupunta dito bukas.

Ako nga pala si George Leam Fernandez , 17 y/o and uniko hijo ng aking mama dahil ang papa ko ay sumakabilang bahay na. 10 taon ako nung naghiwalay sila dahil si papa hindi mapigilang mambabae at ayun , nakabuntis. Sobra na yan balik na tayo(balik lang walang tayo)

Pagkatapos ko ngang maghugas ng pinggan at maglinis ay agad naman akong umakyat sa aking kwarto at natulog.

To be continued...

Fallin' Inlove With My PinsanWhere stories live. Discover now