Kabanata 2

90 5 13
                                    

Kabanata 2:Bantay

Leam's Point of view.

Kringgggg...
(Sabay hampas sa orasan)

Grabe naman kasi tong Alarm Clock na to, daig pa yung mama ko kung manggising.

Tumayo na ako at ginawa na ang daily routine ko, pagkatapos diretso na sa baba at nag almusal.

"Buti na lang at walang pasok ngayon kasi Summer Break" bulong ko sa sarili ko.

Habang nanunood ako ng paborito kong Spongebob Squarepants biglang may nag doorbell.

Dingdong,Dingdong,Dingdong

"Sandali lang po, sirain niyo na lang kaya yang doorbell" Sigaw ko habang papalapit sa gate para buksan.

Pagkabukas ko nung gate.

"Dito po ba nakatira si Tita Jenny Fernandez?" tanong nung lalake habang nakatingin sa akin.

"A-o-opo" nauutal kong sagot sa kanya habang nakatulala sa kaharap ko.

Bakit ganto? Angel ba tong kaharap ko? Pigilan mo sarili mo Leam.

"Pwede po bang makituloy?" Sabi niya.

"O-po" kinakabahan kong sagot sa kanya.

Pinapasok ko na siya sa bahay at isinara ang gate at diniretso ko siya sa kwarto at itinali(Charot lang , kayo naman) Pagka sarado ko ng gate, agad naman akong sumunod sa kanya.

"Ako pala yung makakasama mo dito sabi ni tita" pagputol niya sa katahimikan nung makapasok na kami sa loob .

"Ako si John Lowell De Guzman " Lowell" na lang for short at ikaw?" pagpapakilala niya habang inaabot ko ang tinimpla kung juice.

"Ge-orge Leam Fernandez po"medyo nauutal ko paring sagot sa kanya.

" Mana ka nga sa mama mo, ang cute" sabi niyang ikinabigla ko, cute daw ako? Halos di na ako makagalaw sa kinatatayuan ko at ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko kahit may aircon naman dito sa loob.

"Oy, Anong nangyare sayo?" Bigla naman akong napabalik sa ulirat ng winagayway niya ang mga palad niya sa harap ng aking mukha.

"A-e w-wala po" nauutal kong sagot sa kanya.

Agad naman akong umalis sa harap niya at pumunta sa banyo .

"Aaaaaaaaaaaaa" sigaw ko ng wala namang tunog, baka kasi marinig niya eh, nakakahiya naman.

Paglabas ko sa banyo agad ko naman siyang nilapitan at ituturo ko pa ang kwarto niya baka kasi napapagod na siya eh.

"Ito po ang magiging kwarto mo kuya" turo ko sa kwartong nasa tabi lang ng kwarto ko.

"Ah salamat cutie Leam" sabay pumasok na siya sa kwato

Ako naman hindi parin makaalis sa kinatatayuan ko, yung puso ko naman parang nagtatambol na sa sobrang kabog habang nakatitig sa kanyang pintuan.

Lowell's Point Of View

Diko parin makalimutan yung pamumula ng pisngi ni Leam pagkasabi ko ng cute sa kanya.

"Mana ka nga sa mama mo, ang cute" siya naman ang pagpula ng pisngi niya. Sabay takbo sa banyo.

Ako nga pala si John Lowell De Guzman, 20 years Old at ako ang pinakiusapan ni tita na magbantay sa "unico hijo" niya habang nasa ibang bansa siya para sa trabaho niya.

Unang pagkakita ko palang kay Leam ay alam ko ng hindi siya straight. Sinadya ko talagang sabihan siya ng cute at ayun nga tumpak ang hinala ko.

Leam's Point Of View

"Cutie pwedeng makitabi sayo?" Nagulat naman ako ng biglang nagsalita si kuya at tinawag na naman akong cutie. Pwede ba tama na baka hindi ko na makayang pahintuin ang puso ko pag bumilis pa ang tibok nito.

"Opo kuya" sabay umupo siya malapit sa akin at nanood ng palabas.

"Ilang taon kana cutie?" Tanong niya.

"16 po kuya" sagot ko naman.

"Ah, so may GF kana ba ngayon?"nagulat naman ako sa tanong niya na yun. Ako mag GGF?

Sa dami pa ng pwede niyang itanong yun pa?

" wala po kuya"tipid kong sagot sa kanya.

"Ah good , dapat mag aral ka na lang muna" natuwa naman ako sa sinabi niya.

10:00 PM

"Kuya akyat na po ako" paalam ko sa kanya habang siya ay naghuhugas ng pinagkainan namin.

"Sige cutie, Goodnight" sabi niya sabay ngiti sakin.

Bakit ganto? Bawal akong magkagusto sa kanya kasi magpinsan kami, at isa pa lalake siya.

Sa sobrang pagiisip ko diko na namalayan na nakatulog na ako.









Sorry po sa typo mga kuya mga ateng, at sana po suportahan niyo po ako dahil ito ang kauna-unahan kong story na isusulat, sana po mag suggest kayo ng mga bagay na makakatulog para maiayos ko po yung takbo ng story.

Thank you po.

Fallin' Inlove With My PinsanWhere stories live. Discover now