***
Malaya ka
Pilipinas
kaya't putol ang iyong pakpak
sa pag-angat
at lamon mo ang lupa at tabak
ng pananahimik.Malaya ka
Pilipinas
kaya't bubo ng luha
ang iyong batas
at may saliw ng impit na panangis
ang iyong timbangan.Malaya ka
Pilipinas
kaya't bulag, bingi
ang iyong mga aklat
at kathang-isip lamang
ang iyong kasaysayan.Malaya ka
Pilipinas
kaya't alipin ang iyong mga anak
at subsob sa paghalik
sa ibang lahi't kalinangan.Malaya ka
Pilipinas
kaya't umaagos ang iyong dugo
at hubad ang iyong katawan
upang gawing pataba
sa ibang kalupaan.#Jun122016
![](https://img.wattpad.com/cover/19387375-288-k490518.jpg)
YOU ARE READING
Art for Heartaches (Poems)
PoetryWhen we feel too much, we rhyme. | Poems in Filipino and English. Collection.