Six

3K 45 2
                                    

Duday : ANO?! PERO BAKIT?!!! Naging mabait naman ako nung nabubuhay pa ako!  Ako ang tumulong Kay Santa Claus nung Christmas! Ako yung witness laban kay De Lima! Ako ang naka imbento ng Fita! At ang tanging Kasalanan ko lang----- ay yung hinalikan ko si Mommy Dionisia! Pero lasing ako nun! Nilasing ako ng mukhang BUTIKI na 'yun!

.
Binibining kalansay: wala akong Paki-alam! NEXT!

Ako: meron po bang Sheena? 3 years na po akong patay

Binibining Kalansay: wait lang .... Hahanapin ko sa Google  Listahan ng Makakapasok sa Langit 2016 Final Results

Ako: hmm

Duday: (sad face) bakit kaya wala yung name ko?
.
Binibining Kalansay: Merong Sheena dito  Ibig sabihin -makakapasok Ka sa langit

Duday: congratulations Sheena  (sobrang lungkot) Sya kasi yung BIDA dito! Feeling ko tuloy may galit yung writer sa akin.

(papasok na sana ako pero naawa ako sa pagmumukha ni Duday, para syang karapata ng asong ginagalis --- kaya umupo ako at tumabi sa kanya )

Ako: Diba bespren kita? kaya hindi kita iiwan

Duday: tologo bes? Nakakatouch nemen (biglang ngumiti)

Ako: bakit hindi po makapasok sa langit si Duday?

Binibining Kalansay : wait lang hahanapin ko ulit sa google "Ang Mga Kasalanan ni Duday"

oh tignan mo dito sa computer! Ang daming RESULTS! Ang dami mo palang Kasalanan, ninakaw mo yung brief ni James Reid! naging myembro Ka ng riding-in-tamdem, akyat-bahay!! At sa EDAD na 7 years old naging DRUG LORD Ka na! Dapat sa impyerno ka ilagay!

Duday: HUH! Teka? Patingin nga?! "DUDAY DIMAQUITA JR" - ang pangalan ko!! Hindi "DUDAY CHAKAFES" !!

Binibining Kalansay: AH?!! Gannun bah!! Akala ko "CHAKAFES" --- CHAKA kasi ng FES mo!

Ako: ano po ang results?

Binibining Kalansay: POSITIVE

Duday: ANO?! Buntis ako? Dapat malaman ito ni Enrique Gil! (sabay hawak sa nangungulubot na tiyan)

Ako: ambisyosa! Anong positive ??

Binibining Kalansay: kailangan nyo bumalik sa lupa dahil may dapat tapusin si Duday --- ang Huli nyang Mission. Si Duterte!!

Duday: HAAAA! Si President Duterte! (GULAT NA GULAT!!)

Ako: ang Presidente ng Pilipinas?

Binibining Kalansay: Hindi! Ang Presidente ng Pokemon!! gusto mo! HALA MULTO NA NGA BOBO PA!

Duday: pero bakit ang mahal nating Presidente? Anong connection ko sa kanya!

Binibining Kalansay: WAIT LANG! Hindi pala si Pres.Duterte Sorry­ next page na pala ng script ko Mali ang pagbasa ko

Ako at Duday: HALA! Multo na nga BOBO pa.

Binibining Kalansay : Eh 'di kayo na ang bida! Ang HULI Mong mission ----

Si DODONG TERTE !!

Ako: sinong Dodong Terte ?

Duday : Si Dodong Terte!

Ang aking BOYFRIEND !!

Ako at Binibining Kalansay: HUH? TOLOGO?

Ako: paano po kami babalik sa lupa??

Binibining Kalansay : kailangan nyong kompletohin ang Pitong Dragon balls!
Ako: HUH?!!

Binibining Kalansay: JOKE! (may kinuha) Heto ang gamitin nyo  (may inabot)

Ako: PARACHUTES ??

Duday : ANG SUSUNOD NA PROGRAMA AY RATED SPG !!!
Yung mga bumabasa pls huwag nyong gayahin ang pagtalon namin ha!

Aaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!


(after 2 hours, 41 minutes and 28 seconds- BUMAGSAK na sila)

***BOOM***

Ako: aray! Ang sakit ng pwetan ko!

Duday: HUH? (biglang tumahimik at hindi makatayo)

Ako: HOY Duday! Anong nangyari sayo? Sino ba yang nakita mo at gulat na gulat ka?

Duday: Nasa harap tayo ng bahay ni Dodong Terte!!

Ako: ano? Wow! Ang galing naman ng parachutes na 'yun!

Duday: Hindi! Sinadya ito ng writer!

Ako: sinong writer? Sino ba ang kausap mo dyan?!

(biglang lumabas si Dodong Terte)

Ako: wow! kamukha nya si Justin Bieber

Duday: (kumanta bigla)
Baby , baby , baby oohh!
'Yan ang Baby ko   (naiiyak dahil miss na miss nya si Dodong)

(biglang may lumabas na babae na may dalang sanggol)

Ako: PATAY! 'Yung Baby mo May BABY na pala!

Duday : HUH? BAKET?

(tumakbo si Duday......)

Ako: Duday!

Babae : Dodong? Kargahin mo muna 'tong Kapatid mo. Susunduin ko muna yung lola mo nagdodota na naman

Dodong : opo nay

Ako: Hahaha Kapatid lang pala!

(pinuntahan ko si Duday)

Ako: Duday! Makinig Ka nga! Kapatid 'yun ni Dodong. Hindi nya anak!

Duday: talaga? PRAMIS?

Ako: Tara! Puntahan natin sya! Para matapos na ang mission natin!

(pumasok sila sa loob ng bahay ni Dodong.)

Dodong (nakaupo habang pinapaypayan ang baby sister nya)

Duday: Dodong!
.
Ako: Hindi nya tayo nakikita .....

(biglang napalingon si Dodong Terte)

Dodong : DUDAY? (gulat na gulat)

Duday: nakikita mo kami?

Ako: baka bukas ang third eye nya! Kaya nakikita nya tayo!

Duday: ano? Pero paano mo nalaman ?

Ako: Ewan ko pero binasa ko lang yung script! Tanong mo sa writer!

Duday: wow!! Linya ko 'yan dati!

Dodong : Duday?! Buhay ka?! Pero?

Ako: Dodong. Mga kaluluwa nalang kami.

Duday : Sorry Dodong kung nawala ako sa piling mo Sorry

Dodong : May dapat kang malaman Duday

Sorry pero

Ako ang pumatay sayo..

MULTO UNIVERSITYWhere stories live. Discover now