CHAPTER 18- RIDDLE

265 30 1
                                    

  TRACER ICE POV

Nandito kami ngayon sa Blyth Hospital, katatapos lang X-rayhan ang kaliwang paa ko ay dinala ako isang Private room.

"Tang'inang Lustre, pipilayan ko talaga s'ya!" galit na mura ko.

"Nasa ganyang kalagayan ka na Rivera, nakuha mo pang maghiganti" Usal naman ni Coach na napailing-iling lang.

"Hindi naman siguro 'yon sinasadya ni Lustre. Ganyan talaga ang laro. May aksedente." Patuloy pang sabi coach.

"Coach hindi maging gan'yan ang damage kung hindi sinasadya 'yan." umalma naman si Zeus.

Walang alam ang mga kaibigan ko lalo na si Coach tungkol sa plano ni Lustre at Martinez.

"Mauna muna ako sa inyo. May laro ang vollyball team ngayon. De Vega, balitaan mo ako mamaya tungkol sa Result ng X-ray"

"Yes coach."

Nang makaalis si coach ay tahimik lang kami. Buhay nga naman, kagabi nandito ako para kay Iris. At ngayon naman ako naman yata ang malulumpo. Isa-isa kong tiningnan ang tatlo na nakatayo sa tabi ng kama.

"Pre, ba't mo nasabing sinadya 'yon ni Lustre?"basag ni Bryle sa katahimikan.

Siguro pagkakataon ng sabihin ko sa kanila.

"Narinig ko kanina ang grupo ni Luke Martinez at si Lustre na nag-uusap." simula ko.

"Plano nilang ipatalo ang laro ng BU para ang Eastwood ang makakalaban natin sa championship. At may ipapatumba sila... ako o si Rebel" napatingin ako kay Rebel na kunot-noong nakatingin sa 'kin.

"at bakit hindi mo agad sinabi sa 'min?" tanong nito.

"Balak ko namang sabihin eh. After sana ng game.".

"Bakit nila ginagawa 'to." kunot noong tanong naman ni Zeus.

"Dahil sa pera. Ginawa nilang sugal ang laro." sagot ko.

"Damn it! Isusugal ko yang buhay nila kay kamatayan letse sila!!" galit na sabi ni Zeus.

Natigil kami sa pag-uusap ng dumating si Daddy at Dean na sobrang nag-aalala. At eksakto ring dumating ang doctor.

"Doc, how's my Son?" Nag aalalang tanong ni Daddy.

"You have nothing to worry. It's a minor injury. Nagkasprain lang 'yong paa niya. But still he need to rest, huwag munang ip'wersa ang paa within 3days."

"Thanks doc. "

'fuck!! 3days? Pa'no ang laro namin bukas? '

"Tracer, Nakausap ko ang Dean ng Blyth University. He's asking an apology for the accident in court." sabi naman nila.

'tssss isa pa ang Dean na 'yon'

"Its okay lolaI'm" pagsisinungalin ko.

Ang totoo hindi ok. at sigurado akong hindi aksidente ang nangyari sa 'kin.

"Gomez, De Vega, at lalo ka na Falcon, alam ko 'yang takbo ng utak n'yo. At kung may plano kayong gumanti sa nakagawa nito sa apo ko, wag n'yo ng ituloy." banta ni Dean sa tatlo.

"Naku, hindi po dean. " despensa naman ni Bryle na nakangisi pa.

"At ikaw Tracer, pumunta ka daw sa Dean'office ng BU kanina. At ang sabi ni Dean Llamas 'wala kang galang" Baling sa 'kin ni lola.

"tssss nagsumbong pa talaga ang matandang 'yon" Mahinang usal ko.

"Tracer! Kelan ka pa naging bastos ha. My Ghad! naturingan pang apo ka ng Dean sa EIS." Pagpipigil sa galit na tugon pa lola.

Death Game Series1: THE LOSTS SOULМесто, где живут истории. Откройте их для себя