Nikola Tesla

909 5 1
                                    

"Nikola Tesla"

Free Energy? Earthquake Machine? Anti- Gravity Machine? Duplicating Machine? Marahil marami na tayong alam at nababasa na kwento dito sa social media tungkol sa kanya. Madalas siyang ikumpara kay Einstein at sa karibal niyang si Edison. Sa artikulong ito mas lubos nating makikilala kung sino ba talaga si Nikola Tesla at ang kanyang mga naging kontribusyon.

Si Nikola Tesla ay isang Serbian-American inventor, electrical engineer, mechanical engineer, physicist, and futurist at mas kilala sa pagdisenyo ng modern alternating current (AC) electrical supply system.

Siya ay ipinanganak noong ika- sampu ng Hulyo, taong 1856 sa Croatia. Ang kanyang ama ay si Milutin Tesla, isang pari ng Serbian Orthodox Church at ang kanyang ina ay si Đuka Tesla. Minana ni Tesla ang kanyang katalinuhan at talento sa paggawa ng mga bagay sa kanyang lolo na mahilig gumawa ng mga home craft tools.

Nag- umpisa siyang magtrabaho sa mga telephony and electrical fields bago mag- emigrate sa United States noong 1884 upang magtrabaho para kay Thomas Edison. May mga sabi-sabi na ang inimbentong light bulb ni Edison ay ninakaw lamang kay Tesla nung nagtatrabaho pa ito sakanya.

“I don't care that they stole my idea . . I care that they don't have any of their own” - Nikola Tesla

Kinalaunan, sinimulan niyang gawin ang AC induction motor at transformer.
Mas lalong nakilala si Tesla sa kanyang experiments na nakatulong sa pag- imbento ng radio communication, X-ray, at madami pang iba. 

Nasabi ko sa aking introduksyon na madalas siyang ikumpara kay Albert Einstein. Sa larangan ng siyensya, ang dalawang tanyag na ito ay hindi magkasundo dahil sa magkaibang teoryang pinaniniwalaan. Ang Theory of Relativity ni Einstein na kilala sa field of physics at astronomy ay salungat sa Ether Theory ni Nikola Tesla. Madaming siyentipikong sumuporta sa teoryang ito ni Tesla ngunit hindi makakailang mas madaming napatunayan ang Theory of Relativity ni Einstein.

Sa mga huling dekada ng buhay ni Tesla, siya ay namuhay at nanirahan sa 
Room 3327 ng New Yorker Hotel kung saan niya ginugol ang mga nalalabing araw niya sa mundo. Sa kabila ng mga nagawa ni Tesla, tumanda siyang walang pera at lubog sa pagkakautang.
January 1943, katulad ni Einstein, naging masalimuot rin ang pagkamatay ni Tesla. 

Bilang pag- alala kay Tesla, ang General Conference on Weights and Measures for the International System of Units ay ginawang measurement ng strength of magnetic field ang term na "tesla" (T).

Mga iilan sa naging kontribusyon ni Tesla : 

* Tesla Coil
* Auto ignition system
* AC polyphase system
* Exploration of solar and thermal. energy
* Transmitting Power without Wires
* Radio
* Employing Electricity as a Fertiliser
* Fluorescent Lighting & neon lights
* X-ray & X-ray devices
* Vertical Take Off and Landing aircraft
* Terrestrial Stationary Waves
* Robotics
* Devices for ionized gases
* Superconducting device
* Devices for lightning protection
* Magnifying transmitter
* Charged particles beam
* Death Rays
* Thermo-Electric Power
* Radiation
* Radar
* Electrotherapeutics - Tesla currents
* Computing Logic Circuits
* Remote Control/Communications
* Bladeless Turbine
* Apparatus for ozone generation
* at madami pang iba

Naging masalimuot man ang pagkamatay ni Tesla, ang naiwan niyang legasiya sa larangan ng siyensya ay hindi makakalimutan.

" The scientists of today think deeply instead of clearly. One must be sane to think clearly, but one can think deeply and be quite insane. " - Nikola Tesla

Top Secret Files Where stories live. Discover now