Thursday

7 0 0
                                    

Ewan ko ba kung kelan ko nalaman na in love na pala ako sa best friend ko.

Hindi ko alam kung papaano, pero unti-unti akong nahulog kay Cheryll Zabrina Alcantara Vastilla.

Hindi ko alam kung dahil sa maganda siya o dahil sa mabuti niyang puso, pero basta! They say that love works in mysterious ways. Parang last week lang, pinagtatawanan ko pa ang konsepto ng 'love' na yan.

Pero, noong nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin na nakangiting sumisigaw ng 'Bassy' 5 years ago, halos parang tumigil ang mundo ko. Yung feeling na tulad ng unang pagkakita ni Jacob kay Renesme, na sabi nga niya na parang siya ang tanging nag-aanchor sa kanya sa mundo.

Sa tuwing nakikita ko siyang malungkot, halos parang pinapana ang dibdib ko. Tuwing makikita ko na may kasama siyang iba, (Kasama din ang mga babae. Kakalurkey ang pag-ibig noh?) halos lahat ng killing at torturing technics ang naiisip ko.

Bakit nga kaya ganon? Bakit ba sa tuwing magbest friend ang babae at lalaki, stereotype na ang isa sa kanila ay mahuhulog? Bakit? Bakit?

Masakit eh. Sobra. Lalo na kung nakastand-by ka lang sa isang tabi habang siya ay unti-unting nahuhulog sa iba. Na lagi kang naandyan para damayan siya sa mga break-ups at pananakit na nagawa ng mga h*n*y*p*k na iyon. Na naghihintay ka at nagdarasal na one day, one day mahuhulog din siya sa'yo.

Mahirap eh.

Sobra......

Tapos, 4 days ago, nagawa ko ang pinakamalaking katangahang nagawa ko sa buong buhay ko

"Uyyyy, Mitch! Rinig ko na may gusto ka dun kay Cheryll! hihihi"

"Yah, hindi ah! Tumigil- tigil ka nga dyan sa ka-engotan mo, Mel!"

"Ows, nahuli kaya kitang nagprapraktis ng pagtapat mo sa cr ng boys!"

"Grrr! Mikey! Hindi ko gusto si Cheryll!"

"Ows!" "Di nga?!" "HAHAHAHA"

"AHH! Melroy! Mikael! Tigilan niyo ako! At isa pa! Papaano ko magugustuhan ang spoiled brat na yun?! Eh halos dumugo ang tainga ko kakasigaw ng bruha na yun! I became her best friend because I pitied her. Hindi ko gusto ang annoying b*tch na yun!"

"Uhh, Mitch."

"What?! Sasabihin nyo pa ba na may gusto ako sa mukhang bruha na yun?"

"Dude..."

"Spoiled brat? Bruha? B*tch? Wow Mitchell. Hindi ko alam na wala pala akong papel sa buhay mo."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ng mahal ko. Tumalikod ako at tumigil ang puso ko sa nakita ko.

Si Cheryll ko....

She was glaring at me while her tears began to silently fall.

"So tell me, Mitchell. Did the past 10 years mean nothing to you?! Na charity case lang pala ang tingin mo saken? God! And here I was thinking that- that- ugh! I hate you, Mitchell Sebastian Andrews! Mitch, you-- YOU @SSHOLE!"

Tumalikod siya at tumakbo. Tumakbo palayo sa akin. Away from my stupidity.

She was out of my life just like that.

It was all my fault.

Last I heard from her was that her family moved back to London. About 6, 666 miles away from me.

And here I am, counting the days until I see her again. Waiting for the day that she would forgive me....

missed calls and blocked numbersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon