Chapter 27

20.8K 1K 103
                                        


Chapter 27

"I'm sorry ulit."

"It's okay. Naiintindihan kong hanggang doon na lang talaga siguro." Ngumiti sa akin si Henry. "Okay, mula bukas hindi na kita guguluhin."

"Thanks."

"See you tomorrow, Denden."

Nginitian ko lang ito bago ako tuluyang lumabas sa kotse niya. Hinatid na niya ako dahil malalim na ang gabi kaya kahit papaano naman ay hinintay ko munang makaalis si Sir Henry bago sana pumasok sa apartment ko pero hindi ko inaasahan ang nakita ko. August is here. He is standing steps away from me. Mukhang naiinis, mukhang disappointed.

"Alalang-alala ako sa'yo." Umpisa nito. "Ilang beses akong tumawag sa'yo pero hindi kita macontact. Ilang messages din ang pinadala ko pero ni isang reply wala. Mukha akong tangang naghintay sa office niyo pero wala na palang tao doon."

"August kasi---"

"Wala naman akong karapatang magalit, diba?" Tuloy nito. "Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Hindi naman ako galit pero hindi ko naman mapigilang hindi madisappoint. Sana sinabi mo na lang sa akin na ihahatid ka pala ng boss mo. Sana sinabi mo na lang sa akin na siya na. Siguro nag-assume lang ako, no?"

"August, hindi naman katulad sa iniisip mo 'to."

"Bakit? Ano bang iniisip ko?" Hindi ako nakapagsalita sa tanong nito. "Ang sa akin lang sana sinabi mo. Kahit yun lang, Lovely. Kahit yun lang. Kaysa umaasa pala ako sa wala. Don't worry. Naiintindihan ko namang hindi mo kailangan magpaliwanag sa akin kasi hindi mo naman ako boyfriend. Kulang na kulang pa nga ito sa nagawa ko sa'yo noon, diba?"

"I'm sorry. Nakalimutan ko lang talaga." Paliwanag ko kasi totoo namang nakalimutan ko dahil na rin sa seryosong usapan namin ni Sir Henry.

"Nakalimutan?" Tumawa ito nang mapakla. "Sabagay... Sino ba naman ako para tandaan mo."

"Sorry,"

"Aalis muna ako dahil baka nakakaabala ako. Mag-ingat ka." Inilapag niya sa tapat ng apartment ko ang isang container at pagkatapos ay hindi na niya ulit ako tinapunan ng tingin bago siya umalis.

Hindi na rin niya ako tinext at tinawagan nang gabing iyon.

Lovely: Sorry. Sobrang irresponsible nung nagawa ko kanina. Sorry.

Lovely: Salamat sa dala mong pagkain. Na-appreciate ko. Sorry ulit.

Naghintay ako ng reply nito pero wala na akong natanggap na reply mula sa kanya.

Lovely: Goodnight. Text mo ako kapag hindi na mainit ang ulo mo.

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now