Chapter 43

20.3K 1K 145
                                    

Chapter 43

Alas sinco nang madaling araw nang magising ako. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap ni August sa akin pero mabilis din niyang ibinalik iyon. Humawak ako sa bisig niya at hinarap siya. Hindi ko man makita ang buong mukha niya pero alam kong peaceful siyang natutulog. I'm still sore down there pero kailangan ko nang magprepare para sa trabho. Muli kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin. Dahan-dahan akong tumayo at pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig. Nagbihis ako bago ko inayos ang damit nito at itinabi sa may side table ko.

Nakatulong sa akin ang hot shower. Paglabas ko ng banyo ay nagluluto na si August ng almusal. Topless pa ito habang nagpiprito ng eggs and bacon.

"Isuot mo yung T-shirt mo." Sita ko rito. Humarap siya sa akin nang may ngisi sa labi. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya. Parang sira kasing kumabog bigla yung dibdib ko. Ugh! He still have this effect on me! Nakakainis!!! Ang aga-aga ay nakakaramdam ako ng hiya sa kanya.

"Hindi dahil sa ginawa natin yon ay gagawin natin ulit yun, ah."

"What!? Love ang unfair naman niyan."

"Ang sakit kaya! Ikaw kaya yung pasukan ng paulit-ulit! Ikaw lang kaya yung nag-enjoy. Ayoko na ulitin 'yon!"

"Sa una lang naman." Tinignan ko siya nang masama. "Sabi ko nga masakit. Gusto mo hilutin ko?" Mabilis akong nakaramdam ng pag-iinit sa mukha kaya mabilis ko ring ibinato kay August ang suklay ko!

"B-bastos ka talaga!"

"Kidding aside, dito muna ako sa apartment mo ah."

"what? Bakit ka nagdedecide mag-isa?" Nagkibit-balikat ito.

"Hindi pa naman kasi dapat ako uuwi kahapon." Nagulat ako sa sinabi nito. Nag-umpisa na siyang maghain pero ako hinihintay pa ang katuloy ng sinasabi niya na mukhang hindi naman niya balak ituloy.

"B-bakit ka umuwi?"

"Pinapauwi mo na ako." Ngumiti lang ito sa akin. "And besides, mom is getting better. Nandoon na rin naman si dad para alagaan siya. In short wala akong kasama sa bahay. Kailangan ko na rin pumasok sa trabaho."

"E, bakit dito? Magshirt ka nga!" nadi-distract ako sa katawan niya. Ugh! Nakakainis. Kapag nakikita ko siya naaalala ko yung nangyari kagabi. Bakit ako pumayag? Ang sakit ko sa ulo.

"Ayaw ko pa. Nanlalagkit pa ako, e." Nakangisi nitong sabi sa akin kaya mabilis akong pumasok sa kwarto ko para kuhanin yung T-shirt niya. Pagbalik ko ay iniabot ko iyon sa kanya.

"Pero dito ako matutulog, ah." Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi naman yung habol ko." Pagtanggi naman nito. "Syempre wala akong kasama sa bahay. Wala ka rin naman kasama rito. Para masundo na rin kita sa trabaho mo."

"Fine, pero sa sala ka matuulog."

"Kung anong gusto mo." Nakangiti lang itong sumagot sa akin. "Kain ka na." Lumapit ako sa lamesa para kumain na. Maaga pa naman at mabilis lang ang byahe papuntang office. Sabay kaming kumain at hindi kami nagkikibuan. Naiilang ako sa totoo lang at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. SI August naman ay halatang hinahayaan lang akong mailang. Ganyan kasi siya. Natutuwa siya kapag naiilang ako sa kanya.

Nang matapos kaming kumain ay kukunin na sana niya yung mga hugasin.

"Ako na." Pagpresinta ko. "Maligo ka na lang." Utos ko pa rito.

"Sigurado ka?"

"Oo naman para maaga tayo makaalis." Hindi ko pa nakukwento sa kanya na promoted na ako sa work. Hindi naman kasi kami masyadong nakapag-usap kagabi. I was too tired to talk last night kaya hindi ko na nasabi ito sa kanya. " Sa mga ginagawa namin ngayon ay parang hindi na rin nalalayo sa ginagawa ng mag-asawa.

***

That night I told him about my promotion. Sinabi ko rin sa kanya yung pressure na nararamdaman ko pero he boosted my confidence. Ang sabi niya kaya ko raw iyon dahil halata naman daw sa akin na gusto ko yung ginagawa ko. Gustong-gusto ko talaga.

He took me out on a date to celebrate my promotion. Naiinis lang ako dahil sa babaeng kumuha ng order namin kanina. She's not professional kasi. Halatang nilalandi niya si August. Mabuti na nga lang dahil sa akin lang nakatingin si August kasi hindi ko alam ang gagawin ko kung titingin pa siya sa ibang babae. Ganito pala yung feeling na kapag nakuha na niya yung iniingatan mo. Yung pakiramdam na baka anytime ay iwan ka dahil may nakuha na siya sa'yo. Mabuti na lang hindi ganun si August.

Nilapag ko yung cellphone ko sa lamesa nang mag-cr ako. Pagbalik ko ay hawak na ito ni August.

"Gustong makipagkita sa'yo ni Jason." Walang gana nitong sabi. "Wala talaga siyang respeto sa relasyon natin."

"Hindi naman ako makikipagkita sa kanya." i assured him. "Wala akong balak." Sabi ko rito.

"I know. But I told him you will."

"What?"

"Tayong dalawa yung pupunta." Masama ang pakiramdam ko sa mga sagot ni August. Halatang galit siya pero alam kong hindi sa akin. Mukhang wala ring balak na ibalik ni August sa akin yung cellphone ko. Nang tumayo na ito ay tumayo na rin ako. Agad niyang pinagsalikop yung mga kamay namin habang palabas sa restaurant na kinainan namin.

Pansin ko na ibang-iba na talaga si August. Marami siyang ipinagbago na I failed to notice. Sa isang taon, mas toned na ang katawan niya, mas matured na siya mag-isip, maloko pa rin pero mas seryoso na siya ngayon kumpara noon.

"Pa-isang suntok lang sa kaibigan mo para sa halik na ninakaw niya sa'yo. Promise pagkatapos niyon, magtatanda na siya at huhupa na yung galit na nararamdaman ko." Pero nandito pa rin yung side niya na pagiging seloso at possessive niya. Seloso pa rin pero kaya na niyang ilugar.

Pagdating namin sa parking lot ay nagulat siya nang hawakan ko ang magkabilang pisngi nito. Tumingkayad ako para mahalikan ko siya sa labi. His features softened.

"Kahit halikan mo ako love susuntukin ko pa rin siya ng isa." Mahina nitong sabi bago niya ako muling hinalikan.

"Isa lang, ah." Pagkasabi ko nun sa niyon sa kanya ay nasilayan ko na kaagad ang ngiti niya sa labi.

"Isa lang promise."

Pero hindi niya iyon tinupad. Kasi dalawang suntok ang natanggap ni Jason nang gabing iyon mula kay August. Isa para sa halik na ninakaw niya at isa pa raw para sa panggugulo sa date namin ngayong gabi.

CUPID NO MOREWhere stories live. Discover now