1: Kaycee's Beginning

4.4K 95 1
                                    




Nangunot ang noo ko habang binabasa ang binigay na misyon sakin ni Mr. E

Mission: Protect and Change Mr. Joshua Avellino.

Rules:
1. Protect Mr. Avellino at all Cost
2. Change Him into a Better Man
3.Watch his moves.
4.Finish the mission without FALLING IN LOVE.

"Avellino's are in trouble dahil sa kagagawan ng Pangalawa niyang anak na si Mr. Joshua Avellino na siyang Proprotektahan mo. While you're doing that. You and Agent Dagger need to stop this trouble understand?" Napatango nalang ako kay Mr. E

"Also you need to conceal yourself."

"What do you mean?"

"Kailangan mong magpanggap na Mahirap. A nerd. To conceal yourself, dahil ang alam ko ay may mga pumapasok sa eskwelahan ng SDIS na mga estudyanteng 'predator' satin." Tumango ako at di na kumontra pa.

-----

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Nakaponytail ang straight at mahaba kong buhok na hanggang baywang, sinuot ko ang nerdy Glasses na pangdisguise. Ang uniform top ko ay kulay pula na may puting necktie kung saan may logo roon ng SDIS samantalang ang palda kong itim na kinairita ko dahil sa kaiksihan ay may pulang kulay sa may laylayan. Naka medyas ng puti hanggang tuhod at nakasuot ng black shoes na may 2 inches heels.

Sinukbit ko ang bag ko sabay baba papuntang sala, naabutan ko si gelly na nakangiti sa salamin.

"Kaycee, sabay na tayo!" Sigaw niya ng nasa labas na ako ng tinutuluyan namin.

Gaya nga ng sabi ni Mr. E. Conceal. Nakatira kami ngayon sa isang Cheap Two storey house na mukhang apartment.

Sumakay na ako sa bike ko sabay lingon sa garahe.

Nakita ko ang motor kong nalulungkot dahil mas pinili pa niya ang bike kesa sa kanya.

Baby, pangako. Pag natapos na to' iyong iyo na uli ako.

Nakasimangot akong nagbike papuntang SDIS.

Alam kong hindi magiging madali ang misyon ito at mukhang ito ang pinakamatagal na misyon na gagawin ko.

Dahil sa malalim na iniisip ay saka ko lang namalayan na nasa harap ko na ang blackboard.

Napabuntong hininga ako at naiisipang mag plug ng earphones pero bago ko mailagay ang huling earphone sa tenga ko ay nahagip ng mga mata ko ang isang Grupong alam kong ikasisimula ng misyon ko.

Devion Sice Neves.

Roven Garces.

Rogen Garces.

Phin Xinos Bravo.

Clarraine Avedilla.

Beatrix Zamora.

Ginno Atienza.

Gia Atienza.

Josefino Strife Avellino.

Joshua Equinox Avellino.

Bumuntong hininga ako saka dinama ang musika na bumabalot sa buong pagkatao ko.

[Titanium by: Sia]

Nagsimula ang klase at naging smooth naman iyon para sakin hanggang sa magbreak na.

Inayos ko ang mga gamit ko at pasimpleng tinitigan si Avellino.

Hinintay ko siyang matapos hanggang sa sabay sabay na silang lumabas na sinundan ko naman.

Hindi ako nagpahalata na sinusundan ko sila hanggang sa makapasok na kami sa cafeteria. Dumiretso na ako sa table na sa harap ko lang din sila nakaupo.

"Aba, excited tapusin kaagad yung mission?" Sambit ni Gelly at umupo sa harap ko

"How's yours?" Kaswal kong tanong habang nakatingin sa kanila

"Well, classmate ko ang akin at katabi ko pa. Yours?"

"Classmate ko din pero di ko katabi dahil kasama niya ang mga yan." Lumingon naman si gelly saglit sabay tingin sakin at ngumiti ng nakakaloko

"Selosa ka! Bruha ka!" I rolled my eyes

"Shut up." Tatawa tawa siyang tumayo

"Strawberry cheesecake, strawberry frappe saka Monster Fries." Tumango siya saka umalis para pumila.

~Phone Ringing...

"The hell you want?" Inis na tanong ko sa kabilang linya

"Ang aga, aga bad mood?" Tatawa tawa siya sa kabilang linya

"Di ako nakikipagbiruan sayo Charles." Seryosong sambit ko

"Easy, gusto ko sanang kamustahin ka. How's your mission?"

"Good." Tipid kong sagot

"Okay, if you want help just call the number of the handsome me ha?"

"Okay, I'll Call the number of the Son of Hell. Psh."

"An--" pinutol ko na ang linya, tatagal lang ang usapan pag siya ang kausap.

"Sino yon?" Tanong ni gellinie habang nilalapag ang order at umupo

"Edi yung aso mo."

"Aso ko? Eh wala namang Cellphone yung aso ko ah?" Napailing nalang ako sa ka-slowan ng isang to.

"Si Charles. Stupid." Binulong ko ang huling salita

"Ah.. Eh di ko naman aso yon eh! Tao yon Kaycee! Tao! Hindi aso! Nako naman kaycee, kailan pa naging aso ang tao?"

"When they fall in love and being a stupidly so loyal to their owner but the owner is cheating secretly to their dog." Natuptop ang bibig ni Gelly sa sinabi ko, sinimulan ko nang kainin ang cheesecake ko.

Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]Where stories live. Discover now