49: End of Darkness

1.8K 44 0
                                    




Kaycee's POV

Kinabahan ako ng malamig..

Paano ang mga anak ko? Ito na ba talaga ang katapusan namin mag ina?

Pumasok kami sa isang double doors.

Bumungad sakin ang maliwanag na paligid, maraming mga tulad nila ang nakikita kong nagmamadlai at may kinakalikot sa kanya kanyang mga laptop.

Lumapit kami sa isang glass chamber at ipinasok ako.

Kinalampag ko ang salamin pero ayaw mabasag.

Tumawa tawa lang si ferry habang nakatingin sakin.

"Hayop ka!!! Walang hiya ka!!! Wala kang puso!!!" Sigaw ko pero alam ko namang di nila naririnig.

May lumabas na usok sa kisame dahilan para mapaatras ako ng konti.

Ng makaamoy ako ng isang matapang na amoy ay nagtakip ako ng bibig kasama ang ilong saka lumapit sa salamin at kinalampag ito.

Nagmamakaawa akong kinakalampag ang salamin para makalabas..

Unti unting umaalon ang paligid, nagsimula akong lumuha ng lumuha.

Napaupo ako sa sahig, tinakpan ko lang ang bibig at ilong ko. Para di malanghap iyon.

Tulong... Ngayon lang ako hihingi ng tulong sayo.. Tulungan mo ko.. Kami.. Kahit ang mga anak ko lang ang iligtas mo kahit na napakaimposible..

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang kcors at sina papa at mama.

Pinaputukan nila ang mga tao.. Nasimulang magkagulo..

Kahit nanghihina ay dahan dahan akong tumayo saka kinalampag ang salamin.

Nagkalat ang dugo sa paligid.. Unti unti akong nilalamon ng usok na ikinabahala ko dahil baka di na nila ako makita.

Binilisan at buong lakas kong kinalampag ang salamin.

Natigil ako sa pagkalampag ng makarinig ng crack. Nakaroon ng maliit na basag ang salamin.

Malakas kong kinalampag iyon hanggang sa unti unting lumalaki ang crack.

SPISHHH!!

Inuubong lumabas ako ng chamber ng tuluyan itong mabasag..

Kaycee!" Hindi ako nakagalaw ng maramdaman ang talim ng kutsilyong itinutok niya sa lalamunan ko.

"Hahaha! Kala mo ba mananalo ka ulit aldrey?! Hahaah!! Mananalo ka nga pero mamamatay naman ang anak at apo mo!!!"

"Ferry!" Galit na sigaw ni papa

"Hahahahaha! Any last words Kaycee?"  Napatingin ako sa mga paa ko at naningkit ang mga mata ko ng makitang may pulang tuldok sa paa ko na gumagalaw.

Inangat ko ang ulo ko saka tinitigan si papa at ang iba, ngumisi ako ng nakakaloko "Do you really want to hear my last word?"

Tumawa siya "Goodnight and see you in hell."

Nabitawan niya ang kutsilyo na gumawa ng ingay, nanigas siya sa likod ko. Nilingon ko siya saka ningitian.

Tumitig siya sa dibdib niyang may dugo saka tumingin sakin bago bumagsak sa sahig at di na gumalaw..

"Tapos na--" agad na nagdilim ang paligid..

Ang Girlfriend kong Secret Agent [COMPLETED]Where stories live. Discover now