TMK 13

6.9K 331 30
                                    



Syempre may disclaimer ito. Ang istoryang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salita at expression na hindi angkop at pangkarinawan sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulay ay di naman sobrang kailangan,so kalma lang! Basta may mga mura dito kaya kung sobrang bait mo , wag mo na basahin to. Medyo hindi matitino ang characters ko dito kaya intindihin mo na lang mana sila sa author haha.


"Anong oras kita susunduin mamaya? Gagabihin ka ba ng uwi?" Tanong sa akin nito pagkababa ko ng motor niya


"Wag na,commute na lang ako Cen. Salamat na lang saka maabala ka pa baliw! Umuwi ka ja lang at maligo hahaha puro libag ka na oh" sagot ko dito na ikinakunot ng noo nito


"Sige sige sige gawin mo yan nang isumbong kita kay Kuya Jawo na hindi ka sumusunod sa akin. Sigurado namang malilintikan ka sa katigasan ng ulo mo eh"pananakot nito na ikinainis ko.



Tatlong linggo! Tatlong linggo na akong binubulabog nitong si Cen. Though sa three weeks na yun ay talagang nakikita ko naman talaga ang effort nito , katulad na lamang nga ng paghatid-sundo nito sa akin na labag sa kalooban ko , ang pagluluto nito ng lunch sa bahay kada sabado o di naman kaya ay ang pagpepresenta nitong maghatid kay Kuya Jawo tuwing may pasok. Dahil nga din doon ay tuluyan niya nang nakuha ang tiwala nila Kuya,  sa isang iglap hindi na lang nanliligaw si gago naging instant guardian ko rin.



"Tsanggalang yan! Oo na!! Alas otso okay na?" Nakasimangot kong sabi dito na ikinangisi naman nito



"Good! Wag ka ngang sumimangot diyan,baka mahalikan kita ng wala sa oras" maangas nitong sabi sa akin na binigyan ko lang ng dirty finger



"Sige na alis ka na ang dami mong sinasabi punyeta ka! Bye Salamat!" Sabi ko dito pero si gago hindi man lang kumikilos at nakatingin lang nang seryoso sa skin


"Ano na naman?!" Singhal ko dito



"Pag naging tayo dapat hahalikan mo muna ako bago ka umalis" sabi nito na medyo ikinatigil ko. Takteng Cen to,ano na naman ba ang trip nito




"Luh! Namumula siya hahahah kinikilig ka na naman sa akin ha" nangaasr nitong sabi sa akin na medyo ikinahiya ko. Naibato ko tuloy sa kanya yung suot kong helmet kanina sabay takbo papasok ng building. Bahala ka sa buhay mong ulul ka! Kami daw? Hahahahha luh



Hindi ka na tuloy namalayan na nakangiti ako hanggang sa makarating sa opisina.



"Tigil-tigilan mo yang kakalandi mo Onse ha, hindi mo ba alam na naiistress na ang mga tao ngayon dahil bago na ang team leader natin"iritang balita sa akin ni Lindsy na ikinataka ko naman




"Ay weh? Hindi na si Trina team leader natin?" Tanong ko dito habang busy ako sa pag-aayos ng gamit ko. Nakakapanghinayang naman at kung kailan naging ka-close ko sa si Trina ay saka pa siya nawala sa pagiging team leader namin.




"Oo eh,magmamigrate na daw sa ibang bansa ang gaga akala mo naman bagay sa kanya. Kastress. Pero ito ang matindi! Yummy at hotness daw yung ipinalit galing daw sa ibang team kaya nga lang daw sobrang sungit daw" kwento pa nito habang ako naman ay tango lang nang tango dahil medyo wala na din naman akong pakialam. Bahala sila sa buhay nila basta swelduhan nila ako,masaya na ako



"Hoy Onse nakikinig ka ba?!" Tanong nito sa akin




"Oo yaan mo na yun! Manahimik ka na lang diyan para hindi ka mapahamak saka itago mo na din yang mukha mo para hindi nakakatakot. Doon ka na sa pwesto mo,, tabi!" Pagtataboy ko dito na sinagot niya lang nang pag-irap. Langya to si Lindsy! Irap irap pa akala mo naman bagay sa kanya, ang sarap lang tuloy dukutin ng mata niya.



Takte Mahal KitaWhere stories live. Discover now