TIMY Chapter 3

14.4K 285 3
                                    


Tumuwid ako ng pagkakaupo. Ilang oras na din akong nakaupo kaya malamang mangawit na talaga ako. Pinisil pisil ko ang bandang ibabang bahagi ng likod ko.

Sakit...

Ilang araw na din akong nago-overtime kaya siguro sumasakit na ang balakang ko pati na ang mata ko. Maghapon ba naman akong nakaupo at nakatutok lang sa computer.

Kailangan ko din kasi itong overtime na to. Malapit na kasi ang pasukan ni Kenji. Kailangan ko ng pera para may pambili ng gamit sa school ang pamangkin ko. Bunsong anak ng Kuya ko si Kenji. Nasa Grade 5 na ito at ang panganay na si Mari ay nasa High School na. Inaanak ko din si Kenji kaya pinangatawanan ko nang maging pangalawang magulang nito. Tutal ay single naman ako at sila lang naman ang sinusuportahan ko at ang Tatay namin, kasama na ang pangalawang asawa nito.

Bukod sa pagiging bread winner ko ay gusto ko ding ipagawa na ang bahay namin. Five-door apartment ito na naipundar ng Nanay ko bago ito iginupo ng cancer.Apat doon ay pina-uupahan namin at sa amin yung pang-lima.

Pero nang biglang nag-asawa ang Kuya Harold dahil aksidenteng nabuntis nito ang girlfriend niya nung College ay sila na ang nag-occupy nung isang pinto ng apartment. Kaya tatlo na lang ang pinauupahan namin.

Isang araw, nagulat na lang kami ni Kuya nang umuwi si Tatay na may kasamang halos kasing edad din niya na babae. Ikinasal na daw sila. Wala naman kaming magawang magkapatid. Kung kasal na sila ano pa bang magagawa namin? Pagkalipas ng isang buwan, napagpasyahan kong kunin ang isang pinto na apartment. Pakiramdam ko kasi, wala akong privacy sa bahay lalo na pag naglalampungan si Tatay at ang asaw1a niya.Isa pa, pakiramdam ko kasi nababastos ang alaala ng nanay ko sa bahay na yun.

Katakut-takot na hingi ng pasensiya ang binigay ko sa nakatira doon sa apartment, lalo pa at hindi naman ito pumapalya sa pagbabayad ng upa. Katakut takot na pagtatalo din ang nangyari sa aming mag-ama sa pagpapaalis ko sa nakatira dun. Sayang daw ang kikitain ng isang pinto. Para matapos na lang ang usapan sinabi ko sa tatay ko na yung upa ng isang pinto ay sa kanya mapupunta at yung upa ng isa ay kay kuya Harold.

Nung una ay ayaw pumayag ni Kuya. Hati na lang daw kami sa bayad sa upa. Sabi ko na lang saka na kami maghati pag nakatapos na ng College si Mari. Mas marami siyang gastos sa akin. Samantalang ako ay sarili ko lang naman ang iniintindi ko.

Minsan naiisip ko, hindi siguro ganito ang buhay ko - namin; kung buhay pa si Nanay. Bigla ko tuloy siyang naalala. Lagi niya ako isinasama pag pupunta siya ng parlor. Kung magpapagupit siya papagupitan din niya ako. Kung magpapa hot-oil siya hindi pwedeng hindi niya rin ako ipapa-hot-oil. Pag nasa department store kami at may nakita siyang damit agad niyang sasabihin - 'bagay yan sa yo'. Hanggang sa bitbit na naman yung damit sa pag-uwi namin.Ang sarap ng buhay ko noong buhay pa si Nanay.

23 years old pa lang ako ngayon, pero ako ang bread winner ng pamilya. Hindi ako nagrereklam. Tanggap ko na ito. Siguro ito talaga ang tadhana ko. Wala na din sa isip ko na makakapag-asawa pa ako. Hindi naman sa dahil sa pangit ako. May itsura din naman ako. Pero hindi ko alam kung ano ba ang problema sa akin. Wala akong nagtatagal na relasyon. Siguro they find me boring. Tanggap ko na rin naman. Na ako, si Janina Star Miranda, ay isang certified 'malas sa pag ibig'.

 Na ako, si Janina Star Miranda, ay isang certified 'malas sa pag ibig'

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.
Till I Met You (COMPLETED) - Wattys2018 LONGLISTحيث تعيش القصص. اكتشف الآن