TIMY Chapter 4

14.1K 337 5
                                    

[CLOUD]

Alas dos na ng madaling araw. Medyo basa ang daan dahil sa ilang oras na walang tigil na pag ulan. At least may dahilan ako kay Mama bakit ngayon lang ako pauwi ng bahay.

Nasa tamang edad na naman ako at hindi lang isa ang pagma may-ari kong negosyo. Hindi naman sa takot pero ayaw ko na lang din na nagbabanggaan pa kaming mag ina lalo pa at may hypertension ito. Bunso ako sa anim na magkakapatid pero ako na lang ang kasama ni Mama sa mansiyon dahil ako na lang ang walang asawa.

Balo na si Mama. Dalawang taon pa lang ako ay namatay na ang aming ama na isang sundalo. Namatay ito nang ipadala ang grupo nila sa digmaan sa parte ng Mindanao. Yung nakuhang pera ni Mama sa pagkamatay ni Papa ay ginawa nitong puhunan. Kumuha ito ng pwesto sa palengke.

Tulong tulong kaming magkakapatid sa pagtulong kay Mama maliban kay kuya Ronnie na nagta training sa pagka sundalo. Eto ang sumunod sa yapak ni Papa. Nang makatapos si ate Carla, napasok ito sa isang real estate company hanggang sa makabisado na nito ang pasikot sikot at magventure na din ang aming pamilya sa real estate. Halos lahat ng kapatid ko at mga asawa nito ay tulong tulong sa pagpapatakbo nito maliban sa akin.

Simula pagkabata mahilig na ko sa mga sasakyan. Basta tungkol sa sasakyan interesado ako agad. Nag crash course pa nga ako ng Automotive. Alam yun ng mga kapatid at Mama ko kaya hindi nila ako napigilan nang magtayo ako ng sarili kong negosyo na lahat ay may kinalaman sa mga sasakyan.

Napansin ko ba medyo mataas ang tubig sa kalyeng dadaanan ko. Minabuti kong umiba ng daan. Sa mga looban ako dadaan. Dahil kung hindi madedelay ang pag uwi ko. Medyo mabigat na din ang talukap ng mata ko. Medyo napalaban ako sa kadate ko kanina. As usual, wild sa kama!

Pagliko ko may tinamaan ang headlight ko. May babaeng tumatakbo papasok sa eskinita. May humahabol dito na lalaki na naka jacket na itim. Babalewalain ko na sana pero parang may nag uutos sa kin na itabi at bumaba ng sasakyan ko.

Itinabi ko ang dala kong Lexus. Bumaba ako ng kotse at saka pinindot ang lock. Mahirap na. Alanganing lugar ang kinaroroonan ko at bihira lang ang dumadaan dito. Hindi ko nga alam ano pumasok sa isip ko at gagawin ko to.

Dahan dahan akong pumasok sa eskinita. Nakiramdam muna ako. May narinig akong sumigaw. Tapos ay tahimik na uli ang paligid. Unti unti akong umabante. Madilim ang lugar. Unti unti kong sinanay ang mata ko sa dilim. Unti unti uli akong umabante. Nakailang hakbang na ko nang may natapakan akong bagay na lumikha ng konting ingay.

Pouch bag....

Pinulot ko ito. Iba't ibang klase ng make ups ang laman.

Nang bigla akong may narinig na kaluskos. Pinakiramdaman ko kung saan ito nanggagaling. Nagtago ako sa isang may kalakihang puno at saka pilit inaninaw ang paligid. Nang may mapansin akong gumagalaw sa bandang kanan.

Mabilis kong tinakbo ang lugar. Nakita ko ang isang lalaki na nasa 30 pataas ang edad. Halos kasinlaki ko din ang katawan nito.Nakaibabaw ito sa isang babae na walang malay.

"Hoy!" sigaw ko.

Lumingon ito sa akin at biglang tumayo. Sinugod ako nito. Nagpakawala ito ng suntok pero nakaiwas ako. Hindi ako natatakot dito. Confident ako na kaya ko siyang patumbahin dahil nag aral ako ng martial arts. Nakailang suntok din ako dito at napapatumba ko naman siya. Pero tila malakas din ito at sanay din sa pakikipaglaban. Naramdaman kong napagod na siya kaya nakasilip ako ng pagkakataon na mapatumba ko siyang tuluyan. Pero bigla itong naglabas ng patalim!

Kailangan ko magconcentrate. Ibang usapan na to. Sumugod ito sa akin. Naiwasan ko ang pag unday niya ng patalim. Sumugod uli ito. Sa pagkakataong ito nahawakan ko ang braso niyang may hawak sa patalim. Nagpambuno kami. Siya para itarak sa kin ang patalim samantalang pilit ko itong inaagaw sa kanya. Sukatan ng lakas. Hanggang sa maagaw ko to. Ang plano ko ay sugatan lamang ito sa hita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Till I Met You (COMPLETED) - Wattys2018 LONGLISTWhere stories live. Discover now