Chapter 6: Hiwalay

14.9K 260 14
                                    

Devirginized By My Ex

Chapter 6: Hiwalay

Joyce Clara's P.O.V.

"Joyce, umamin ka nga. May namamagitan na ba ulit sa inyo ni Kurt?" mapang-intrigang tanong ni Khloie at nameywang pa.

Nire-ready naming dalawa ang kakainin sa dinner. Si Anya ay nasa kwarto. Nagpapahinga. 'Yung mga boys naman ay nagkukwentuhan ng kung ano-ano.

"Wala, Wi," sagot ko. Kumuha ako ng baso at nagsalin dito ng tubig at nilagok ko iyon ng minsanan.

Kinurot niya ako sa tagiliran. "Tse! Magsabi ka nga ng totoo," naka-taas na kilay na salita niya.

Napanguso naman ako. "Wala naman kasi talaga," nakasimangot na sambit ko.

"Wala raw. Pero kung makatitig sa'yo si Kurt kaunti na lang ay lasawin ka na niya." Ngumisi siya.

Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko naman talaga alam kung anong meron kami. Naguguluhan din ako sa kanya."

"Pero nagpaparamdam ba siya sa'yo? Like kakausapin ka niya tapos sasabihin niya na sa kanya ka lang?"

Tumango ako. "Yup. Pero hindi ko naman alam kung paniniwalaan ko ba siya. Mahirap nang mag-assume lalo na may girlfriend pa siya."

"Pero narinig ko sa usapan nila kanina na nag-hiwalay na sila ni Dessery," nakahawak sa babang ani niya.

Nabuhayan naman ako. "Talaga?" masigla kong tanong.

Tumango siya. "Oo. Pero para sigurado ay tatanungin ko mamaya si Sceven ko."

Oo, pwedeng nagkahiwalay na nga sila. Lalo na at nasaksihan ko ang pangyayari doon sa parking lot. Pero pwede ring hindi pa talaga sila naghiwalay. Ni hindi ko naman kasi tinapos pakinggan ang pag-uusap nila.

Desperada na nga siguro ako. Na kahit alam kong maaring masaktan si Dessery ay ikakasaya pa ng damdamin ko kapag hiwalay na talaga sila ni Kurt.

Noong una ay talagang naawa ako sa kanya. Pero tao lang din ako na inaasam na mahalin ng taong mahal niya. Siguro nga selfish ako sa part na iyon.

Inilagay na namin ni Wi ang mga ulam sa la mesa.

"Tatawagin ko lang si Anya. Ikaw naman ay tawagin mo na ang mga boys," utas niya at  pagkatapos ay nagtungo na sa hagdanan.

Naglakad na ako papunta kung saan ang mga lalaki.

"So anong plano mo?" dinig kong tanong ni Jace.

"Aayusin ko muna ang gusot. Pagkatapos ay gagawa na ako nang hakbang para maging sa akin ulit si Joyce," sagot ni Kurt na nagpa-harumetendo sa aking puso.

Napahawak ako sa dibdib ko na malakas na tumitibok ngayon. Totoo ba iyong narinig ko o nililinlang lang ako ng pandinig ko?

"Tama. Dapat ayusin mo muna ang mga kailangan mong ayusin," pagsang ayon ni Sceven.

Nag-iba na ang kanilang topic kaya naman lumapit na ako sa kanila at sinabing kakain na.

Agad namang tumayo sina Sceven at Jace. Na una na silang maglakad.

Binalingan ko si Kurt at napaiwas na lang ako ng tingin nang nakatingin pala ito sa akin. "Kakain na," mahinang saad ko.

Tumalikod na ako at maglalakad na sana nang maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. Iniharap niya ako sa kanya. "Pwede bang ikaw na lang ang kainin ko?" mapang-akit niyang tanong.

Nanlaki naman ang mga mata ko at bahagya siyang naitulak. "Ang pervert mo talaga!" sigaw ko sa kanya.

Tumawa siya ng mahina. "Ang batos walang saplot, Honey."

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Where stories live. Discover now