Chapter 41: Sarmiento

5.1K 143 49
                                    

Devirginized By My Ex

Chapter 41: Sarmiento

Joyce Clara's P.O.V.

Matulin na lumipas ang mga araw. Isang linggo na ang nagdaan.

Nandito ngayon si Kurt at sinusubuan ako. Ewan ko ba sa sarili ko at bigla na naman akong naging clingy. Gusto ko na siya ang magsubo ng pagkain sa akin.

Ngiting-ngiti pa ako habang ngumunguya.

"Are you happy?" he asked. Tinusok niya ang isang cube ng pakwan at isinubo ulit iyon sa akin.

Nasa kusina kaming dalawa ngayon. Kaninang umaga pa siya narito dahil miss na miss na raw niya kami ni baby.

Tumango lamang ako bilang sagot habang ngumunguya pa rin.

Nakita ko ang kislap sa kanyang mga mata. Tila ba nasisiyahan siya habang nakatitig sa akin.

"Masaya ka rin ba?" balik ko sa tanong.

He nodded. "Of course. I'm glad that I can visit the both of you now. Gustong-gusto ko na talaga kayong makita," pag-amin niya.

Napangiti naman ako. "Pero lagi naman tayong nag-uusap sa phone."

Hinawakan niya ang gilid ng labi ko at pinunasan iyon gamit ang daliri niya. "That's not enough, Honey. Mas maganda pa rin kung sa personal," he answered.

Tumibok naman ng bongga ang heart ko sa sinabi niya. Yumuko ako ng kaunti dahil ramdam na ramdam ko ang pamumula sa aking mukha.

Pagkatapos kong kumain ay kinuha niya ang fresh juice na siya pa mismo ang gumawa. Pina inom niya sa akin iyon. Nakatitig lang siya habang umiinom ako.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang biglang pangamba sa kanyang mga mata kaya naman nagtaka ako.

Ibinaba ko ang baso at tumingin ng seryoso sa kanya. "Is there something wrong?"

Tumitig siya ng ilang minuto sa akin bago nagsalita. "Ayaw ko sanang sabihin muna sa'yo ito dahil ayaw kong masira ang araw natin. But keeping things from you is like doing a mistake again." Hinawakan niya ako sa kamay. "Is it fine if I tell it now? But if you don't want, we can talk about it some other time."

Ako naman ang napaisip sa sinabi niya. Isa ang mabuting komunikasyon para sa matatag na pundasyon. Natuto na ako sa mga nangyari nitong nakaraan. Dahil sa hindi pagsasabi ng tapat ukol sa mga ginagawa namin ay nagkaroon kami ng hindi pagkaka intindihan. Kaya naman mas maganda nang malaman ng maaga kung ano man iyon. 

Tumango ako. "You can tell it to me now," I said and give an assuring smile.

Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita.  "Actually, I already know the truth. Noong isang araw ko pa nalaman na hindi nga talaga sa akin ang dinadala ni Dessery." Tumingin siya ng malungkot sa akin. "I will never get tired of saying sorry dahil hindi kita pinaniwalaan noon."

Hinaplos ko ang kanyang mukha. "That's okay. Tapos naman na, at least ngayon alam mo na ang totoo."

"But something is wrong," saad niya at kumunot ang noo.

"What do you mean?"

"You said you know the father of her baby right?"

Tumango ako. "Lucas Hwang," pagsagot ko.

Piniling niya ang ulo niya. "I guess your information is wrong."

Ako naman ang napakunot ng noo. "But we already investigated about him. As far as I can see siya talaga ang ama."

"I also hired an investigator at umamin na rin sa akin si Dessery. Pero sinabi niyang hindi si Lucas ang ama."

"Are you sure?"

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon