Fall Three: ZART

6.2K 171 16
                                    

Fall Three: ZART

“Si Art Sanchez 'yan, 'di ba?” bulong nung isang babae. Bahagyang napayuko ako. “Sino 'yung kasama niya? Girlfriend niya ba?”

“Gaga, mukha bang girlfriend? Baka katulong?” sabat naman nung isa. “Sure akong katulong 'yan.”

“Baka nga, tignan mo naman ang itsura oh.”

Napatingin ako sa itsura ko. Ayo slang naman, a? Ano ba ang masama sa t-shirt at pants? Psh. Lumayo ako ng konti kay Art at nakayukong naglakad. Nakakahiya. Gano’n ba ako kapangit para sabihin nilang katulong ako ni Art? Sumulyap ako sa kanya ng konti. Sabagay kung kasing guwapo naman ba nito ang kasama ko baka nga mapagkamalan akong katulong sa itsura ko na ito.

“Uy, bakit ang layo mo?” Napatingin ako kay Art. May isang dipa na ang layo namin sa isa’t isa. “Kasama mo ako, baka nakakalimutan mo,” natatawang paalala niya at lumapit siya sa akin. Lumayo naman ulit ako.

“Keep distance, please,” sabi ko at pinigil siya.

Kumunot ang noo niya at naniningkit ang mga matang tinignan ako. “Why should I keep my distance?” may bahid ng inis sa tono ng boses niya.

“E, kasi… Ano…” nag-paikot-ikot 'yung tingin ko sa kung saan saang parte ng mall.

“Don’t mind them, okay? Hindi naman totoo 'yung sinasabi nila. Inggit lang 'yan dahil kasama mo ako,” inabot niya sa akin 'yung kamay niya, “Tara nasa P. Fashion daw sila Xel, sabay sabay na tayong mag-dinner.”

“Hahawakan ko ba 'yung kamay mo?” naguguluhang tanong ko.

Tinignan niya saglit 'yung kamay niya at saka  binawi. “No,” mahinang sabi niya at nag simula na ulit na maglakad. Sinundan ko na lang siya.

Pagdating namin sa P. Fashion na abutan naming may kausap or rather nakikipagtalo si Xel sa kausap niyang lalaki.

“Sino 'yang kaaway ni Xel?” tanong ko kay Ericka na natatawa lang na nanonood sa dalawa.

“'Yung lalaking laging nakabunggo kay Xel,” kinikilig na sagot niya.

“Siya 'yun? Guwapo sa malapitan, ha? Ano pinag-aawayan nila?” Nagkibit balikat lang siya. “Xel,” tawag ko.

“Ano?!” inis na balik niya sa akin, “Isay, ikaw pala 'yan. Ito kasing bakulaw na ito pinaiinit ulo

ko.”

“Ayos ka lang?” natatawang tanong ko. Tinignan ko 'yung lalaki. In fairness, guwapo nga talaga at matangkad. “Hi!” bati ko sa kanya, “Isay,” pakilala ko sabay alok ng kamay ko.

“Zeik,” sagot naman niya sabay abot sa kamay ko. “How can you tolerate her annoying voice?” mahinang tanong niya sa akin.

“Sana kapag bumubulong 'yung hindi ko naririnig,” inis na sabi ni Xel, “Art, tara na nga, ilibre mo kami ng dinner. Ginugutom ako nitong bakulaw na ito, e.”

“How dare you call me bakulaw?” inis na tanong ni Zeik.

“Do you even know what bakulaw means?” natatawang tanong ni Art.

“No, but base on how she said it, I’m pretty sure it’s negative. She’s probably insulting me,” sabi niya sabay buntong hininga.

“Wow,” tumingin si Art kay Xel, “Couz, sagutin mo na, 'to. I think bagay kayong dalawa,” mapang-inis na sabi niya.

“Huh! As if,” kinuha niya 'yung mga paperbag niya at hinablot na ang braso namin ni Ericka, “Let’s go, girls. Lalo lang ako nagugutom. Sinabayan pa ng topakin kong pinsan.”

Make Him FallWhere stories live. Discover now