Fall Four: I'm sorry.

5.5K 181 22
                                    

Fall Four: I’m sorry


“Uhm... Ah... Excuse me...”

Okay, lahat ba ng tao rito snob? Wala pang pumapansin sa 'kin dito ah. Nasaan na ba kasi sila Xel and Ericka? Huhuhu. Umuwi na lang kaya ako? Mukhang wala naman 'yung dalawa rito. Tinignan ko 'yung text ni Xel, tama naman 'yung address.

“Uy, Isay!” Napatingin ako sa tumawag sa 'kin, si Art. Feeling close siya, Isay tawag sa akin! Hahaha. “Nakita mo ba si Xel? Medyo nagkakagulo na kasi 'yung mga staff kasi hindi pa dumadating si Xel,” nag-aalalang sabi niya.

“E? Kanina ko pa nga din sila hinahanap ni Ericka, e,” sagot ko sa kanya. Nasaan kaya 'yung loka loka na iyon?

“Ericka? Hindi naman pupunta dito si Ericka, I called her earlier to check if kasama niya si Xel pero may group project daw sila kaya hindi niya kasama,” paliwanag niya.

“Ha?!” gulat na tanong ko, “Hindi ko alam... Pinapunta lang nila ako dito,” mariing na papikit ako.

Tsk! 'Yung dalawa talaga na iyon!

“Hayaan mo na nga.” Kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa niya, tapos nag dial ng number tapos may tinawagan. Shit! Parang nag slow motion 1yung paligid ko. “Xel! Where are you?! What?! Are you okay? Paano na 'tong photo shoot? Okay, okay. I'll try to fix this, get well soon.”

“Ano daw?” tanong ko, para kasing biglang naging worried 'yung expression ng mukha niya, e.

“May sakit daw siya kaya hindi daw siya makakapunta. Now... I don't know how to settle this. Nandito na lahat ng crew. Xel talaga, she should have tell me earlier para na re-sched na lang itong shoot,” huminga siya ng malalim, “What should I do?”

“Ah gano’n ba. Uhm. Sige mauna na ako. Puntahan ko na lang si Xel,” paalam ko. Tumango tango lang siya, pero halatang problemado siya. Kung may maitutulong lang ako, e. Hay.

“Art... Sino itong magandang dilag na ito?” Napatingin ako sa babaeng nakaharang sa dinaraanan ko. “Kapalit ni Xel?”

“Ah... Hindi po. Napadaan lang ako dito,” sabi ko tapos winave ko pa 'yung kamay ko.

“Ah... Yes siya nga 'yung pinapunta dito ni Xel, para maging kapalit niya.” Napatingin ako kay Art, kinindatan niya ako kaya 'yung puso ko nag rigidong na.

“Ayun naman pala, bakit ngayon mo lang sinabi? Kanina pa tayo nag hihintay ditto.” Hinatak ako nung babae, kaya parang natauhan ako.

“E?” Napatingin ako kay Art. Nag mouth siya ng 'Sorry'. Ano ba 'tong gulong na pasok ko?

***

Nangangati na ang mukha ko dahil sa make-up. Feeling ko ang bigat bigat ng mukha ko. First time ko mag pamake up at mag suot ng six inches na heels, kamusta naman, 'di ba? Six inches mga 'te. Naking six footer na ko. 5’4 kasi ang height ko so plus six inches 6’ na, 'di ba? Nung tumayo ako, tiningala na ako nung babae na humatak sa 'kin kanina, hindi naman totally tingala na, as in banat na banat 'yung leeg sa pag kakatingala. HAHAHA. Kasi kanina mag ka-height lang kami, e.

“You look prettier pala pag may make-up, are you a model or something? Bagay 'yung features ng mukha mo even your height sa ganitong work,” puri niya sa akin. Medyo pilit na ngumiti ako, kasi grabe makapuri 'tong si ate.

“Hindi po, e, actually first time ko nga lang po na mag momodel,” sagot ko. Hinawakan niya ako sa mukha, parang uhm, i-chi-cheer niya ako.

“Trust me, everything will be fine basta ngumiti ka lang sa camera or susundin mo 'yung sinasabi nung photographer, if maganda ang kalalabasan ng photo shoot na 'to I’m sure, may next project ka na. Who knows baka maging katulad ka din ni Xel,” sabi niya sabay kindat.

Make Him FallOnde as histórias ganham vida. Descobre agora