Kabanata 8
Pagsunod
Umaga pa lang ay naghanda na si Ady para sa planong pagsunod kay Samuel.
Nagdala siya ng mini backpack upang doon ilagay ang ilang gamit na kailangan niya katulad na lamang ng jacket, toiletries, at siyempre ay ang kaniyang mahiwagang wallet.
Humila lamang siya ng simpleng white tee shirt sa kaniyang walk-in closet at saka shorts na maong, tapos ay nagsuot siya ng sandals bago siya nagpusod ng buhok. Handa na si Adelaide.
"May lakad po kayo, Miss Adelaide?" salubong sa kaniya ni Hera sa hallway, kung kaya't agad niya itong sinenyasan upang magtungo sa nalalapit na CR.
"Bakit po, Miss Adelaide?" usisa ni Hera sa dalaga pagkasara nito sa pinto ng CR.
"Sammy's going to San Roque. Susundan ko. Takpan mo ko kay Mama." direktang pagsambit ni Ady ng kaniyang plano kay Hera.
Agad namang nagliwanag ang mga mata ng katulong na tila may narealize itong bagay.
"Sabi na nga ba e', Miss Adelaide! May gusto kayo doon kay Sir Samuel, ano?" pang-aasar ng maid at kung makangiti pa ito sa bata ay wagas, tapos ay maloko pa nitong tinapik ang balikat ng dalaga.
"Wala akong gusto sa kaniya!" dipensa naman ng dalaga at saka natawa na lang rin sa kaniyang sarili. "Hay, basta, pagtakpan mo ako ha? Pati kay Nana sana..." pagbabalik na ng dalaga sa topic na agad namang tinanguan ng katulong.
"Eh, Miss, paano ni'yo susundan kung gamit niya ang driver niyo?" tanong bigla ng maid at napahalukipkip pa ito sa dalaga.
"Hindi ah, school bus ang gagamitin nila papunta doon. So, ikukuntsaba ko din si Mang Dom. I'll be safe naman kasi I'll be with him."
"Ah, okay po. Pero mag-ingat ka doon Miss, ha. Gusto mo ipaghanda kita ng ilang sandwich?"
Napatango naman kaagad ang babae sa offer ng maid sa kaniya.
Si Mang Dom na lang ang kulang. Bumalik na si Mang Botong sa kaniyang ama kahapon nang mag-overseas ito.
Sinalubong agad ni Nana Sela si Ady nang bumaba ito ng hagdan. "May box na binaba si Daniela kanina, hija. Galing daw sa Mama mo."
Sa tuwing nagbababa si Daniela, ang sekretarya ng Mama ni Ady, ng package sa bahay nila ay ibig sabihin regalo iyon. Either consolation or plain gift from her mother. At palaging excited si Ady sa tuwing sinasalubong siya ni Nana Sela ng ganoong salita dahil mostly designer clothes or bags, and sometimes shoes, ang laman ng box. At napakahilig ni Adelaide sa designer clothings.
Pero dahil focused si Ady sa kaniyang plano ngayong araw at humahanap ng pagkakataong makausap ng pribado si Mang Dom, ay hindi agad naabsorb ni Ady ang sinabi ng matanda.
"Okay po, Nana. I'll eat my breakfast lang."
Naguluhan ang matanda, "Okay ka lang ba, anak?" agad na tanong nito sabay hipo sa noo ni Ady, "Masakit ba ulo mo? Nilalagnat ka?"
Agad napatawa si Ady at saka umiling. She squeezed Nana Sela's hand gently, "Okay lang po ako. I'll check the package na lang pag-uwi ko. May puntahan rin po kasi ako."
Tipid na ngumiti si Nana Sela, "Ay, ganoon ba? Okay sige, magpunta lang ako sa garden at magdidilig." tapos ay nagtungo na sa kabilang direksyon ang matanda.

YOU ARE READING
Forgetting Samuel (One Roof Lovers Duology, 2)
RomanceThere is no other guy like Samuel Dalton. Siya ang tipo ng lalaking babalik sa sistema mo kapag nasa bingit ka na ng tuluyang pagkalimot sa kaniya. And then there's Adelaide, buong buhay niya ay minamahal niya si Samuel from afar. When she finally g...