Kabanata 16
SelosHalos mag-aalas siete na nang makalabas sila Ady sa resto kasama ang mga magulang ni Elias.
Halos ginabi na siya sa pag-uwi dahil sa haba ng highway na nagkokonekta sa Ignacio at Felices, buti na lamang ay hatid siya ng sasakyan ng mga Riego de Dios.
Hindi mapigilang sumagi sa isip ni Adelaide ang buong eksena kasama ang mga Riego de Dios. Puro tawanan at asaran ang naging laman ng hapag. Kwela pala ang magulang ni Elias. Hindi niya mapigilang hindi mainggit. Napaka close ni Elias sa kaniyang mga magulang, lalo na sa kaniyang ina.
Akala niya ay kailangang niyang umakto na parang isang ganap na Garduce nang maupo siya doon, dahil din siguro na-intimidate siya sa kanila noong una. Lalo pa't ito ang unang beses na haharap siya sa mga taong parte ng circle ng mga magulang niya after so many years of hiding. Pero noong naglaon ay naging okay na ang lahat. Sadyang madadaldal lang sila at confident sa mga sarili. No wonder, may pinagmanahan si Elias.
But the Riego de Dioses are good people. They aren't phony like the other families na nakilala ni Ady noon. Makulit ang pamilya ni Elias, and now she's wondering why Elias acted in that way. Not only is Elias an only child, momma's boy pa ito at sanay na pinupuri ng ina sa mga bagay-bagay, kaya at somepoint ay lumalabas siyang attention seeker, but it's not as bad as it sounds.
"Did you enjoy?" tanong ni Elias nang pinagbuksan sila ng pinto ng kotse, ng driver ni Elias na si Mang Kulas. "Pasensiya na kila Mom, gano'n talaga iyong mga 'yon 'e."
Tipid na tumango si Ady. Sincerest gesture niya iyon. Pati dahil nag-enjoy rin naman talaga siya kahit papaano.
Kahit na 50/50 siya doon. 50% ang takot at kaba, 50% ang pagka enjoy niya.
Pwede na rin.
At least hindi sila katulad ng magulang niya na walang ibang pinag-usapan sa hapag kundi business. Aminado siya, minsan na nga lang sila makumpleto, pero parang hindi pa rin kumpleto. May sari-sarili kasi silang mundo. Kaya't laging tahimik ang hapag-kainan nila. Ngayon lamang nakaengkuwentro ni Ady ang kaingayang hapag tulad ng kila Elias. Puno ng kuwentuhan. Nakakainggit.
"Maybe, we can be friends." Mahinang bulong niya sa lalaki at tipid na ngumiti bago siya inalalayang bumaba ng driver. "For real."
Elias' face lightened up as he looked over the opened window. Hindi na kasi siya lumabas pa ng kotse.
"So, see you tomorrow?" malawak ang ngiti niya kay Ady.
Tumango muli si Ady bago nilingon ang driver na nakatingin sa kanilang dalawa, "See you, Ellie." sambit niya, halatang napilitan sa pagsambit ng Ellie dahil may umuusisa. Ady really hated that name.
Napahalakhak naman ang lalaki, bago pinalapit si Ady sa bintana ng kotse. Binigyan siya nito ng isang halik sa pisngi.
For the first time after their deal, hindi yata nainis si Ady sa ginawa nito. She just smiled at his kiss. Like it's just a friendly smack.
Isinara na ni Elias ang tinted window ng kotse nila at nagsimula nang mabuhay ang engine upang makaalis na ang kotse.
Napahinga na lang ng malalim si Ady at napasapo sa kaniyang noo.
"Bahala na." mahinang bulong niya sa sarili. Paglingon niya sa gate ay bukas na ito at naghihintay na si Hera sa kaniyang pagpasok.
"Miss Adelaide, sa'n kayo galing? Kanina pa kayo hinahanap ni Sir." bungad nito sa kaniya na ikinangunot ng kaniyang noo.
"Umuwi na si Dad?" gulat na tanong niya at napalingon sa bahay. Kumpara kasi sa mga previous trip ng ama, masasabi niyang ito na yata ang maiksi kung kaya't ikinagulat niya nandito na ito sa kanilang bahay, kaagad. Kabado na rin baka nakita nito si Elias at ang kotse sa labas.

YOU ARE READING
Forgetting Samuel (One Roof Lovers Duology, 2)
RomanceThere is no other guy like Samuel Dalton. Siya ang tipo ng lalaking babalik sa sistema mo kapag nasa bingit ka na ng tuluyang pagkalimot sa kaniya. And then there's Adelaide, buong buhay niya ay minamahal niya si Samuel from afar. When she finally g...