Chapter 6

374 6 0
                                    

Chapter 6:

WALANG gana akong kumilos. Walang gana akong kumain. Hindi ko magawang ngumiti habang nag-aayos ng buhok ko. Nakaharap ako sa salamin, isang repleksyon ng malungkot na ako ang nakikita ko.

I need to act normal. I need to act like nothing happened.   Alam kong mahihirapan ako pero anong magagawa ko? Pinili ko ito. Kasalanan ko kung bakit kailangan kong maghirap. Pero bakit lagi ko nga bang sinisisi ang sarili ko? Hindi ko naman kontrolado lahat. Hindi ko naman alam na mahuhulog ako sa katulad niya. Hindi ko alam. Wala akong kaalam-alam sa lahat ng pwedeng mangyari.

Hinanda ko na ang ngiti na isasalubong ko sa kanya. Binuksan ko ang gate at katulad ng nakasanayan, hinihintay na agad niya ako sa labas.

I smiled at him. Oo, ngumiti ako kahit sobrang sakit. Kahit na nahihirapan ako. "Good morning."

Tumango siya at tinignan lang ako. Ni hindi man lang siya ngumiti. Malabo. ba talaga na magugustuhan niya ang isang katulad ko? Bakit hindi ko siya mapangiti lagi? Hindi ba talaga ako ang taong makakapagpangiti sa kanya sa lahat ng oras? Siguro... siguro kailangan ko ng mag-move-on. Kailangan kong linisin ang nararamdaman ko para sa kanya. Para sa friendship namin.

Kinuha niya ang bag ko at siya na ang nagbuhat.

Inabutan ko siya ng tuna sandwich. "Breakfast?"

He smiled. I was shocked. Hindi pa rin ako sanay na ngumingiti siya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Sobrang lakas ng tibok.

"Hindi ako nagbreakfast kasi alam kong bibigyan mo ako."

My heart skipped a bit. Hindi ko na naman mapigilang umasa. Bakit kasi ganito siya makitungo sakin? Bakit?

Kinuha na niya ang sandwich at kinain. Binagalan ko kumain para hindi ako magkaroon ng rason para magsalita. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko. Hindi ko talaga alam.

Hinatid niya ako sa classroom ko. Inabot niya ang bag ko sakin. Kinawayan ko naman na siya para makapasok na ako sa loob.

"Half day, 'di ba? Hintayin mo ko sa canteen mamayang uwian. Baka ma-late ako, e. Kukuha ako ng book sa library..."

Tumango ako. Niyayakap ko ang bag ko. "Okay. I'll wait..."

Yeah, I'll wait. Maghihintay ako hanggang sa magustuhan mo rin ako pero mukhang malabo. Kailangan ko na atang tumigil sa kakaasa. Baka pumuti na ang mata ko wala pa rin. Baka namumutla na ako hindi pa rin niya ko kayang mahalin.

Fuck! Habang lumilipas ang araw, lalo akong nahuhulog. 'Yong 'like' lang dati, ngayon 'love' na. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit hindi ko mapigilan?

May in-announce lang saglit ang advicer namin bago kami hinayaang lumabas na para tignan ang resulta. Kailangan pa daw naming bumalik ng classroom para sa bigayan ng certificate.

Agad kong sinukbit ang bag sa balikat ko. Lumabas na ako kasama si Mel. Daldal na naman siya ng daldal. Kinukwento niya kung paano raw nag-emote si Jepoy sa kanila dahil sa biglaang paghila sakin ni Aaron.

"Grabe talaga 'yang si Jepoy. Nasira niya 'yong isang mono block natin sa tambayan. Kawawa tuloy siya kay Lordan."

I laughed. "Siraulo talaga 'yong mga 'yon. Palibhasa alam nilang si Lordan 'yong nagbibigay ng mga gamit sa tambayan."

Nagpatuloy-tuloy lang kami sa pag-uusap tungkol doon. Hanggang sa napunta ang usapan sa exam.

"Nahirapan ka?" Aniya.

Umiling ako. "Honestly, hindi. Tinuruan ako ni Aaron."

"Wow naman! 'Yong totoo, anong relasyon mayroon kayo?"

Reminiscing[COMPLETED]Where stories live. Discover now