Chapter 7

356 7 0
                                    

Chapter 7:

KATULAD ng napag-usapan, nagkita kami ni Aaron sa canteen n'ong uwian na.

Pagdating ko sa canteen, nandoon na agad siya. Pumunta ako sa kinaroroonan niya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Baka mahalata niyang umiyak ako, namumula pa kasi ang mata ko. Pinipilit ko talagang hindi kami magkatinginan.

"Saan ka galing?" Aniya.

"Diyaan lang. Don't worry, hindi kami lumabas ng school." I said smiling.

Tumango siya at seryoso pa rin akong tinitignan. I avoided his gaze. Pilit niyang hinuhuli ang mata ko. Hinawakan niya pa ang baba ko para magkasalubong ang mga mata namin.

"Bakit namumula 'yang mata mo?"

I smiled. "I don't know. Basta  sumakit na lang bigla kanina tapos kinusot ko."

He looks so worried. Pilit niya pa ring sinusuri ang mukha ko. Kalaunan ay bumuntong-hininga na lang siya at kinuha ang bag ko.

"Let's go." Aniya.

Tumango ako at sumunod na sa paglalakad sa kanya.

Buong paglalakad namin pauwi, hindi ako umiimik. Pati siya ay tahimik lang din. Wala kaming kibuan.

Nasa daan lang talaga ang mata ko. Ni hindi ko siya binabalingan ng tingin.

Tahimik niyang iniabot sa akin ang bag ko. Nginitian ko siya at kinawayan.

"Bye, Aaron."

"Bye..."

Nanatili pa rin siyang nakatayo sa harap ko. Nakakunot ang noo niya.

"Ayaw mo pang umalis?" Sabi ko habang tumatawa. I need to act normal kahit na may bumabara na sa lalamunan ko.

Tumango lang siya at tumalikod na. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Nagsimula na siyang maglakad palayo habang nasa bulsa ang kamay niya at sa isang balikat lang niya nakasukbit ang bag.

Nang makalayo na siya, tumakbo ako. Tumakbo ako. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa marating ko ang lugar na nakasanayan ko ng puntahan.

Dire-diretso ang pasok ko sa loob ng tambayan namin. Dito na lang ako makakahanap ng kakampi. Dito na lang ako malayang makakaiyak. Dito ko makikita ang mga taong magpapagaan ng loob ko.

Naabutan ko silang nakaupo sa foam na nilatag nila sa lapag. Tumutugtog ang malaking speaker at kanya-kanya sila ng ginagawa.

Si Mel ang unang nakapansin sakin. Napatayo agad siya at nilapitan ako kaya napatingin na sakin ang lahat.

"Jev?"

Tinakbo ko ang distansya namin ni Mel. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sinuklian naman niya ang yakap ko kaya lalo akong naiyak. Hagulgol ko lang ang naririnig sa buong tambayan. Pinatay na nila ang speaker na kanina'y maingay. Lahat ng mata ay nasa akin lang.

Patuloy na hinihimas ni Mel ang likod ko pati ang buhok ko. Hindi ko matahan ang sarili ko. Kusang lumalabas ang mga luha sa mata ko kahit na pinipigilan ko na. Sa iyak ko na lang nilalabas ang lahat ng sakit.

Walang umimik sa kwarto na iyon. Walang nagtangkang magsalita hanggang sa tumahan ako.

Inalalayan ako ni Mel na umupo sa malaking foam. Agad na humawi ang mga lalaki para makaupo ako. Para magkaroon ako ng malaking espasyo. Inabutan naman ako ni Jepoy ng tubig. Tinanggap ko iyon at hindi na nakapagsalamat pa.

Tinignan ko ang mga kaibigan ko. Lahat ng atensyon nila ay nasa akin. Puro katanungan ang nasa mukha nila pero pinigilan nila ang kanilang sarili na magtanong. Minsan lang ako maging ganito. Madalas kasi kapag umiiyak ako, gusto kong walang nakakakita kaya bago lang sa kanila ang ganitong eksena.

Reminiscing[COMPLETED]Where stories live. Discover now