Chapter 1

79.3K 1.8K 23
                                    

After eight years..

 “CELENE you're so beautiful with that gown!”

Ramdam niya ang pamumula ng psingi niya. This is her first time to wear a gown, a wedding gown actually. And it feels like she was in a fairy tale story with a happy ending.

“Really?” nakangiting tanong niya kay Lemon.

“Of course! Do you think I’m just kidding? You are really beautiful. Kahit naman, you know na baklita aketch, marunong pa rin ako maka-appreciate ng looks ng babae ‘no!” tinapik pa siya nito sa balikat.

Humarap siya sa human size mirror. Lemon is right. She is really beautiful. Para ngang ibang tao ang nakikita niya sa salamin. She is like Cinderella or Snow White in her gown.

“See? Nagulat ka ‘no? I told you, I can make you a goddess.” Pagmamalaki ni Lemon.

Lemon is actually her bestfriend “Emon’. Nasanay na siyang tawagin itong ‘Lemon’ dahil lumantad na naman ito sa publiko. Tanggap na rin daw kasi ng ama nitong militar ang pagiging bading niya. And Lemon is really proud of himself dahil ngayon ay isa na itong sikat na fashion icon and make up artist

“I know how good you are Lemon. Okay?” aniya.

Two months ago, nag-propose na sa kaniya ang two years boyfriend niyang si Gino Soriano.

Nakilala niya si Gino sa isang gathering kung saan isinama siya ni Lemon. He is handsome and super kind. Wala na siyang mahihiling pa rito dahil lahat ng gusto niya ay ginagawa at ibinibigay nito sa kaniya.

At napagpasyahan na niyang lumagay sa tahimik. Handa na naman siyang magpakasal. Lahat ng katangian na gusto niya sa isang lalaki ay nakita niya kay Gino kaya hindi nakapagtatakang minahal niya ito agad.

She has a stable job. She is managing one of their family owned-restaurants. After she graduated business management ay ipinaubaya na sa kaniya ng ama niya ang isa sa chain of restaurants nila.

"Bestfriend, do you really love Gino? Tell me.."

Dumako ang tingin niya sa seryosong mukha ni Lemon. "Yeah. Why?" Nagtatakang tanong niya.

"I can't see any spark on your eyes. Are you really sure to that wedding? Are you really happy?" Nag-aalangang tanong nito.

Tumango siya. "Yeah. I'm sure of it. Teka, bakit ba ganyan ang mga tanong mo?". Lalong kumunot ang noo niya.

"Never mind. Basta Celene, I want you to be happy. Okay? Think harder. Mas makakabuti kung pakakasalan mo si Gino dahil mahal na mahal mo rin siya. Hindi lang dahil napapasaya ka niya at napupunan lahat ng kailangan mo." Payo ni Lemon.

Pilit siyang ngumiti. "I'm sure of it. Okay? I love him." Aniya.

Ang totoo'y parang bigla ay nag-dadalawang isip na siya sa kasal na alok ni Gino sa kaniya dahil sa sinabi ni Lemon. Does she really love Gino? Or she just love him because he can make her happy? Napailing siya sa naisip.  

 

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon