Chapter 5

64.9K 1.3K 12
                                    

MAAGANG gumising si Celene dahil nagkayayaan sila ni Lemon na mag-jogging at maglaro ng badminton sa malapit na park sa condo nila.

Linggo kasi ng araw na iyon kaya wala silang pasok pareho. Tumatak na sa isip niya ang mga pangaral nito nang nakaraang gabi. Hindi na lamang muna niya iisipin si Gino para hindi na siya ma-depressed.

"Ang sexy mo talaga Celene!" Puri ni Lemon sa kaniya nang makalabas siya ng kwarto niya. She's wearing her racer back sleeveless at jogging pants.

"So you mean, nararamdaman mo na ding lalaki ka at naaakit ka na sa akin?" Pang-aasar niya.

"Eww ha! I can't imagine that. Hoy babae, hindi porket pinuri kita ay na-a-attract na ako s'yo! Actually, naiinggit nga ako 'no! Sana ganyan din ang body ko." Nagmustra pa itong parang sexy model.

“Para kang ewan! Tara na nga bago pa tayo abutin ng sikat ng araw.” Yaya niya rito.

~

“SO kadiri naman this pawis all over my sexy body!”

Natatawa na lamang si Celene sa pag-iinarte ni Lemon. Dinaig pa siya nito sa kaartehan. Nakatayo sila roon sa makulimlim na sulok na parte ng park na iyon. Pawis na pawis na sila dahil katatapos lamang nilang mag-jogging. Ngayon naman ay stretching ang ginagawa nila.  She used to stretch her body dahil matagal na mula pa nang huli siyang makapag-exercise. Lagi kasi silang lumalabas ni Gino every Sunday.

“Oh my gee! Guess who’s walking towards us. Clue; tall, dark and handsome!” impit na sigaw ni Lemon saka siya napatingin sa direksiyong itinuturo nito.

Pagtingin niya ay ang mala-greek god na ka-guwapuhan at kakisigan ni Ches ang natanaw niyang papalapit sa kanila. Paano naman nito nalamang naroroon sila sa park? But in her curiosity, there something in her heart that felt happy after seeing him again.

"Hi." Bati nito sa kanila.

"Hello Papa Ches. So, talagang seryoso ka sa sinabi mo na pupuntahan mo si Celene?"

Tumango ito saka ngumiti sa kaniya. Kumunot ang noo niya. "What is the meaning of this Lemon? Don't tell me ikaw ang nagsabi sa kaniya na narito tayo sa park?"

"Absolutely!"

"Echoserang bakla ka talaga."

"Your so gorgeous in that jogging attire of yours." Puri nito sa kaniya habang pinapasadahan siya ng tingin.

"Ako Papa Ches? Hindi ba gorgeous?" Singit ni Lemon.

Ngumisi lamang si Ches sa sinabi ni Lemon dahil nakatutok pa rin ang mga mata nito sa kaniya.

"Don't look at me like that." Naiilang siya sa klase ng pag-tingin nito sa kaniya. Para kasi itong nang-aakit at nagsasabing raawr!

"Para ka kasing tanawin na ang sarap pagmasdan."

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon