Chapter 2-Mother-Daughter Talk

1.6K 27 3
                                    

Chapter 2

"Sapphire?" mahinang tawag ni Dawn mula sa labas ng kwarto ni Sapphire.

"Pasok po." sabi ni Sapphire.

Pagkapasok ni Dawn ay naabutan niya ang anak na matamlay.

"Sapphire, alam kong nahihirapan ka dahil kailangan mong magpakasal kay Justin. Alam ko naman na pangarap mo ang makasal sa one true love mo pero kailangan mong intindihin na para ito sa kompanyang itinayo namin ng daddy mo at ng mga magulang ni Justin. Ano nalang ang mangyayari kung magpakasal ka sa ibang lalaki at si Justin naman ay magpakasal sa ibang babae? Baka pag-agawan niyo pa ang kompanya pagdating ng panahon." pagpapaliwanag ni Dawn sa anak.

"Naiintindihan ko po pero paano naman po ang kaligayahan namin ni Justin? Hindi po namin mahal ang isa't-isa." pagdadahilan ni Sapphire.

"Pero diba si Justin ang first love mo?Hindi mo na ba siya mahal?" tanong ni Dawn.

Natahimik naman si Sapphire. Mahal pa kaya niya si Justin? Pero kahit kailan naman ay hindi nalaman ni Justin na minahal siya ni Sapphire dahil iniwan niya si Sapphire noon.

"Hindi na po." hindi siguradong sagot ni Sapphire.

"Pero pwede mo siyang matutunang mahalin muli dahil hanggang ngayon wala ka pa namang ibang lalaking minahal, diba? Baka nga kung hindi siya umalis ay naging kayo eh," sabi ni Dawn.

"Imposible po yun. Isa pa po, hindi naman po yata ako minahal ni Justin eh." malungkot na sagot ni Sapphire.

"Pero kailangan niyo pa ring magpakasal kahit para na lang sa amin ng daddy mo at ng Tita Jacklyn mo."

"Opo, wala naman po akong magagawa, diba?"

"Alam mo anak, kahit naman hindi na matutupad ang pangarap mo na ikasal sa iyong one true love, pwede pa rin namang matupad ang dream wedding mo eh. Sa dinner natin mamaya kasama ang mga Montemayor, pagpaplanuhan na natin ang kasal ninyo dahil darating din ang magiging wedding planner." excited na sabi ni Dawn.

"Sino po ba ang kinuhang wedding planner?" matamlay pa ring tanong ni Sapphire.

"Hindi ko pa alam dahil si Jacklyn ang kumuha sa kanya. Pero sabi ni Jacklyn na magugustuhan mo daw ang magiging wedding planner. Sapphire, maiwan na muna kita dahil kailangan ko nang maghanda. Maghanda ka na rin dahil aalis na tayo."

"Sige po."

Hmm...Ano kaya ang mangyayari sa muling pagkikita ni Justin at Sapphire? 9 years na rin ang nakalipas mula nung huli nilang pagkikita. Magkaka-ilangan kaya sila? Mahal pa nga ba ni Sapphire si Justin? Totoo bang kahit kailan ay hindi minahal ni Justin si Sapphire? Bakit kaya biglang umalis si Justin papuntang Amerika noon?

Lahat ng mga tanong ay masasagot sa mga susunod na chapters.

Author's Note: Salamat po sa lahat  ng mga nagbabasa nitong story na ito. Sana po nagustuhan ninyo. :)

One True LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin