Chapter 18
Justin's POV
Justin's office...
Nandito ako sa office habang nag-iisip ng paraan kung paano ako makikipag-ayos kay Sapphire nang may kumatok.
"Sir,nasa labas po si Ms.Kim.Hinahanap po niya kayo.Papapasukin ko po ba?"-Enchong
Ano nanaman kaya ang gusto ni Kim?!
"Sige,papasukin mo."
"Justin,pwede mo ba akong samahang magpa-check up?"-Kim
"Marami pa akong gagawin."
"Baka naman pwede mo munang iwan yung trabaho mo para sa anak natin."-Kim
"I said no.Hindi mo naman kailangan ng kasama pag magpapa-check up ka."
"Please,para naman ito sa baby eh." sabi ni Kim na parang naiiyak na.
"Sige,pero para lang sa baby."
~~~~~
Sapphire's POV
Sapphire's office...
"Hi sis!" sabi ni Shin pagkapasok nila ng office ko.
"Hello.Tara na?"
"Alam ba ni Justin na magpapa-check up ka?"-Meg
"Hindi."
"Sis,karapatan niyang malaman if ever man buntis ka nga."-Yeng
"Hindi ko pa siya kinakausap.Hindi ko pa kayang tanggapin ang sitwasyon."
"Sige,kung yan ang gusto mo.Pero paano kung totoong buntis ka nga?"-Shin
"Hindi ko pa alam.Mamaya nalang natin ituloy ang usapan.Tara na muna dahil baka ma-late pa tayo sa appointment sa doctor."
~~~~~
hospital...
"Congratulations Mrs.Montemayor!You are 4 weeks pregnant!"-Dra.Chua
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung sinabi ni Dra. na buntis ako.Masaya ako dahil buntis ako pero nag-aalala din ako sa kung ano ang mararamdaman ng anak ko pag nalaman niyang may kapatid siya sa ibang mommy.
Habang naglalakad na kami papunta sa parking lot ay biglang sumigaw si Yeng.
"OMG!"-Yeng
"Bakit?Anong nangyari sa'yo?"-Shin
"Diba si Justin yun?" sabi ni Yeng sabay turo sa direction ni Justin at Kim na kalalabas lang ng isang clinic.
"Anong ginagawa nila dito?Bakit magkasama sila ni Kim?"-Shin
"Baka sinamahan ni Justin si Kim na magpa-check up."-Yeng
"Bakit niya kailangang samahan si Kim?!"-Shin
"Makakatikim na talaga sa akin si Justin!Sinamahan niya si Kim,samantalang hindi pa siya nakikipag-ayos kay Sapphire!" galit na sabi ni Meg.
Habang nag-uusap silang tatlo ay tahimik lang akong naluluha.Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko.Paano kung lumaki na ang anak ko?Paano niya tatanggapin na may kapatid siya sa ibang mommy?Paano kung magkaroon ng pagkakataon na kailanganin ng anak ko at ng anak ni Kim si Justin nang sabay?
"Sapphire,okay ka lang?"-Meg
"Oo,okay lang ako."
"Tara mag-lunch na tayo."-Shin
"Sige,gutom na ako eh."-Yeng
![](https://img.wattpad.com/cover/14426252-288-k136664.jpg)
YOU ARE READING
One True Love
FanfictionBata palang si Sapphire, pangarap na niyang makasal sa kanyang One True Love. Ano kaya ang mangyayari kapag malaman niyang ipinagkasundo na siya ng kanyang mga magulang sa kababata niyang si Justin? Published-May 24, 2014