KABANATA 1

1 0 0
                                    

Linggo na ngaun
Nag ayos nako ng buhok ko at nag suot ako ng simpleng Dress at headband
Mahilig ako magsuot ng headband ksi mahaba ang buhok ko

"Cara, lumabas kana dyan sa kwarto mo" pagtawag Sakin ni Mama
"Opo ma eto napo"

Aalis kmi kasi ipapasyal ako ni Mama sa park para daw makalabas naman ako hindi ung laging nandito lang sa bahay at naglalaro ng mga laruan ko

Lumabas nako ng Kwarto at nakita ko ang mommy ko Naka black Dress
"Nko ang ganda ganda talaga ng anak ko" sabi ni mommy habang nakangiti
"Salamat ma, Eh kanino pa ba naman ako magmamana diba?" Sabay tawa ko

Sumakay na kami sa sasakyan ni mama papunta sa park di nakasama si Papa ksi Busy sya sa trabaho

Mayaman kami may sariling companya ang mga magulang ko
Kaya palagi silang busy para palaguin ang companya namin

"Ma'am nandito napo tayo" Sabi ng driver namin
At hininto nya na ang sasakyan
Malapit lang pala itong park sa bahay namin pwede ng lakarin pero ang gusto ni mommy tuwing Aalis kami Kailangan naka sasakyan

Naglakad kami ni Mommy sa park hinayaan nya Kong maglaro doon Nakakita ako ng Isang swing na gawa sa Gulong Na nakasabit sa Isang Puno
Umupo ako sa duyan na iyon
Habang si mommy naman ay Nakaupo lang sa upuan na malapit kung saan ako nag swswing

Maghapon kaming nandun ni mommy

"Anak uwi na tayo nak hapon na" pagtawag sakin ni mommy
"Ok po ma"

Sumakay na kami sa sasakyan papauwi   Pagkadating namin sa bahay dumeretso nko sa Kwarto ko at nagbihis ng Pambahay isang simpleng t shirt at Shorts lng ang sinuot ko at
Wala nkong nagawa kundi Maglaro nalang ng aking mga laruan
Wala akong kalaro ksi only child lang naman ako eh

Pagdating ng Gabi Dumating na si Papa at Nag hapunan na kami
Nag usap lng kami ng konti
At uminom nako ng gatas
At binasahan ako ni Yaya ng Libro hanggang sa makatulog ako

Kinabukasan
Wala akong pasok ksi kuhaan ng card namin si Papa na ang kumuha ng card ko sa skwelahan

Ilang sandali lng ay dumating na si daddy
"Nasan si Cara?!" Tanong nya sa mga katulong namin halatang galit sya dahil tumaas ang Tono ng boses nya
Tinawag ako ni Yaya sa Kwarto ko
At agad naman akong pumunta ng sala
Nakita ko si papa at nandun din si mama
Seryoso ang mukha ni mommy
Habang nakakunot naman ang noo ni Daddy at halatang galit sya sakin
"Cara, Ano toh?" Sabi ni daddy habang nakakunot ang noo nya
Sabay abot sakin ng envelope na naglalaman ng report card ko
Pinakita nya sakin ang grade ko
"Bat may 78 at 75 ka sa Math at Science ha?" Biglang sabi ni mommy mahinahon nyang sinabi un pero halata parin naman sa mukha nya na galit din sya sakin
Napayuko ako "Sorry mom, dad Babawi nalang po ako sa next quarter"

"Babawi ka?!,Papano ka magkaka honor kung 2nd quarter palang may bagsak kana! Kailangan mong taasan yang grade mo at mag Aral ka ng mabuti ksi balang araw sayo namin ipapamana ang companya natin ikaw mag mamana nun. nung nag aaral ako Hindi ako Kahit kailan man nagkaroon ng Line of 7 sa card pati rin yang mommy mo matalino din yan kaya diko talaga alam kung saan ka nagmana" sav ni Daddy
Namuo na ang luha ko sa aking mga Mata sa sinabi sakin ni Daddy
At napansin naman un ni mommy

"Rafael tumigil kana" Anya
"Bakit? Masama bang pagsabihan ko yang anak mo?" Sav ni daddy habang nakakunot ang kanyang noo
"Di naman pero....." Sav ni mommy
"Ikaw Cara ahh ayus ayusin mo yang grade mo ksi wala Kong anak na bobo" anya.

Napaiyak ako sa sinabi ni Daddy
Nag walk out ako tumakbo ako  ng bahay sinubukan akong habulin ni Mommy pero binilisan ko ang takbo ko papalabas
At naisipan kong pumunta sa Park
Tumakbo ako habang patuloy paring Tumutulo ang luha ko sa mga Mata ko

Nang nakarating ako sa park nagpunta ako sa duyan na gawa sa Gulong na nakasabit sa Puno kung saan ako naglaro kahapon

Hindi ako umupo sa duyan umupo ako sa ilalim ng puno pinatong ko ang braso ko sa tuhod ko at ibinaba ko ang ulo ko at umiyak
ng umiyak
"Huhuhuhu"  rinig na rinig ang pag hagul gol ko
At bigla akong nilapitan ng isang batang lalake
"Uy, Ok ka lang ba bata?" Anya
Unti unti kong inangat ang ulo ko para tignan sya nakasuot sya ng Pambasketball na Sando at shorts at meron syang dalang cellphone at nakasuot din sya ng earphones
"Umm.. Oo...." Sabay punas sa luha ko
"Sigurado ka?" Sabi nung habang seryoso ang kanyang mukha
"Oo..." Sabi ko habang patuloy ko paring pinupunasan ang luha ko
"Mukhang Hindi ka ok. Ksi Nakaupo ako dyan (tinuro nya ang kabilang side nung punong sinasandalan ko) tas narinig kitang umiiyak"
"Ahh sorry..." Sabi ko
"Ndi ok lng" anya
Sabay nagtanong sya "bakit kaba umiiyak?" Anya
"W-wala toh" sabi ko
"Alam mo ang ganda mo pa nmn di bagay sayo ang umiyak" sabi nya sabay ngiti
"W-weh? Binobola mo lng ata ko ehh" sabay tumawa ako ng konti
"Oo maganda ka nga
Oh tamo napatawa kita bagay sayo ngumiti ndi umiyak" Anya
At sabay pinarinig nya sakin ang kantang pinapakinggan nya sa earphones nya
"Heto para tumahan ka Kahit papano makinig nalang tayo ng music" sabi nya habang nginitian nya ako
"Paborito Kong kanta yan" Anya
"Ah, Alam ko yang kantang yan"
Pinatugtog nya ang Buko by jireh lim
"Paborito ko rin toh" sabi ko sabay ngiti
At kinanta namin ito ng sabay

"Kung inaakala mo
Ang pag ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa Bato dumaan man ang maraming pasko Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ako marinig ikaw parin ang BUHAY KO~"

Natigil ako sa pag iyak dahil cinomfort nya ko sa pamamagitan ng pagpaparinig nya sakin ng paborito Kong kanta
"Salamat ah" sinabi ko sabay nginitian ko sya
"Wala iyon" anya sabay tapik sa likod ko

At bigla nalang akong nagulat nanlaki ang mga Mata ko at napanganga ko, tinakip ko ung kamay ko sa bunganga ko nang nakarinig ako ng isang pamilyar na boses

"Caraaa!!!!" Nang lumingon ako para tignan Kung sino yun
Nanlaki ang mga Mata ko ng nakita Kong si Yaya un at hinahanap nya ko
"Uy sino tinitignan mo?" Sabi nya
"Ahh.. W-wala" sabi ko at binalik ko ulet ang atensyon ko sa kanya
"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong nya
"Umm... Ako si..." Naputol ang sinasabi ko nang may biglang humatak sa kamay ko
Nang tinignan ko kung sino un nakita ko si Yaya
"Halika na ikw talagang bata ka umuwi na tayo kung saan saan kana hinanap ng Mga magulang mo buti natagpuan na kita nandito ka lng palang bata ka" anya habang nakakunot ang kanyang noo
Bigla nya Kong hinila ng malakas papunta sa sasakyan  habang hinahatak nya ko ay nililingon ko ung batang lalakeng kausap ko kanina
Nakita ko syang nakatingin sakin habang lumalayo ako sa kanya

At ng nakarating na kmi sa sasakyan ay pilit nya na akong pinasakay doon

Nang makarating kmi sa bahay ay nakita ko agad ang mga magulang ko doon sa sala
"Alam mo bang kung saan saan ka naming hinanap anak wag mo na ulet gagawin un ahh papano kung may mangyaring masama sayo? Buti agad kang nakita ng Yaya mo" Sabi ni mama habang nakaupo sa harapan ko at hinahawakan ang mukha ko
Kitang kita ko sa mga Mata ni mama na nag alala talaga sya para sakin

Nang tumayo na si mommy ay umupo din si Daddy
"Anak pasensya kana sa mga sinabi ko kanina sayo ahh Ang gusto ko lng ksi ay mag Aral ka ng mabuti at taasan mo yang grade mo ng sa ganon ay malayo ang marating mo sa buhay tulad naming dalawa ng mommy mo. Sorry ulet anak ahh" sabi ni Daddy habang hinahawakan ang aking buhok at halata rin sa kanyang mukha ang pag aalala  nya para sakin dahil sa ginawa ko kanina

"Sige anak magpahinga ka muna sa kwarto mo" sabi ni mommy
"Cge ma"
At agad akong pumunta sa aking kwarto para makapag pahinga.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Aug 06, 2017 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

The Tree Où les histoires vivent. Découvrez maintenant