CHAPTER 18

1.4M 30.5K 7K
                                    


Hi to Jelian Pangatungan, Daniela and Leonila Atega. And hello to Kriz and Pia. 


CHAPTER 18

HINIHINGAL NA BUMAGSAK ang katawan ni Gladz sa malambot na kama saka napangiti kaagad ng niyapos ni Pierce ang katawan niya samantalang katatapos lang nilang magtalik. Pierce really is incorrigible when it comes to sex. He just won't stop until he's tired.

"I'm tired." Kaagad niyang sabi para pigilan ang binata na alam niya ang tinatahak ng isip.

Mahinang natawa ang kasintahan saka hinalikan siya sa braso patungo sa balikat niya saka bumulong, "mamaya ulit?"

Kinurot niya ang binata sa tagiliran. "Palagi mo nalang akong pinapagod."

Pilyong ngumiti ang binata, "gusto mo naman palagi kapag pinapagod kita."

Mahina siyang natawa sa sinabi nito. "Oo na, gusto ko na." Pag-amin niya, "pero ayoko munang mapagod okay? Tess wants to see me tonight. Pag-uusapan daw namin ang kasal niya."

Kaagad na nalukot ang mukha ni Pierce. "Akala ko ba akin ka for the whole weekend? Bakit makikipagkita ka pa sa kaibigan mo—"

"Pierce—"

"Gusto kitang ipagdamot sa kanila."

"Pero hindi mo gagawin." Aniya saka nginitian ang binata. "Tama ako di'ba?"

Bumuntong-hininga ito ng malalim saka tumango. "Hindi naman ako ganung klaseng boyfriend. You're free to do whatever you want...just...call me afterwards, okay?"

That put a bright smile on her face. He's really a keeper. Thoughtful and understanding. Wala na siyang hahanapin pa. "Thank you."

"Anything for you, Hon." Masuyo siyang hinalikan sa mga labi ng binata, "basta tawagan mo ako para hindi ako mag-alala sayo o mag-isip ng kung ano-ano."

Tumango siya saka yumakap sa beywang ng binata. "May gagawin ka ba ngayon?"

Umaktong nag-isip ang binata bago sumagot. "I'll just read my company reports to pass my time. Ayokong makipag-inoman sa mga baliw kong kaibigan. Tiyak, kabaliwan na naman ang gagawin ng mga 'yon."

Kumunot ang nuo niya, "makipag-inuman ka kaya para hindi ka ma bored saka mag-isa ka lang dito."

"Ayoko—"

"Pierce, have fun, will you?"

He sighed. "Ayoko nga. Wala ako sa mood uminom."

"Pero—"

"Hon..." Mahigpit na yumakap sa kaniya si Pierce saka ibinaon ang mukha sa leeg niya, "kung ako lang, gusto kong ikulong ka sa mga bisig ko buong magdamag pero may gagawin ka naman e, kaya nawala na yong plano ko kanina."

Hinagod niya ang likod ng kasintahan saka pabirong tinampal ang pang-upo nito. "Huwag ka ng mag emo diyan, tatawagan kita kaagad pagkatapos namin mag-usap ni Tess."

"Okay...maghihintay ako sa tawag mo."

Hinalikan niya sa nuo si Pierce saka kumawala siya sa yakap nito at umalis sa pagkakahiga sa kama.

Habang nagbibihis siya, walang imik na nakamasid lang sa kaniya si Pierce. Nang nginitian niya ito, sinuklian nito iyon ng kindat. Mahina siyang natawa saka nailing.

"Alis na ako." Paalam niya sa binata saka naglakad palabas ng kuwarto

Pero bago pa siya makalabas, may pumulupot na mga braso sa beywang niya na pumigil sa kaniya sa paglabas.

POSSESSIVE 18: Pierce Rios MullerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon