Chapter 1

8 1 0
                                    

Mikaela's Pov

Kasalukuyan akong andito sa library kasama ang mga kaibigan ko, well library time namin ngayon kaya ayun sila nabobored na kasi wala silang malaro tsaka bawal mag cellphone sa library kaya di rin sila makapag cellphone. Ako naman ay di nabobored kasi nag babasa ako ng libro sila walang magawa kundi mag mukmok sa lamesa.

"Ano bayan Mika dika ba napapagod magbasa? Kanina kapa nag babasa" bagot na sabi ng bestfriend kong si Jamaica habang nakatingin sakin.

"Oo nga Mika!" Medyo malakas na pagsang-ayon ng isa kopang kaibigan na si Cloey kaya sinaway sila ng Librarian.

"Shh tahimik" saway ng librarian kaya napatahimik sila. Pinag patuloy ko nalang ang pag babasa ng libro pero napatingin ako kay Cloey ng mag open sya ng topic about sa relationship.

"Anyway Balita ko nililigawan kaparin ni Dale hanggang ngayon Mika?" Tanong ni Cloey sakin at tumango nalang ako.

"At kailan mo naman siya balak sagutin Miks? Ilang taon naring nanliligaw sayo yun" sabi ni Jamaica na ikinapula nang pisngi ko. Dale's courting me for almost 2 years at di ko parin siya sinasagot well balak ko na naman siyang sagutin mamaya eh pag mag date kami.

"Mamaya siguro" sabi ko na ikinashock nila kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Nako kayong dalawa ah pag lang talaga marinig kong may sinabi kayo kay Dale tignan nyo sasabunutan ko kayo" babala ko sakanilang dalawa kaya tumango naman sila na kinikilig.

"Teka Girl aym so excited eh pano mo naman siya sasagutin? Wala bang surprise?" Sabi ni Cloey. Napaisip naman ako sa sinabi niya dun, paanong surprise nga ba? Gusto ko magandang surprise eh.

"Ang boring naman kasi kung sasagutin mo siya nang walang thrill" sabi ni Jamaica. Kaya sumang ayon naman si Cloey dun.

"Wala pa akong maisip eh" sabi ko at ngumiti nang alinlangan. Napa shrug naman silang dalawa pero nagulat ako nang magsalita si Cloey.

"Alam kona gurl! Bili tayo nang lobo then yung tali na panalo dun sa lobo tas lagay ka nang pics nyong dalawa imposible namang wala kayong pic noh!" Sabi ni Cloey, kaya napatango ako interesting idea.

"Ok naman yun eh marami akong pics naming dalawa at i like that idea Cloey" sabi ko at sinulat iyon sa notebook ko.

"Tapos bili tayo nang cake na may nakalagay na 'Yes' oh dibaaaa" sabi ni Jamaica. Kaya sinang ayunan namin rin yun.

"Pero di aabot yun nang mamaya kaya sa sabado mona siya sagutin hahaha" sabi ni Cloey kaya nahampas ko sya.

"Wag na half day naman tayo ngayon eh so we can buy nalang later" sabi ko naman sakanilang dalawa.

"Sige free naman ako ngayon eh same as Cloey so we can buy later" sabi ni Jamaica. "Oops better text Dale na di ka nya mahahatid later"

Agad namang may tumawag sakin, kaya napatingin ako sa Phone ko 'Dale❤️'

"No need girls he is calling me na teka muna" sabi ko at sinagot ang tawag sabay labas sa library.

•••
"Hello?"

"Hey My Girl"

"Lol your Girl? Sa pagkakaalam ko di pa kita sinasagot hahaha"

"I can feel malapit na pero alam mo naman kahit di mo pa ko sinasagot alam mo namang hihintayin kita"

"Good to know that hahaha anyway wag mo muna akong ihatid ngayon ah?"

"Huh? Bakit? Sayang ihahatid pa naman kita after nang training namin"

"No its ok text nalang kita ah? Tsaka aalis kami nila Cloey ngayon may pupuntahan lang"

"Sige sige basta mag ingat ka ha? Text moko pag nakauwi kana o nakapunta kana sa pupuntahan nyo"

"Aye aye sir masusunod hahaha ingat karin sa training mo ah? Pati goodluck sa training wag kakalimutang ingatan sarili"

"Opo Mam iingatan ko sarili ko para sayo mawawalan ka nang future boyfriend pati Husband pag diko iningatan sarili ko haha"

"Heh w-wag kang ganyan ano a-ahm bye naaa half kami ngayon eh ikaw naman may klase pa so bye na"

"Hahaha kinikilig kalang Mikaela eh pero sige na may klase pa ko tas training na after neto bye love you"

"Bye bye mag ingat ka ha? I love you too" pero binulong kolang yung I love you too kasi mamaya kopa siya sasagutin.

"Ano yung huli mong sinabi?"

"Walaaaa bye na ah? Ingat ka"

"Bye Mikaela ko"

•••

Nang matapos na ang tawag eh pumasok na ulit ako sa library at andun parin ang dalawa kong bestfriend na hawak na ang cellphone at pagkarating ko sa table namin eh Umupo na ulit ako sa upuan ko.

"Girl natext kona yung teammates ni Dale at kinuntsaba kona sila" sabi ni Jamaica na hawak ang cellphone.

"Awtsu yung membermates nga ba o yung bestfriend ni Dale na si Marco?" Pantutukso ni Cloey na ikinapula nang pisngi ni Jamaica.

"H-hoy syempre kasama si Marco dun kasi k-kaibigan ni Dale yun eh" sabi ni Jamaica na di pinapahalata ang kilig.

"Nako baka after ni Mika ikaw na ang sunod Jamaica ha?" Sabi ni Cloey pero nag cross arms lang si Jamaica saka nagsalita.

"eh sino rin naman tinext mo? Si Angelo yung kaibigan rin ni Dale?" Sarcastic na tanong ni Jamaica with a smirk. Napachuckle nalang ako sakanilang dalawa, kahit na ganyan sila mahal ko parin yang mga yan.

"Quit it girls baka masabunutan ko kayo Hahaha" sabi ko. Kaya tumahimik na sila.

"Anyways lika na at umalis na tayo half day lang tayo ngayon eh" sabi ni Jamaica at tumayo kaya tumayo narin kami ni Cloey then umalis na kami

======

Last Game [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon