Chapter 4

6 0 0
                                    

Dale's Pov

Kasalukuyan kaming naandito sa Mall bibili kaming bulaklak para sa Mika ko sana naman eh sagutin na nya ako ngayon hayst 2 years kona siyang nililigawan at sa loob nang dalawang taon nayon eh sakanya lang umikot mundo ko i mean basta siya lang ang bukod tanging minahal ko na babae, syempre except sa Nanay ko malamang hahaha.

"Mga Bro ano ang maganda? Etong rose na puti o itong red? O kaya etong pink?" Tanong ko habang hawak ang tatlong roses. Si Bro Micolo naman eh Napaisip miski sila Angelo na kaibigan ko at si Marco.

"Kung ako sayo yang tatlo nayan ipagsama mo nalang sa iisang bouquet para unique tignan" sabi ni Angelo habang nakasandal yung braso sa glass.

"Oo nga bro para naman makabago" pag sang ayon ni Marco sa sinabi ni Angelo. Tumango nalang ako st kinausap yung parang sales lady ata.

"Miss pwede bang ipagsama itong tatlong roses nato sa iisang bouquet?" Tanong ko sa Babae na parang kinikilig kasi andito ang apat na gwapong lalaki.

"P-pwede naman po sir" nauutal na sabi nung Babae at parang kinikilig pa.

"Thank you Miss" sabi ko at ngumit.

"Ano pong ilalagay sa Paper nato sir?" Tanong nung babae habang hawak yung pink na papel.

"Pakilagay
'To my One and Only, Mikaela'
I Love you very much❤️
'From your future Boyfriend/Husband'
Ayan pakilagay hahaha" sabi ko kaya nakita kong nadismaya yung babae hayst sorry Miss pero may nag mamay ari na ng puso ko. Pagkasabi konun eh tumango nalang yung babae at umalis na mukhang aayusin na yun

"Bro masyado kang cheesy wahaha" sabi ni Angelo kaya nabatukan ko sya.

"Tas mukhang crush ka nung miss nayun bro" sabi ni Marco kaya napangisi nalang ako.

"Kaya nga Bro mukhang gusto ka" sabi ni Micolo.

"Mga bro alam nyo namang si Mikaela lang hanggang huli mahal na mahal ko yun" sabi ko at ngumiti.

"Uy tama nayan wahaha naaasar si Micolo wahaha" tukso ni Angelo kay Micolo kaya tinawanan rin namin.

"Tigilan nyo nga yan bwisit" sabi ni Micolo at sakto namang dating nung inorderan namin kanina na dala na yung bouquet.

"Eto napo sir andyan narin po yung message" sabi nung babae at abot sakin nung bouquet, tama nga ang ganda nung combination nung mga bulaklak.

"Magkano lahat?" Tanong ko. Habang tinitignan yung mga bulaklak. Ang ganda kasing ganda nang bibigyan ko.

"5,000 pesos po lahat sir kasama napo yung pag aayos nung bulaklak" sabi nung babae at kinuha ko naman yung wallet ko at kumuha nang 5,000. May pinapirma pa sakin at pagtapos nun eh umalis na kami sa shop.

"Bili pa tayo ng Cake?" Tanong ni Angelo samin.

"Wag na brad alam mo ok nayan, tapos pag sinagot kana eh sa monthsary nyo kwintas regalo mo hahaha" sabi ni Marco. At tumango lang ako sa sinuggest nya.

"Lika na anong oras na oh" sabi ni Micolo. Habang nakatingin sa cellphone nya. Sumakay na kami sa kotse namin at nag kanya kanya na kami iisang bahay lang rin naman pupuntahan eh.

"Oh kita nalang tayo kila Micolo" sabi ni Marco at nauna nang magpaandar sumunod naman si Micolo at huli si Angelo. Bago ko paandarin kotse ko eh tinext ko muna ang Mahal ko.

To: Mahal ko❤️

Mika ko papunta na kami jan siguro maya maya andyan na kami

At pinaandar kona ang kotse ko hindi naman masyadong traffic kaya makakarating kami dun ng sakto sa oras.

Biglang nagring ang cellphone ko kaya napapreno ako buti red light kundi nako hayst asawa ko pala ang tumatawag hahaha

•••••

"Hello Mikaela ko?"

"H-hoy anong ko kadyan ha? Nakooo"

"Hahaha papunta nako jan malapit lapit na ko" sabay drive ulit nilagay ko sa lap ko yung phone ko at niloudspeaker.

"Ay ganun ba? Nakakaistorbo ata ako sige mamaya nalang sa bahay-"

"Di ka nakakaistorbo gusto kongang may kausap eh lalo na ikaw kausap ko"

"A-ano b-ba Dale naman ehhh malapit kanaba?"

"Malapit lapit nako hintayin moko sa gate? Hahaha" sabay liko sa subdivision nila.

"Sige sige teka bababa lang ako saglit, *footsteps* andito na sila Micolo ikaw nalang wala"

"Oh Angelo akyat na kayo dali hahaha"

"Angelo: excited kana? Malapit na ba siya?"

"Mahal ko: yup yup teka sunduin kolang"

"Angelo: Sige sige"

"Andito nako sa labas Dale asan kana?"

"Teka malapit nako saglit hahaha" nagparking nako ng kotse at naglakad, nakita kosyang nakatingin dun sa isang part nang subdivision nila at dahil sa hindi nya ko nakikita eh naglakad ako papalapit sakanya habang hawak ang bouquet ng bulaklak na nakatago sa likod ko.

"Asan kana? Nag aaalala ako sayo Dale!" May Padyak padyak payan sa lupa.

"Tumingin ka sa Likod ko" sabi ko at napatingin naman siya kamuntikan pa niyang madali chest ko, at kitang kita ang gulat sa mga mata nya. Agad kong pinatay ang tawag sa cellphone na hawak ko sa isang kamay habang ang isa naman na hawak ang nakatagong bouquet ng flowers.

"Dale naman eh! Pinag alala moko!" Sabi nito at hinampas ang chest ko, napatawa nalang ako at tinago ang cellphone ko sa bulsa nang slocks ko dahil sa naka Uniform parin ako. Inangat ko ang mukha nya na nakatungo at tinignan siya sa mga mata niya.

"Wag kang mag alala di ako mamamatay walang mag liligtas sayo at mamahalin ka ng tunay pag nangyari yun"sabi ko kaya namula ang mga pisngi niya at ngumiti. Nilabas ko ang Bouquet at binigay sakanya.

"Wow thank you dale" sabi nito at inamoy ang flowers.

"Your always Welcome Mika, mahal kasi kita kaya ayan effort akong bumili ng bulaklak" sabi ko at nilabas naman niya ang cellphone niya.

"Lika Selfie tayooo" sabi niya at nilagay sa camera ang phone, And we took selfie. Pagkatapos naming mag selfie eh nag aya na siyang pumasok sa loob nang Mansion nila.

"Miss kana nila Mommy eh hahaha tinatanong ka sakin nung pag uwi nila last week" sabi ni Mika habang hawak ang bouquet na bigay ko.

"Asan sila Tita?" Tanong ko sakanya, habang nakasunod lang ako sakanya sa paglalakad.

"Nasa dining area si Mom at Dad, alam moba tinanong ako kanina ni Daddy?" Sabi ni Mika habang nakatingin na sakin ngayon.

"Oh? Anong tanong ni tito sayo?" Tanong ko naman, she just chuckled and my heart starts to beat. Dang mahal ko talaga tong babae nato

"Tinanong niya ko kung kailan daw kita sasagutin" sabi niya sakin napa ngiti nalang ako, oo nga Mika kailan moko sasagutin?

"Oo nga Mika kailan nga ba?" Sabi ko sakanya she chuckled again nilahad niya ang kamay nya sakin at kinuha ko naman iyon.

"Lika dali may papakita ako sayo" sabi niya sakin at hinila niya ko paakyat sa hagdan siguro ay papunta sa kwarto niya?

Ano naman kaya ang ipapakita niya sakin? Kinakabahan ako hayst
••••••

Last Game [On-Hold]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora